LOOK! Pia Wurtzbach at Jeremy Jauncey engaged na

Pia Wurtzbach engaged na sa kaniyang boyfriend of two years na si Jeremy Jauncey. Alamin dito ang buong istorya!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Matapos ang ilang araw na pagbibigay ng hints, inanunsyo na nga nina Jeremy Jauncey at Pia Wurtzbach na sila ay engaged na!

Mababasa sa artikulong ito:

  • Pia Wurtzbach engaged na kay Jeremy Jauncey
  • Pia Wurtzbach at Jeremy Jauncey love story

Larawan mula sa Instagram ni Jeremy Jauncey

Pia Wurtzbach engaged na kay Jeremy Jauncey

Masayang ibinalita ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na siya ay engaged na sa kaniyang boyfriend na si Jeremy Jauncey. Isinagawa ito ng actress-beauty queen sa pamamagitan ng pag-post ng Instagram reel.

Sa nasabing short video, makikita ang dalawa sa kanilang beautiful vacation sa Amanpulo, Palawan. Caption ni Pia Wurtzbach sa reel,

“We found the perfect place to celebrate and tell you guys.”

Kamakailan lang ay ilang beses na nag-drop ng hints ang dalawa sa kanilang mga Instagram account tungkol sa engagement. Sa Instagram post ni Jeremy Jauncey earlier this week, makikita ang masayang picture ng binata.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram ni Jeremy Jauncey

“Sunsets in the Philippines are better than anywhere else in the world. Especially at Amanpulo when you have something to celebrate,” caption ni Jeremy sa kaniyang post.

Biyernes ng hapon nang magpost ng Instagram story si Pia tungkol sa umano’y surprise ni Jeremy sa kaniya. Saad ni Pia Wurtzbach, isang buwan na raw silang nagcecelebrate ng boyfriend, ngunit hindi pa rin ito nauubusan ng sorpresa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Matapos ito ay ang picture naman nila habang nagtotoast ang inilagay ng actress-beauty queen sa kaniyang IG Story. Nakasulat sa caption ng photo, “cheers to? Forever?”

Larawan mula sa Instagram story ni Pia Wurtzbach

At ngayon nga ay kapwa naka-post sa Instagram ng isa’t isa ang announcement na si Pia Wurtzbach ay engaged na. Masaya at nakakakilig ang reel ng engagement. Inulan ng pagbati mula sa mga fan at kaibigang celebrities ang balita ng dalawa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ilan sa mga celebrity na bumati ay sina Sarah Lahbati, Iya Villania, Solenn Heusaff, at Miss Universe 2018 Catriona Gray.

 
 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 

 

BASAHIN:

Matteo Guidicelli nakalikom ng higit 4M para sa apektado ng COVID-19

LOOK: Celebrities who are first-time moms this Mother’s Day

Andi Eigenmann grateful to Philmar Alipayo: “Wouldn’t be here without you, mahal!”

Love story ni Pia Wurtzbach at Jeremy Jauncey

Nagkakilala sina Pia Wurtzbach at Jeremy Jauncey “by chance” sa United Kingdom. Sa vlog na inupload ng photographer na si BJ Pascual, ikinuwento ni Pia kung paano nag-spark ang relationship nila.

Ani Pia Wurtzbach, nakita niya sa shopping at entertainment hub sa UK ang lalaki habang siya ay nagbabakasyon. Magkakilala naman na umano sila nito bago pa ang meeting na iyon. Kaya lamang, never pa silang nakapag-usap nang personal.

Saad ni Pia, fina-follow na niya ang Beautiful Destinations prior sa pagkikita nila ni Jeremy. CEO at Founder si Jeremy Jauncey ng Beautiful Destinations, isang award-winning creative agency.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kwento pa ni Pia Wurtzbach muntik na rin silang magkita ni Jeremy sa isang event noong reigning Miss Universe pa siya. Unfortunately, ay hindi umano umayon sa kanila ang pagkakataon.

Inamin ng beauty queen na nakaramdam siya ng hiya sa una nilang pagkikita. Playing cool pa umano ang aktres pero sa loob-loob ay nahihiya siya dahil napakagwapo aniya ng lalaki.

Super friendly din daw si Jeremy Jauncey kaya mabilis din siyang naging komportable sa pakikipag-usap dito. Kalaunan ay pumayag siya na mag-kape kasama ito at ibigay ang kaniyang contact number.

Larawan mula sa Instagram ni Jeremy Jauncey

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Matapos ang pagtatagpo na iyon ay muling nagsama ang dalawa para sa isang dinner. Kwento ni Pia, 

“After namin mag-dinner, tinanong niya ako kung ano’ng plano ko for Christmas. Sabi ko, ‘Oh I’m just going to be here in the UK, I’ll spend it with my family,”

Sakto rin naman daw na nasa Scotland si Jeremy para sa Pasko. Dahil dito, inalok ni Pia Wurtzbach ang binata na magcelebrate sila ng New Year together kasama ang pamilya ni Pia.

Dagdag pa ni Pia, ganoon din daw ang nasa isip ni Jeremy at gumawa na nga agad ito ng plano. Ikinakilig din ng actress-breauty queen na pinuntahan siya ng boyfriend sa Hongkong bago ang New Year.

Kinumpirma ng dalawa ang kanilang relasyon noong June 2020. Tinampok sila sa cover ng Tatler Philippines with the text, “Modern Love.”

Sa nasabing magazine, sinabi ni Pia na may immediate spark sa unang pagkikita nila ni Jeremy. Palagi umano itong nakangiti at napaka-warm person. Naikwento rin ni Jeremy Jauncey na dumaan sila sa traditional courtship stage. Si Pia Wurtzbach umano ang nag set ng parameters ng ligawan na masaya naman niyang tinanggap.

“It was a chance to show that I was serious about her and that I wanted to be a gentleman about it, which was very important to me,” ani Jeremy.

At ngayon nga ay kinumpirma na ni Pia Wurtzbach na siya ay engaged na sa nobyo makalipas ang dalawang taong relasyon.

 

Sinulat ni

Jobelle Macayan