X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Mga benepisyong makukuha sa Philhealth para sa kaso ng Dengue

5 min read

Ang mga Philhealth benefits na nakukuha ng isang miyembro ay sadyang kapaki-pakinabang sa oras ng emergency at mga sitwasyon na nagkakaroon ng banta sa kalusugan ng isang Pilipino. Isa ito sa mga inaasahan ng mga Pinoy lalo na kapag nao-ospital sa sakit o karamdaman na nangangailangan ng magastos na gamutan.

Ang Philhealth ay isang sangay at programa ng gobyerno na naglalayong mabigyan ng health insurance ang bawat Pilipino. Ayon sa Philhealth, ay halos 93% na o 97 million ng populasyon ng Pilipinas ang covered ng social health insurance na ito.

Sa ilalim nga ng programang ito ng gobyerno ay mga benepisyong maaring magamit ng isang miyembro sa oras ng sakit, karamdaman o anumang problemang pangkalusugan. Napakalaking tulong nga ng Philhealth para sa mga Pinoy lalo na ngayon na laganap ang iba’t-ibang uri ng sakit sa Pilipinas.

Isa na nga sa mga sakit na ito ay ang nakakatakot na dengue na naitalang tumama sa 179,540 na Pilipino, Enero hanggang Nobyembre noong nakaraang taon. Samantalang umabot naman sa 907 na Pinoy ang naitalang binawian ng buhay noong nakaraang taon dahil sa mapanganib na sakit na ito.

Sa ngayon ay wala paring natutuklasang lunas sa sakit na ito ngunit ang early detection at ang access sa proper medical care ang sinasabing maaring magpapaba ng fatality rate nito. Dito pumapasok ang Philhealth benefits na maaring magamit sa oras na magkaroon ng dengue ang miyembro o sinumang dependent ng programang ito.

Philhealth benefits para sa dengue

Dengue Philhealth benefits

Isa sa mga benepisyong makukuha ng isang miyembro ng Philhealth ay ang pagsagot ng ahensya sa mga gastusin ng pasyente sa ospital kabilang na ang hospital charges at professional fee ng doktor na nakadepende sa sakit o karamdaman ng isang pasyente.

Sa kaso nga ng dengue ay may magkakaibang benepisyong maaring matanggap ang isang miyembro o dependent sa ilalim ng programang ito na nakadepende sa deskripsyon o lala ng dengue fever. Ito ay ang mga sumusunod:

  • Para sa mga pasyenteng nakakaranas ng Dengue na walang warning signs, Dengue hemorrhagic fever Grades 1 and 2 at Dengue hemorrhagic fever na walang warning signs ay may nakalaang P7,000 para sa hospital charges at P3,000 naman para sa professional fee ng doktor na may total na P10,000.
  • Para naman sa mga pasyenteng nakakaranas ng Dengue at Dengue hemorrhagic fever na may warning signs ay may nakalaang ding P7,000 para sa hospital charges at P3,000 naman para sa professional fee ng doktor na may kabuuang P10,000.
  • Samantalang para naman sa kaso ng Severe Dengue at Severe Dengue hemorrhagic fever ay may nakalaang P11,200 para sa hospital charges at P4,800 para sa professional fee ng doktor na may kabuuang P16,000.

Ang mga ito ay ang mga itinakdang presyo para sa mga kondisyon at pamamaraang medikal na ibinabawas ng Philhealth sa total bill ng isang miyembro o dependent nito na nakakaranas ng dengue. Ngunit para ma-iavail ang mga benepisyong ito ay may mga kondisyon ang Philhealth na kailangang sundin ng isang miyembro.

philhealth benefits

photo: Pixabay

Mga kondisyon para maka-avail ng Philhealth benefits

1. Dapat ay nakalista bilang qualified dependent ang pasyente o ang taong may dengue.

Ang mga qualified dependents ng isang Philhealth member ay ang mga sumusunod:

  • Legal na asawa
  • Mga anak, lehitimo man o ampon na hindi bababa sa 21 years old.
  • Mga anak 21 years old pataas na may congenital disability o kahit anong diability na nagiging dahilan upang maging dependent sa Philhealth member.
  • Magulang na 60 years old pataas na hindi miyembro ng Philhealth ay may mababang income
  • Magulang na sa kahit anong edad na may permanent disability

2. Dapat ay active o may qualifying contributions.

Sa ngayon ang isang Philhealth member ay maaring maka-avail ng Philhealth benefits kung siya ay nakabayad ng hindi bababa sa siyam na buwan na hulog o halaga ng premium sa loob ng labindalawang buwan bago kuhanin ang benepisyo.

3. Hindi pa ubos ang 45 days regular benefit limit.

Ang 45 days regular benefit limit ay ang bilang ng araw ng confinement o admission ng isang dependent sa hospital sa loob ng isang taon.

4. Naka-admit sa Philhealth accredited facility, ospital man o clinic na hindi bababa sa 24 oras.

5. Ginagamot ng isang Philhealth accredited doctor.

Maliban sa pagsunod sa mga kondisyon na ito ay kailangan ring ihanda ng isang miyembro ang mga sumusunod na dokumento para magamit ang kaniyang Philhealth benefits.

  • Philhealth ID
  • Philhealth MDR o Membership Data Record na kung saan nakasaad ang pangalan ng dependent ng miyembro na naospital o kukuha ng benepisyo
  • Philhealt Claim Form na magmumula sa ospital o clinic na pinagpagamutan

Para naman sa mga karagdagan pang dokumento kung kakailanganin ay dapat itago ang lahat ng orihinal na kopya ng resibo na may kaugnayan sa pagpapagamot o Philhealth claim ng isang miyembro.

 

Sources: Philhealth, Rappler, Philstar, Philstar, World Health Organization (WHO), DOH

Basahin: Dengue: Mga kailangan mong malaman tungkol sa sakit na ito

Partner Stories
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

Inedit ni:

Candice Lim Venturanza

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • Mga benepisyong makukuha sa Philhealth para sa kaso ng Dengue
Share:
  • Paano magbayad ng PhilHealth contribution online at sa bayad center?

    Paano magbayad ng PhilHealth contribution online at sa bayad center?

  • 3 PhilHealth benefits na hindi mo alam bukod sa in-patient at out-patient

    3 PhilHealth benefits na hindi mo alam bukod sa in-patient at out-patient

  • Awra's father sa pagkakaroon ng two gay sons: "Kung hindi ko matatanggap, paano pa 'yong ibang tao?"

    Awra's father sa pagkakaroon ng two gay sons: "Kung hindi ko matatanggap, paano pa 'yong ibang tao?"

  • This amazing baby saves her family's life

    This amazing baby saves her family's life

  • Paano magbayad ng PhilHealth contribution online at sa bayad center?

    Paano magbayad ng PhilHealth contribution online at sa bayad center?

  • 3 PhilHealth benefits na hindi mo alam bukod sa in-patient at out-patient

    3 PhilHealth benefits na hindi mo alam bukod sa in-patient at out-patient

  • Awra's father sa pagkakaroon ng two gay sons: "Kung hindi ko matatanggap, paano pa 'yong ibang tao?"

    Awra's father sa pagkakaroon ng two gay sons: "Kung hindi ko matatanggap, paano pa 'yong ibang tao?"

  • This amazing baby saves her family's life

    This amazing baby saves her family's life

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.