Viral ngayon sa social media ang nakakaantig-pusong video ng isang piloto na nagpasalamat sa magulang habang nakasakay sila sa pinapalipad nitong eroplano.
Piloto, nagpasalamat sa magulang
Walang kaalam-alam ang mag-asawang Paul at Solly Bernardo sa gagawin ng kanilang anak na piloto na si Genesis Bernardo nang sila ay sumakay sa eroplano nitong papunta sa Taiwan kasama ang isa pa nilang anak at kasintahan nito.
Ang video ay kuha ng kapatid ng piloto na si Joshua Bernardo, na halatang kinasabwat ng piloto upang makunan ng video ang mga reaksyon ng kanilang magulang.
Nagulat ang mag-asawa nang marinig ang boses ng piloto. “Good morning ladies and gentlemen, from the flight deck, this is Genesis Bernardo, your Captain speaking.”
Matapos ng karaniwang flight announcement ay muling nagsalita ang piloto, at dito na nasorpresa ang kaniyang mga magulang.
“And I would like to take this opportunity to welcome two very important persons in my life, Mr. Paul Bernardo and Mrs. Solly Bernardo, my Dad and my Mom,” pahayag ni Captain Genesis.
Naluha ang kaniyang amang si Paul nang sabihin ni Captain Genesis na sila ang inspirasyon nito sa buhay at pangarap niyang maging pasahero ang kanyang mga magulang sa eroplanong pinalilipad niya.
“I would like to thank you for loving me unconditionally as your son, and for teaching me to do my best in everything that I do. I also thank you for inspiring me to never stop dreaming big. And making me believe that everything is possible as long as you have faith,” sabi ni Captain Genesis.
Dagdag pa nito: “You are one of the biggest reasons why I am here commanding a flight and flying this airplane. It’s truly an honor and my pleasure to have you on board. I’m so proud of you for bringing me where I am right now. And I also hope (to) make you proud.”
Ang video ay ipinost ni Captain Genesis sa kaniyang Facebook account at umani na ng 2,500 comments, 23,000 shares at 43,000 reactions as of posting time.
Narito ang kabuuan ng video:
Source: GMA News Online, Genesis Bernardo Facebook
Images: Genesis Bernardo Facebook
BASAHIN: Abogado, nagpasalamat sa kaniyang “pangalawang ama” na taho vendor
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!