X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Amain, hinampas ang ulo ng 1-anyos sa pader dahil naistorbo ang tulog

5 min read

Pinatay ng amain ang kaniyang 1-anyos na stepdaughter sa pamamagitan ng paghampas sa ulo ng bata sa pader. Ang dahilan ng amain? Naistorbo daw ng bata ang tulog niyang mahimbing.

pinatay ng amain

Image from Freepik

Batang pinatay ng amain

Base sa imbestigasyon ng mga pulis ang stepfather ang huling kasama ng 1-anyos na bata bago ito bawian ng buhay. Siya ay kinilalang si RA, 39-anyos. Sa mismong bahay din ng suspek sa West Java, Indonesia nangyari ang krimen na kung saan ika-6 na araw palang na namamalagi ang biktima kasama ang kaniyang ina.

Ayon sa autopsy report, ang bata ay nasawi dahil sa blunt force trauma na nagdulot ng matinding pagdurugo sa kaniyang utak.

Tumugma naman ang resulta ng autopsy report sa kwento ng suspek. Ayon sa kaniya, hinampas niya ang ulo ng bata sa pader ng mga dalawa o tatlong beses dahil inisturbo nito ang tulog niya.

Sa ngayon ay inaresto ng mga pulis ang suspek na nahaharap sa kasong murder. Habang patuloy parin ang ginagawang imbestigasyon sa nangyaring krimen.

Nakakalungkot na malaman ang kwento na ito ng isang bata na walang kaawang-awang pinatay ng amain. Nawa ay maging babala ito sa mga single mothers na nagnanais na magkaroon ng bagong makakasama. Ngunit paano nga ba maiiwasan itong mangyari sa kanila? At ano ang mga quality o katangian na kailangan nilang hanapin sa isang lalaki na magiging pangalawang ama ng anak nila.

10 katangian ng mabuting stepfather

Narito ang 9 na katangiang taglay ng isang mabuting stepfather.

1. Hindi niya ipinipilit na magustuhan o mahalin siya agad ng iyong anak.

Ang stepdad na mabait at malawak ang kaisipan ay maiintindihan na hindi madali para sa isang bata na magustuhan siya agad. Ngunit sa kabila nito ay hindi siya tumitigil na magpakita ng kabutihan at pag-aalala sa bata. Dahil alam niyang darating ang araw ay matututo rin siya nitong tanggapin.

2. Hindi siya nakikialam sa pagdidisiplina ng ina sa kanilang stepchild.

Isa pang katangian ng isang mabuting stepdad ay ang hindi nito pakikialam sa pangdidisiplina na ginagawa ng ina sa kaniyang anak. Bagamat siya na ang tumatayong ama ng pamilya, bilang stepdad ay nirerespeto parin niya ang authority ng ina sa kaniyang anak.

3. Hindi siya nakikipag-kumpetensya sa iyong ex.

Ang isang mabuting stepdad ay laging inuuna ang ikakabuti ng isang bata at hindi ang sarili niya. Kahit ang kahulugan nito ay ang pakikipag-usap ng bata sa kaniyang tunay na ama. Dahil tanggap niya ang role nito sa buhay ng bata at alam niya sarili niyang hindi niya kailangang makipag-kumpentensya. Lalo na kung ang pinag-uusapan ay ang ikakabuti at kapakanan ng isang bata.

4. Mabait at may paninindigan.

Ang isang stepdad na mabait ngunit may paninindigan ay makakatulong sa maayos na pagpapalaki sa isang bata. Ayon sa mga eksperto, isa ito sa katangian ng isang authoritative parent na nakakatulong sa isang bata pag-aadjust sa divorce o muling pag-aasawa ng kaniyang magulang.

5. Hindi niya iniisip na sila ang “savior” sa inyong pamilya.

Ang mga mabuting stepdad ay hindi pumapasok sa isang pamilya para magtake-over at ayusin ang mga problemang nakikita niya. Sa halip siya ay tumatayo bilang isang suporta at masasandalan sa oras ng problema. At ang pagdedesisyon lalo na sa kapakanan ng mga bata ay iniiwan parin niya sa kamay ng kanilang ina.

6. Walang pakialam sa iniisip ng iba basta masaya ang pamilya.

Hindi ipipilit ng isang mabuting stepdad ang gusto niya lalo na kung makakaapekto ito sa kaniyang pamilya. Para sa kaniya ay hindi mahalaga ang sinasabi ng iba dahil tanggap niya ang mga stepfamilies ay kaiba kumpara sa normal na pamilya. Hanggat nakikita niyang masaya at napapaayos ang mga stepchildren niya ay hahayaan niyang gawin ng mga ito ang gusto nila.

7. Nirerespeto niya na kailangan mo rin ng oras sa iyong anak.

Ang isang mabuting stepdad ay naiintindihan na kailangan ng isang ina na special na oras kasama ang kaniyang mga anak. Kaya naman rerespetuhin niya ito bagamat umaasa rin siya na may nakalaang oras rin na espesyal para naman sa kaniya.

8. Marunong siyang mag-manage ng conflict sa loob ng pamilya.

Ang mga argumento, pagseselos, kawalan ng tiwala o hindi pagkakaintindihan ay normal na isang pamilya. Kaya naman hindi na ito ikinakagulat ng isang pangalawang ama. Alam niya ring matagal bago ito ma-overcome sa isang stepfamily pero handa siyang mag-hintay habang patuloy na nagbibigay at nirerespeto ang opinyon ng bawat miyembro ng pamilya.

9. Hindi niya minamadali na mapabilang o maging parte ng inyong pamilya.

Ang isang mabuting stepdad ay alam na ang pagkakaroon ng bagong miyembro sa pamilya lalo na ang papalit sa kanilang ama ay hindi magiging madali para sa mga bata. Kaya kaysa dumagdag sa gumugulo sa isip ng mga bata, minamabuti niyang dahan-dahanin ang pagpasok niya sa buhay ng mga ito. Unti-unti ay gumagawa siya ng paraan para mapalapit sa kanila na alam niyang sa kinalaunan o pang matagalan ay ma-apprecciate at matatanggap na ng kaniyang pangalawang pamilya.

Source: AsiaOne, Child Encyclopedia, Beliefnet

Photo: Pexels

Basahin: 3 bata, patay matapos ma-suffocate sa loob ng sasakyan

Partner Stories
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • Amain, hinampas ang ulo ng 1-anyos sa pader dahil naistorbo ang tulog
Share:
  • 5 espesyal na tungkulin ng ama sa anak na lalaki

    5 espesyal na tungkulin ng ama sa anak na lalaki

  • 12-anyos na batang babae, ginahasa ng kaniyang 56-anyos na amain

    12-anyos na batang babae, ginahasa ng kaniyang 56-anyos na amain

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

  • Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

    Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

  • 5 espesyal na tungkulin ng ama sa anak na lalaki

    5 espesyal na tungkulin ng ama sa anak na lalaki

  • 12-anyos na batang babae, ginahasa ng kaniyang 56-anyos na amain

    12-anyos na batang babae, ginahasa ng kaniyang 56-anyos na amain

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

  • Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

    Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.