Isang batang lalaki ang ipinanganak sa Turkey na may penile agenesis. Ibig sabihin nito, mayroong scrotum ang bata ngunit wala ang phallus sa kanyang ari. Alamin ang kanyang kwento at ang mga maaari pang malaman tungkol sa kakaibang deformity na ito.
Baby boy mula Turkey
Isang hindi pinangalanang baby ang ipinangak sa Erkaban University ng Turkey ang may penile agenesis. Ayon sa mga duktor sa ospital, lumabas ang testicles ng baby boy. Subalit, kapansin pansin na siya ay walang penis. Bukod dito, wala nang ibang nakikitang sakit sa bata.
Ayon sa mga duktor na sumuri sa bata, kakaiba ang kasong ito ng ipinanganak na baby. Ito kasi ang unang report ng naipagnanak na halo-halo ang ilang mga sakit. Ang anomalya na nararanasan ng bata ay may halong vesicoureteral reflux (pagbalik ng daloy ng ihi) at vesicorectal fistula (kakaibang koneksyon sa pagitan ng bato at ng puwet).
Penile agenesis
Ito ay isang bihirang anomalya sa development ng isang tao. Tinatayang nangyayari ito sa 1 sa 30 milyong ipinapanganak. Kadalasang makikita sa mga mayroon ng birth defect na ito ang kawalan ng sex gland o reproductive gland. Hindi rin nila ito nade-develop sa kahit anong bahagi ng kanilang buhay. Dahil dito, tila hindi tumatanda ang kanilang mga itsura at bihirang magdevelop ng body hair. Ganunpaman, tuloy pa rin ang paglalim ng boses at pagkakaroon ng body hair.
Function ng Leydig cells ang pagdevelop ng gonads ng isang embryo para maging penis. Kapag kulangin ito, ang gonads ay hindi nabubuo bilang penis. Dahil walang nadedevelop na 5-alpha dihydrotestosterone mula sa testes, hindi nabubuo ang katawan ng penis.
Isang malaking problema para sa mga ipinanganak nang may birth defect na ito ay ang kanilang pag-ihi. Ang daanan ng ihi ay nagsisimulang madevelop nang nakadikit sa anal wall. Subalit, kung hindi madevelop ang penis, amg ihi ay maiipon lamang sa loob ng katawan. Kadalasan itong inaayos sa pamamagitan ng surgery mula sa pagkapanganak upang mailabas ng katawan ang ihi at maiwasan ang iba pang impeksiyon.
Ang ilang ipinanganak nito ay maaaring magpatuloy mabuhay bilang lalaki kahit pa mayroong kakulangan ng pagkakaroon ng ari. Ganunpaman, hanggang ngayon ay wala paring matagumpay na kaso ng nalagyan ng ari sa pamamagitan ng surgery.
May ilan din na pinagpapatuloy ang kanilang buhay bilang babae matapos dumaan sa gender reassignment surgery. Ganunpaman, sila ay kadalasang walang katangian na pambabae at maaari paring tubuan ng facial hair.
Ayon sa pamilya ng baby, inirerekumenda ng mga duktor ng bata ang gender reassignment surgery para sa kanilang anak. Ganunpaman, labag dito ang mga magulang ng bata.
Source: Asia One, Penile Agenesis
Basahin: 39 magnetic beads found in 12-year-old’s penis
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!