PGH naapektuhan ng sunog, Linggo ng madaling araw. NICU department, nangangailangan ng donasyon ng breast milk. Basahin ang mga detalye rito!
Mababasa sa artikulong ito:
- Sunog sa Philippine General Hospital sa Maynila
- Mga babies sa NICU, inevacuate, nangangailangan ng breast milk
- Paano at saan pwede magpadala ng breast milk donation at iba pang tulong
Linggo, May 16, 2021, nagkaroon ng malaking sunog sa isang bahagi ng Philippine General Hospital sa Taft Avenue, Manila kaninang madaling araw.
Sunog sa PGH
Ayon sa ulat ng CNN, nagsimula raw ang apoy sa operating room sa third floor ng ospital. Narinig ang unang alam ng 12:41 a.m. at umangat sa second level pagdating ng 12:58a.m, sabi ng Bureau of Fire Protection – National Capital Region.
Agad namang rumesponde ang 14 firetrucks, habang nakita sa mga larawan at video sa social media na ine-evacuate ang mga pasyente ng pampublikong ospital. Ayon sa BFP, dineklarang under control ang sunog ng 2:46 a.m. at tuluyan nang naapula ng 5:41 a.m.
Ayon sa Manila Public Information Office, wala namang nasaktan sa naturang aksidente. Iniimbestigahan pa rin kung ano ang naging sanhi ng sunog.
Mga babies sa NICU, inevacuate
Naapektuhan sa sunog ang neonatal intensive care unit (NICU) ng ospital na nasa 4th floor ng gusali.
Ayon kay Dr. Grace Padilla, director ng Sta. Ana Hospital, 12 sanggol mula sa NICU ang nailipat sa kanilang ospital.
Samantala, sa isang Facebook post ni Dr. Cindy Sotalbo, ipinakita na may ilang babies pa ang na-evacuate at kasalukuyang namamalagi sa chapel ng ospital.
Sa isang Facebook post ni Kathrina Bianca Macababbad, kinuwento niya ang kaniyang karanasan habang naka-night shift, kung kailan nangyari ang sunog sa ospital.
“Enjoy na enjoy pa ako nagpapaligo ng mga baby loves (patients) ko ng biglang may nagbukas ng pinto ko at sabi ay mag-prepare ng mag-evacuate dahil may sunog.
Ventilator dependent ang lima sa anim na patients ko, isa lang ang naka room air. Nakakaiyak na habang bitbit ko ‘yong mga kayang huminga mag isa, maiiwan yung mga naka intubate at ventilator.
Pagdating sa open area sa baba, ewan ko kung ano sumapi sa amin ni Jomar Mallari at bumalik kami sa taas para ma evacuate din ‘yong ibang baby na naka ventilator. Nag-ambu bag while carrying the baby ang scenario.”
35 babies mula sa NICU ang naevacuate, pati ang mga sanggol na nasa intubator at nasa kritikal na kondisyon. Nailabas din nila ang ilang mga gamit na kailangan para sa mga pasyente.
“Nakapag shopping din ako ng emergency equipments (pang intubate, ambubag, ETs, oxygen cannula, emergency meds, pang swaddle ng baby, IV fluids, syringes) pinag kasya ko lahat sa ecobag na bitbit ko.
Sa pang limang akyat baba namin sa 4th floor NICU, namatay na pipe in oxygen at kuryente kaya naman even intubated patients, binaba na rin namin.
35/35 NICU babies including critical and intubated were saved!”
Ayon kay Nurse Rose Delos Reyes ng NICU, nailipat na sa isang ward sa 1st floor ng ospital ang mga sanggol habang inaantay pang mawala ang usok at maging maayos ang kalagayan sa 4th floor.
PGH Milkbank, kailangan ng mga donasyon na breastmilk
Bagama’t nasagip at na-evacuate naman ang mga sanggol, naapektuhan rin ng sunog ang kuryente ng ospital, pati na rin ang milk bank kung saan kumukuha ng gatas para sa mga NICU babies.
Dahil rito, nangangailangan ang PGH ng mga donasyon na breast milk para sa mga sanggol.
“Hi guys. You might have seen the fire that happened in PGH this morning. The evacuated newborn babies from the NICU need breast milk po. If you have extra that you can donate (refrigerated/frozen) or if you have sources you can refer, we would appreciate your help,” ani Dr. Sotalbo sa kaniyang post.
“The power and refrigerator in the milk bank seems to have been affected by the fire, and they are still doing repairs today (Sunday, 5/6/21). They are currently using the on-and milk supply.” sabi ng doktora.
Bukod sa mga sanggol na nasa NICU, kasama sa mga baby na kumukuha ng gatas mula sa milk bank ang mga sanggol ng mga Covid-19 positive patients, maging ang mga sanggol ng mga nanay na may malalang sakit at kritikal na kondisyon na ginagamot sa PGH.
Ayon kay Nurse Rose, every 2 hours ang pagbibigay ng breast milk sa mga sanggol, at paubos na ang mga gatas na naisalba nila, kaya naman nangangailangan talaga sila ng donasyon ng breast milk sa ngayon.
BASAHIN:
UP-PGH launches hotline number for its COVID-19 Bayanihan Operations Center
Paano at saan pwede magpadala ng tulong?
Ayon kay Dr. Sotalbo, maaring makipag-ugnayan sa PGH Milk Bank bago magpadala ng mga donasyong breast milk para sa tamang pangangasiwa ng gatas.
“To prevent spoilage, they encourage people to send donations starting TOMORROW (Monday, 5/16/21) when power is expected to be running. Please coordinate with the PGH Milk Bank prior to sending so the cold chain can be maintained. You can drop off donations or send via courier (with insulated bag).”
Larawan mula sa Facebook page ni Dr. Sotalbo