Pigsa: Sintomas, sanhi, gamot at home remedy para dito

Tag-init na naman—panahon ng paglabas ng nakakainis, at masakit na kondisyong ito lalo na sa mga bata. Paano nga ba gamutin ang pigsa? Alamin dito!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Naranasan mo na ba na pag gising mo mula pagkakatulog ay may naramdaman kang isang malaking bump na kulay pula at kapag hinawakan mo ito ay masakit?Naku! Ito ay maaaring pigsa o boil in english. Pero wait! Bago mo siya ma-expose, kailangan mo munang malaman kung paano gamutin ang pigsa para maagapan agad ito. Ano nga ba ito at ano ang mabisang gamot sa pigsa?

Ano ang pigsa?

Ang pigsa o boil in english ay sanhi ng impeksiyon sa hair root o sweat pore ng balat. Sa simula, makakaramdam ka muna ng pamumula sa isang bahagi ng katawan mo.

At kapag nagtagal, mabubuo ang nana sa ilalim na balat gawa ng infection hanggang ito ay maging kulay pula at maging masakit na bukol.

Ayon sa mga pagsusuri, wala naman itong kinalaman sa kabuuang kalusugan ng isang bata. Talaga lang lumalabas ito lalo kapag tag-init.

Masakit, pero hindi naman ito isang seryosong sakit o problema, maliban nga lamang kung tutubo sa mga maselang bahagi tulad ng pigsa sa pwet at mukha, at kung hindi maaagapan ang impeksiyon na kumalat sa ibang bahagi ng sistema.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kaya karamihan ay nagtataka pa rin kung paano gamutin ang pigsa. Ating alamin ito at isa-isahin ang mga paraan para makaiwas sa pigsa.

Ilang araw tumatagal ang pigsa?

Ano ang mga sintomas nito?

Sintomas ng pigsa

Maaaring magkaroon ng pigsa ang lahat ng tao. At sa kahit anong parte ng katawan ay puwede itong tumubo. Ngunit karaniwang tumutubo ang boil sa mga may buhok at pawisin na parte ng katawan katulad ng mukha, kili-kili, leeg, braso, pisngi ng puwit o balakang.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sintomas ng pigsa

Kadalasan, nagsisimula ang boil sa maliit na kulay pulang umbok sa balat. Kapag ito ay naramdaman mong masakit kapag hinawakan, maaaring ito ay boil dahil unti-unti na itong namamaga.

Maliit ito sa una ngunit lumalaki din agad kapag tumagal. Kapag ito ay tila hinog na, titigas ito dahil sa nana sa ilalim ng balat ngunit lalambot din kapag tumagal pa.

Narito ang sintomas:

  1. Pagkakaroon ng lagnat
  2. Pagkakaroon ng maliit na mapulang bukol sa balat
  3. Pananakit ng katawan
  4. Kapag kumakati ang palibot ng mapulang bukol
  5. Ang balat sa paligid nito ay nagkakaroon din ng impeksyon
  6. Patuloy na paglaki ng mapula, matigas at makating bukol
  7. Kapag napansin mong nagkakaroon ng madilaw o maputing tuldok sa gitna ng bukol

Pigsa remedy: Paano gamutin ang pigsa?

Pigsa remedy: Mayroon ka bang boil o ang iyong anak? Naghahanap ka ba ng pigsa home remedy na maaaring masubukan para mawala ang pigsa? Narito ang ilang pigsa home remedy na maaaring gawin para maibsan ang sintomas ng boil.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

1. Warm compress

Isa kung paano gamutin ang boil ay lapatan ito ng warm compress para bumuka o pumutok ang mata (ng pigsa) at lumabas ang nana.

Gumamit lang ng tuwalya o bimpo na binabad sa maligamgam (hindi mainit) na tubig at ilapat sa pigsa nang ilang minuto. Gawin ito ng ilang beses sa isang araw. Siguraduhing malinis ang kamay kapag ginagamot ang pigsa.

2. Malinis na katawan

Panatilihing malinis ang katawan ng may sakit. Mabilis kumakalat ang boil lalo na kapag may dumi o germs. Kung bumuka at matanggal ang nana ng pigsa, punasin ito pati ang dugo na lalabas gamit ang malinis na bulak na binasa sa antiseptic solution.

Hugasan at tuyuin ang paligid ng pigsa, at takpan ng plaster o gauze upang maiwasan ang pagkalat nito, at para hindi kamutin ng bata. Hugasan ang kamay nang mabuti pagkatapos maglinis ng pigsa.

3. Paano gamutin ang pigsa ng bata

Kapag may boil ang bata, makakabuti ang pagpapaligo sa bata araw araw, o dalawang beses sa isang araw kung matindi ang init ng panahon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Gumamit ding ng antiseptic solution sa mismong pigsa, sa isang buong linggo. Bigyan siya ng sariling tuwalya at bimpo, na hindi ipapagamit sa iba.

Labhan din ito sa tuwing gagamitin para matanggal ang mga mikrobyo, kasama na ang mga damit na lumalapat sa pigsa araw araw.

Gamot sa pigsa. | Larawan mula sa Freepik

4. Hindi gamot sa pigsa ang pagtiris dito

Huwag titirisin! Mas magiging susceptible sa impeksiyon ang boil kapag ginawa ito, bukod pa sa masakit lalo ito para sa bata. HUWAG ding gumamit ng karayom sa pagpisa ng pigsa dahil maaaring magkaron ng tetano mula dito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

5. Laging i-check ang boil

Tingnan palagi kung may mga bagong pigsang lumalabas sa ibang bahagi ng katawan ng bata. Dalhin agad sa doktor kung lumalaki, dumadami o labis na ang sakit.

6. Blood test

Kapag hindi umekto ang gamot sa pigsa na antibiotic, sumasailalim sa blood test ang pasyente at maaaring kailanganin ang minor surgery para matanggal ang nana o pus, para sa tinatawag na incision at drainage.

May general anaethesia at surgeon ang gagawa ng procedure. Bibigyan din ang pasyente ng antibiotics sa pamamagitan ng intravenous drip o IV. Ito ay sa mga extreme cases lamang.

7. Halamang gamot

Sa probinsiya, at sa mga naniniwala sa mga halamang gamot, dahon ng gumamela ang ginagamit para mapahinog ang boil. At ay isang sinaunang paniniwala na ginagawa pa rin ng marami dahil nakita nila ang pagpapagaling nito sa pasyente.

Ang gumamela ay isa sa mga gamot na herbal na maaaring gamitin para mas mabilis ang paghinog ng nana ng pigsa. Hinuhugasan at pinapatuyo sandali ang bagong pitas na dahon ng gumamela at dinidikdik hanggang sa maging pino at kumatas ito.

Saka naman ito inilalagay sa ibabaw at paligid ng pigsa, na siyang magpapahinog dito. Siguraduhin pa ring malinis ang pigsa at ang mga kamay ng gumagamot.

Gamot sa pigsa na nabibili sa botika

Bukod sa mga home remedy, mayroon ding gamot sa pigsa na nabibili sa botika. Maaaring magreseta ang doktor ng mga gamot para sa iyong pigsa. Maaaring pinapahid ito o kaya naman iniinom. Ang pigsa kasi ay isang uri ng impkesyon na kinakailangan inuman minsan ng antibiotic.

Ilang sa mga antibiotic na maaaring ireseta ng iyong doktor na gamot sa pigsa na nabibili sa botika ayon sa Healthline ay ang mga sumusunod:

  • cefotaxime
  • ceftriaxone
  • cephalexin (Keflex)
  • amikacin
  • levofloxacin (Levaquin)
  • mupirocin (Centany)
  • sulfamethoxazole/trimethoprim (Bactrim, Septra)
  • tetracycline
  • amoxicillin (Amoxil, Moxatag)
  • ampicillin
  • cefazolin (Ancef, Kefzol)
  • erythromycin (Erygel, Eryped)
  • gentamicin (Gentak)
  • clindamycin (Cleocin, Benzaclin, Veltin)
  • doxycycline (Doryx, Oracea, Vibramycin)

10 bagay na dapat malaman tungkol sa boil

1. Ang boil ay tinatawag ding furuncle

Kapag marami o grupo ang tumubo, carbuncle ang tawag dito. Kapag malalaki, ito ay tinatawag na abscesses. Nagsisimula ito sa pamumula ng isang bahagi ng katawan, pagkatapos ay nagkakaroon ng malambot na pamamaga.

Magkakaroon ng kulay puti dahil sa pagkaipon ng nana sa ilalim ng balat, pagkalipas lamang ng apat hanggang pitong araw.

2. Karaniwan itong tumutubo sa mukha

Kadalasang tumutubo ito sa mga may buhok at laging pinapawisang parte ng katawan katulad ng mukha, kili-kili, leeg o pwet. Kapag may tumubong isa, malamang ay may tutubo pa sa ibang bahagi ng katawan.

3. Bacteria ang sanhi nito

Nagkakaron ng boil kapag may mga bacteria na tinatawag na Staphylococcus aureus, ang pumasok sa hair root o follicles, oil glands, o sweat pore, ayon kay Dr. Jerry Villarante, MD, sa pamamagitan ng mga sugat sa balat.

4. Hindi ito delikado

Ito ay dahil may mga natural na pang-depensa ang katawan natin para malabanan ang bacteria.

5. Walang direktang sanhing panlabas ang pagkakaroon nito

6. Impeksiyon ng boil

Ang boil ay kailangang maagapan para hindi kumalat sa sistema ng iyong katawan. Ang ilang hudyat ng impeksiyon ay mataas na lagnat, kumakalat na pamumula, at lumalalang sakit.

7. Lahat ng tao ay maaaring magkaroon ng pigsa

Wala ring paraan para mapigilan ang pagkakaron ng boil dahil maaaring magkaroon ng boil ang lahat ng tao.

8. May mga sakit o kondisyon na maaaring magpalala nito

Ang mga sakit na ito ay diabetes, eczema at nakabukang balat, kaya’t nakakapasok ang bacteria, mahinang defense system o immune deficiency, anaemia o iron deficiency.

Ang simpleng maling paglinis ng katawan at kakulangan sa tamang nutrisyon ay maaaring maging sanhi din ng pigsa. May mga gamot din na nakakapagpahina ng defence system laban sa bacteria. Kailangang tingnan o suriin ang mga side effects ng mga gamot na ibibigay sa bata.

Paano gamutin ang pigsa? | Larawan mula sa Freepik

9. Kumonsulta sa doktor

Kailangang kumonstulta sa doktor, lalo na kapag hindi gumaling sa loob ng 2 hanggang 3 araw at walang gitna o tinatawag ng matatanda na mata, kapag may mataas na lagnat na hudyat ng impeksiyon, at kapag lumalaki na, o dumami na.

Higit na dapat dalhin sa doktor kung ang bata ay may diabetes o immune problem. Ayon kay Dr. Villarante, kailangan ng bata ng antibiotic, cloxacillin at kailangang palabasin ang pus o nana.

10. Maging sensitibo

Ugaliing maging sensitibo sa mga tumutubong bukol sa katawan. Kung maaari, ‘wag itong hahawakan o gagalawin palagi. ‘WAG ring tirisin ito dahil maaaring mag impeksyon ang bukol.

Ilang araw tumatagal ang pigsa?

Nakadepende sa mabilis na paggaling ng boil sa tao ang paggaling nito. Ngunit ilang araw rin na tumatagal bago gumaling ito. Ito ay nasa 1-2 linggo.

May mga batang paulit-ulit na nagkakaroon nito, sa iba’t ibang edad o panahon, at minsan ay kumakalat pa ito sa mga kasambahay o kapamilya na kasama sa bahay.

Ayon sa mga doktor, ito ay dahil sa bacteria na nasa sistema na ng bata, kaya’t palaging may impeksiyon, sa tuwing masusugatan o magagasgas man lang. May mga doktor na iniimbestiga kung may underlying medical condition ang bata.

Antibiotic ointment epektibo ba para sa pigsa?

Dahil karamihan sa mga pigsa ay dulot ng staphylococcus aureus bacteria, karaniwang nirerekomenda ng doktor na mag-take ng antibiotics. Ang antibiotics ay maaaring i-take orally o kaya naman ay topical o sa pamamagitan ng pagpahid ng antibiotic ointment o cream para sa pigsa.

Kaya lamang, nabanggit sa article ng Healthline at Medical News Today, ayon umano sa American Osteopathic College of Dermatology, ang mga antibiotic ointment tulad ng Neosporin, bacitracin, o Polysporin ay hindi epektibo para sa pigsa. Hindi umano epektibo ang mga ointment cream para sa pigsa dahil hindi naman nape-penetrate ng ointment ang infected na balat.

Larawan mula sa Pexels kuha ni Anna Shvets

Ilan sa mga karaniwang antibiotic na nirerekomenda ng mga doktor ay ang mga sumusunod:

  • Amoxicillin
  • Ampicillin
  • Cefotaxime
  • Cephalexin
  • Tetracycline
  • Sulfamethoxazole

Nakadepende sa kondisyon ng pigsa kung anong klase ng antibiotic ang ipre-prescribe ng doktor sa iyo. Mayroon kasing maraming uri ng staph bacterial at nasa 30 types na nito ang naging resistant sa certain antibiotics.

Para malaman kung anong klase ng antibiotics ang dapat mong inumin, kukuha ng sample ng nana o laman mula sa pigsa mo ang doktor at ipapa-eksamin ito sa laboratory.

Mga dapat tandaan sa pag-inom ng antibiotics

  • Kahit bumuti na ang pakiramdam ay ubusin pa rin ang bilang ng antibiotics na nirekomenda ng doktor.
  • Kapag hindi tinapos ang medication ng oral antibiotic posibleng magkasakit ulit at maging resistant ang mga natitirang bacteria sa antibiotic.
  • Iwasan ang pagbahagi ng medications sa iba
  • Huwag uminom ng antibiotics na prescribed ng doktor sa ibang tao
  • Tubig lamang ang inumin kung magte-take ng antibiotics
  • Iwasang putulin o durugin ang gamot.
  • Tatlong oras pagkatapos uminom ng antibiotics huwag muna uminom ng fruit juice at alcoholic beverages. Gayundin ang pagkain ng dairy products.
  • Iwasan muna ang pag-inom ng dietary supplement na mayroong calcium.

Ointment para sa pigsa ng bata

Para malaman kung paano gagamutin ang pigsa ng iyong anak, aalamin muna ng doktor ang edad, overall health, at medical history ng bata.

Pagkatapos nito ay titingnan kung gaano kalala ang pigsa ng bata at kung ano ang level ng tolerance nito sa mga specific medication, procedures, o therapies.

Hihingiin ng doktor ang iyong opinion at preference sa kung anong klase ng paggamot sa iyong anak ang gagawin.

Ilan sa mga proseso ng paggamot sa boil ng bata ay ang mga sumusunod:

  • Paggamit ng warm compress para ma-promote ang pagputok at drainage ng pigsa.
  • Possible removal ng pigsa
  • Paggamit ng oral or intravenous antibiotics para gamutin ang impeksyon.

Dahil hindi umano epektibo ang antibiotic ointment para sa pigsa ng bata man o matanda, mas makabubuting patingnan ang iyong anak sa doktor para malaman kung anong klaseng antibiotic ang maaari nitong i-take.

Home remedy para sa pigsa

Larawan mula sa Pexels kuha ni Mali Maeder

Narito ang ilang home remedy na maaari mong subukan para gamutin ang boil. Subalit tandaan na limited lang ang evidence o patunay na epektibo ang mga ito. Makabubuti pa rin na magtanong sa inyong doktor kung may nais subukang home remedy para sa pigsa.

  • Tee tree oil. Maaari itong ipahid nang direkta sa pigsa tuwing magpapalit ng bandage o gauze.
  • Turmeric o luya. Pwedeng paghaluin para makagawa ng paste o kaya naman ay pakuluan nang magkasama at lagyan ng asin. Pagkatapos ay ilublob ang malinis na washcloth at ipahid sa pigsa.
  • Sibuyas. Hiwain nang makakapal at ibalot sa gauze pad. Pagkatapos ay ipatong sa ibabaw ng pigsa isang oras kada araw.
  • Bawang. Maaaring pigain o i-extract at ipahid ang katas nito sa pigsa sa loob ng 10 hanggang 30 minuto. Puwede itong gawin nang isa hanggang dalawang beses sa isang araw.
  • Castor oil extract. Tulad ng tea trea oil ay maaari din itong direktang ipahid sa pigsa tuwing papalitan ng balot ang pigsa o sugat.

Paalala ng Department of Health

Kung ikaw o ang iyong anak ay mayroong boil, pinapaalala ng DOH ang mga sumusunod:

  • Huwag na huwag hahawakan ang pigsa nang madumi ang kamay
  • Iwasang pigain ang pigsa dahil maaari itong magdulot ng pagkalat ng impeksyon.
  • Gumamit ng warm compress para maibsan ang pananakit.
  • Pansamantalang balutan ang pigsa kung nanganganib itong madumihan o masanggi.
  • May mga pigsa na kinakailangan talagang putukin at i-drain. Subalit tandaan na huwag itong gawin nang kayo lang. Mahalagang ipagawa ito sa doktor para tiyak na makaiwas sa infections.
  • Kumonsulta sa doktor kung hindi puputok nang kusa ang pigsa.

Para maiwasan na magkaroon ng boil mahalagang panatilihing malinis ang ating balat. Regular na hugasan ang balat gamit ang tubig at mild soap. Puwede ring gumamut ng textured cloth, brush, o glove para ma-exfoliate ang balat.

Dagdag pa rito, kumain ng masustansyang pagkain at uminom nang sapat na dami ng tubig para manatiling hydrated. Ugaliin din ang paghuhugas ng kamat gamit ang antibacterial soap matapos humawak sa pigsa ng iba.

 

Karagdagang ulat mula kay Jobelle Macayan

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.