VIRAL: Pharmacist pinahiya ng customer na walang dalang reseta at nais bumili ng gamot

Customer nagpumilit na makabili ng kaniyang maintenance medicine sa kabila ng paliwanag ng pharmacist na kailangan niyang magpakita ng reseta mula sa kaniyang doktor.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pharmacist pinahiya ng customer dahil sa ayaw nitong pagbilhan ito ng gamot ng walang ipinapakitang reseta.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Pharmacist na pinahiya ng customer.
  • Bakit mahalagang magkaroon ng reseta mula sa doktor sa tuwing bibili ng gamot.
  • Parusa mga pharmacist na magbebenta ng gamot sa pasyenteng walang dalang reseta.

Pharmacist na pinahiya ng customer

Viral sa social media ang video ng isang pharmacist na pinahiya ng kaniyang customer. Ang dahilan ng pamamahiya ay dahil sa hindi pinagbilhan ng pharmacist ng gamot ang kaniyang customer sapagkat ito ay walang dalang reseta.

Ang video kinunan sa pharmacy ng isang kilalang department store. Maririnig dito kung paano pinapaliwanag ng pharmacist ang pagkakaiba ng mga gamot na kailangan ng reseta at mga mabibili over the counter o hindi na kailangan pa ng prescription. Ang customer nais bumili ng kaniyang maintenance medicine para sa kaniyang high blood pressure. Pero dahil wala itong dalang reseta ay hindi ito binentahan ng pharmacist na kausap niya. Ito ang nagtulak sa customer na i-video ang kanilang pag-uusap. Bagamat ang naturang video mula sa Facebook account ng customer sa ngayon ay burado na. At imbis na makakuha ng simpatiya ay na-bash pa ang nasabing netizen sa tinuran niya.

Bakit mahalagang magkaroon ng reseta mula sa doktor sa tuwing bibili ng gamot

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Shutterstock

Ayon sa Republic Act No. 5921, mahigpit na pinagbabawalan ang mga pharmacist na magbenta ng gamot kung walang ipinapakitang reseta mula sa doktor ang isang mamimili o customer. Ito ay para masiguro na ang kapakananan ng customer ay ma-protesyonan. Sapagkat ang reseta ang ginagamit na basehan ng mga pharmacist sa klase at dosage ng gamot na ibibigay sa customer. Dahil kung sakaling hindi dumaan sa maayos na analysis ng doktor ang kondisyon ng pasyente o siya ay nag-self medicate ay maaring hindi angkop para sa kondisyon niya ang gamot na kaniyang iinumin. At imbis na mapabuti ang kaniyang kalagayan ay baka lalong mapasama pa ito.

Parusa sa mga pharmacist na magbebenta ng gamot sa pasyenteng walang dalang reseta

Para naman sa mga pharmacist, mahigipit nilang sinusunod ang batas na ito. Sapagkat ang lisensya nila na pinaghirapan ang maaring malagay sa alanganin kung hindi sila susunod dito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Shutterstock

“Ayon sa RA 5921, maaring tumanggi ang mga pharmacist na mag-dipense ng medicines o drugs unless ito ay sa isang authorized pharmacy o drugstore na pinapangunahan ng isang licensed pharmacist.”

Ito ang paliwanag ng lawyer-vlogger na si Atty. Mo. Ayon sa kaniya, maari ring makasuhan ang netizen na nagpost ng viral video dahil sa paratang nito sa ibang malalaking drugstores na hindi na umano naghahanap pa ng reseta sa tuwing bumibili siya.

“Puwedeng kasuhan ng cyberlibel ang poster ng video. Dahil ang pagsasabi na sila ay nag-dispense even without prescription is an imputation of a crime.”

Ito ang sabi pa ni Atty. Mo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pero sa kabuuan, paalala ng mga medical experts, bago mag-take ng kahit anumang gamot ay mabuting kumunsulta muna sa isang doktor. Ito ay para makasigurado na magiging mabuti ang epekto ng gamot sayo at hindi lalong pasamain pa ang kondisyon mo.