Pinagsamantalahan ng sarili niyang pinsan ang isang taong gulang na batang babae sa Cagayan de Oro City.
Kaya naman dahil sa nagawa ay arestado ang 18 years na old na binatang suspek at deretso sa kulungan.
Nahaharap ang suspek sa kasong rape at violation sa Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.
Batang pinagsamantalahan ng sariling pinsan
Ayon sa imbestigasyon ng mga pulis ay nakiusap di umano ang ina ng biktimang bata sa suspek upang bantayan ang anak dahil bibili ito ng gamot sa tindahan.
Dahil sa kamag-anak at ilang linggo nang nakikitira sa kanila ay tiwala na rito ang ina ng biktima.
Ngunit isang oras matapos iwan ng ina ang kaniyang anak sa binata ay nadatnan niya itong walang tigil sa pag-iyak.
Nakita niya ring dumudugo ang pribadong parte ng bata, ito ay ayon sa kuwento ni Patrolwoman Jennifer Husayan, ng Women and Children Protection Desk ng Cagayan de Oro City Police Station 2 na siyang humahawak sa imbestigasyon.
Inamin naman ng suspekna pinagsamantalahan niya ang kaniyang pinsan na baby. Dumilim daw ang kaniyang paningin nang gawin ito.
“Hindi ko alam kung bakit ko iyon nagawa. Nakokonsenya ako. Wala ako sa wastong pag-iisip,” sabi pa ng suspek.
Sa ngayon ay hinihintay parin ang resulta ng medical examination ng bata upang mapatunayan na pinagsamantalahan ito.
Napag-alaman namang walang bisyo ang binatang suspek at hindi rin gumagamit ng pinagbabawal na gamot.
Kung mapatunayang pinagsamantalahan ng suspek ang kaniyang pinsan ay maari itong hatulan ng reclusion perpetua o 20-40 years na pagkabilanggo.
Rape statistics sa Pilipinas
Ayon sa isang pag-aaral na ginawa ng Center for Women Resources o CWR ay may isang bata o babae ang nire-rape sa Pilipinas kada isang oras.
Seventy percent naman sa naitalang biktima ng rape ay mga bata.
Sa isang pag-aaral naman na ginawa ng UNICEF ay napag-alaman nilang isa sa limang batang Pilipino ang nakakaranas ng sexual violence sa bahay, eskwelahan at kanilang komunidad.
Kaya naman upang maiwasang mangyari ito ay mahigpit na pinapaalahan ang mga magulang na mag-doble bantay at ingat sa kanilang mga anak.
Kung kailangan mo namang magtrabaho at hindi kayang bantayan ang anak sa lahat ng oras, narito ang ilang tips para masigurong ligtas siya kahit wala ka sa tabi niya.
Tips para safe ang anak sa oras na hindi ka kasama
1. Kumuha ng yaya o ng taong subok mo ng mapagkakatiwalaan na mag-alaga sa iyong anak.
Sa pagkuha ng mag-aalaga sa iyong anak ay siguraduhing kaya niyang gawin ang mga sumusunod:
- Naiintindihan kung paano lumalaki at nagdedevelop ang isang bata
- Kayang magbigay sa iyong anak ng stimulating environment at mga paraan upang matuto
- Kayang punan ang emotional needs ng iyong anak
- Makikipagtulungan sa iyo at pakikinggan ang concerns mo
- Gustong tumulong sa iyong na ma-reach ang goals na ibinigay mo
Kung kukuha ng yaya o caregiver na hindi kilala ay dapat tandaan ang mga sumusunod:
- I-background check muna ang yaya o caregiver para malaman ang kaniyang criminal history at iba pang impormasyon.
- Siguraduhing dumaan sa medical examination ang yaya o caregiver para masigurong wala itong sakit na maaring maihawa sa iyong anak.
- Kung maari ay ipasailalim ito sa psychological test upang matukoy kung ito ay nasa tama at maayos na pag-iisip. Ito ay para masigurong nasa mabuting kamay ang iyong anak sa oras na siya ay hindi mo kasama.
- Mabuti ring kumuha ng yaya o caregiver na angkop ang edad sa aalagaang bata. Kung ang aalagaan ay baby pa, mabuting kumuha ng matatanda ng yaya na may higit ng karanasan sa pag-aalaga ng isang baby. Kung ang aalagaan naman ay toddler na, maari ng kumuha ng mga yaya na edad bente anyos pataas na may lakas para matingnan at maalagaan ang mga batang napaka-active sa ganitong edad.
- Mabuti ring kumuha ng isang yaya na may anak na, bagamat sinasabing maaring mahati ang oras nito sa iyong anak at sa mga anak niya. Ngunit mas magiging maganda ito dahil higit na alam niya kung paano mag-alaga ng isang bata sa paraan na ginagawa ng isang magulang.
- Maganda rin na kumuha ng yaya na nirekumenda ng kakilala, kaibigan o isang kapamilya na kung saan madali mong mapagtatanungan ng pagkakakilanlan ng kukunin mong kasama sa iyong bahay.
2. Maari ring humanap ng nursery o childcare na kung saan pwede mo siyang iwan habang may kailangan kang gawin o puntahan.
Ang magandang childcare o nursery ay may taglay na sumusunod na katangian:
- Malinis, ligtas at may maliit na bilang ng batang inaalagaan kada staff member
- May mga staff na professionally qualified, fully immunized at walang criminal record
- Mayroong area o space para sa indoor at outdoor play
- Smoke-free sa loob at labas
- May regular pero flexible na routines at activities na tugma sa edad ng iyong anak
- May mga safe toys at equipment na regular na nililinis at nasa maayos na kondisyon
- Mayroong malinis at masustansyang pagkain o snacks na hinahain sa mga bata
- Pinapayagan kang magpunta o magdrop-in kahit hindi sila nasabihan
- May tahimik na lugar upang tulugan o pahingahan ng mga bata
- Sinisigurong hindi kasama ang inactive screen time sa kanilang routine activities
Ilan lamang ito sa mga maari mong gawin kung sakaling ikaw ay malalayo ng sandali sa piling ng iyong anak.
Sa pamamagitan nito ay iyong masisiguro na siya ay safe sa mga oras na hindi kayo magkasama.
Sources: Inquirer, ABS-CBN News, The Asian Parent Philippines, Caring for Kids
Photo by Caroline Hernandez on Unsplash
Basahin: 11-buwang gulang na sanggol, pinagsamantalahan
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!