Paano nga ba malalaman ang personality ng partner sa pamamagitan ng communication?
Communication susi raw para malaman ang personality ng iyong partner
Isa sa key factor ng relationship ay ang communication, pero paano malalaman ang personality ng partner. Ito ang ilan sa mga reasons kung bakit communication ay susi para makilala ang partner
1. Magkaroon ng clear communication sa iyong partner
Ito ay magiging way kung saan, mas napag uusapan ang problema. Dito rin masosolve ang problem ng magkasama at hindi ng mag-aaway.
2. Mag-ask ng help
Matuto humingi ng tulong sa partner sa oras na kailangan ng help
3. Isang issue lamang pag-usapan
Ayusin ang isang problema sa isang usapan, pero ito lamang dapat
Maging specific ang inyong usapan upang maayos ang isang issue
4. Be understanding
Bilang mag-asawa ay mahalaga na iniintindi niyo ang bawat isa para magkaroon kayo ng mas malinaw at maayos na komunikasyon. Kailangan ng mutual understanding para magkaintindihan kayo sa mutual needs. Kung nahihirapan makipag communicate sa iyong asawa, ito ang ilang tips:
4 tips kung nahihirapan makipag-communicate sa iyong asawa
-
Magkaroon ng time apart to relax
Ang stress ay maaari mong mailabas sa partner kaya mabuti na mag relax muna Pwede rin na may pent-up emotions na maaaring makasakit ng partner kaya mahalaga ang time apart.
-
Alamin ang sensitive topics sa iyong partner
Dapat maging sensitive ka sa iyong partner upang maiwasan ang mga triggering emotions. Kung ito ay natrigger, maari na pagsimulan ng pag-aaway o hinanakit sa isa’t isa.
-
Spend time together
Kung may oras na dapat magkahiwalay kayo mag-relax, dapat meron rin ang time na magkasama. Ito ay mahalaga upang mabuo ang inyong connection together.
-
Be honest with your partner.
Kung tinanong ka ng “are you fine?” “okay ka lang ba?” kung maaari ay maging honest sa emotions. Dapat ay maging totoo ang iyong sinasabi sa partner upang magkaintindihan kayo.
Mahalaga ang communication para mas makilala ang iyong partner at ang kanyang personality. Kaya kung maaari ay magkaroon ng communication para sa strong relationship