DepEd inanunsyo na mayroon ng 30 days break ang mga public school teachers ngayong darating na school year

DepEd magha-hire rin ng mga administrative officers para maalalayan ang mga public school teachers sa mga administrative tasks nila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

May bagong Philippine teachers benefit na inanunsyo ang Department of Education o DepEd para sa darating na school year. Ang mga public school teachers entitled na sa straight na 30 days break!

Mababasa dito ang sumusunod:

  • 30 days break para sa mga public school teachers.
  • Bagong Philippine teachers benefit.

30 days break para sa mga public school teachers

Larawan mula sa Facebook account ni Maria Sol Amedo

May dagdag na benepisyo ang ibinalitang maibibigay sa mga public school teachers sa bansa. Una na rito ay ang 30 days straight break ng mga guro mula sa mga volunteer work sa pagtatapos ng school year 2023-2024. Ito ay inanunsyo ni Vice-President at Department of Education Secretary Sara Duterte.

Layunin ng dagdag na benepisyo na ito ay ang makapahinga ng deretso at matagal ang mga guro sa kanilang trabaho. Pati na ang mas magkaroon sila ng oras sa kanilang sarili at pamilya. Dahil matapos man ang klase o magbakasyon na ay patuloy ang pag-aasikaso ng mga guro sa mga paperworks sa kanilang eskwelahan.

Bagong Philippine teachers benefit

Larawan mula sa DepEd Facebook account

Kaugnay dito ay ipinangako rin ni VP Duterte na magbubukas ang ahensya ng 3,500 administrative officer positions at 1,500 project development officer positions para umalalay sa administrative tasks ng mga guro. Ito ang inirereklamong isa sa nagpapahirap at nakakaapekto sa pagtuturo ng mga Filipino teachers.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Soon, you will be relieved from the administrative responsibilities that prevent you from focusing or enhancing our students’ learning.”

Ito ang sabi ni VP Duterte sa isang pahayag.

Dahil marami rin sa mga Pilipinong guro ang lubog sa loans sa iba’t-ibang lending institutions, ay nakipagugnayan rin ang DepEd sa GSIS o Government Service Insurance System. Ito ay upang ma-address ang concerns nila sa kanilang mga utang t ma-improve ang kanilang financial situation.

Ang mga balitang ito ay kaugnay sa pagdiriwang ng National Teachers Month ngayong Setyembre.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bagamat magandang balita ito para sa mga guro, sigaw ng mga teachers group ay sana maaprubahan na rin ang hiling nilang dagdag sahod.

Larawan mula sa DepEd Facebook account

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

 

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement