Ingat mga plantita! Babae lumabo ang mata dahil sa alagang halaman

Alamin din dito ang mga puwedeng gawin para maging safe ang inyong gardening.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nakahihiligan ng mga kababaihan ngayon ang pag-aalaga ng plants, kaya naman nauso ang term na plantita. Ngunit kahit mukhang harmless ang pag-aalaga ng halaman, dapat pa ring mag-ingat dahil posible pa ring madisgrasya dahil dito.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Babae naapektuhan ang mata dahil sa alagang halaman
  • Plantita guide: safety tips for gardening plants

Babae naapektuhan ang mata dahil sa alagang halaman

Larawan ni Ylanite Koppens mula sa Pexels

Nauuso ngayon sa mga kababaihan ang pag-aalaga ng halaman. Therapeutic kasi itong maituturing para sa kanila kaya nagiging hobby na lalo ng mga kababaihan. Sa kabila ng relaxation at calmness na dala nito, mayroong isang plantita ang nalagyan ng dagta sa mata at tuluyang nanlabo ang paningin. Bakit nga ba ito nangyari?

Sa report ng ‘Dapat Alam Mo’, binahagi ang kwento ng isang plant lover. Bago pa man magkaroon ng pandemya, certified plantita na si Jelly Lapornina noong taong 2019 pa lamang. Masaya naman siya sa kanyang ginagawa at malaking tulong ito sa paglilibang sa sarili. Sa hindi inaasahang pangyayari, nito lamang buwan ng Hunyo ay may aksidenteng nangyari sa kanya.

Pagkukwento ni Jelly, habang inaalagaan niya raw ang halaman niyang dumb cane ay tumalsik ang dagta nito sa kanyang kaliwang mata. Sinusubukan niya lang daw na tanggalin ang mga sirang dahon sa halaman upang hindi mahawa ang iba pang dahon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Binuhat ko po tapos pinutulan ko ng mga dahon na sira. Tapos kinut ko ng gunting, tapos ‘y0ng isang stem kasi sira na kaya [pinutol] ko ng itak. Tapos pagkatapos non, binuhat ko. At tsaka iniba ko ng posisyon ang bulaklak. Pagkatapos nun may tumalsik mata ko. ‘Pag katalsik niya po, mahapdi na po.”

Larawan ni Huy Phan mula sa Pexels

Noong una raw binalewala niya lang daw ito dahil sa pag-aakalang wala lang mangyayari. Sa mga sumunod na araw daw ay tuluyan na niyang hindi maidilat ang mata dahil sa sobrang sakit,

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Binaliwala ko lang tapos may dito pa nga sa bibig ko dinilaan ko pa nga. Sobrang kati ng feeling ko non. Sabi ko sa asawa ko, ‘Pa, sakit talaga mata ko. Hindi ko na maidilat.'”

“Pagkahiga ko parang ‘yong lalamunan ko natuyo na. Pagtayo ko, hindi na ako makatayo. Nahihilo na ako.”

Para sa botanist na si Wally Suarez, nagtataglay raw ng toxins sa dahon at tsaka sa stem ang halaman na dumb cane. Labis daw na nakalalason ang dagta nito kaya nga ay kailangan ng dobleng ingat na hindi ito mapunta sa bibig o kaya naman ay sa mata. Nagtataglay raw kasi ito ng saponin at oxalates kung saan pareho itong toxic na maaaring makapagdulot ng pagsusuka kung mapupunta sa loob ng katawan.

Bagaman mayroon daw itong toxins, hindi naman delikadong alagaan ang halamang ito. Katunayan ito ang isa sa mga pinaka-common na house plants lalo ng mga mahihilig sa halaman.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan ni Zen Chung mula sa Pexels

Plantita guide: safety tips for gardening plants

Relaxing naman talaga ang gardening, lalo kung equipped ka with all the safety tips na dapat malaman tungkol dito. Hindi lang sa pagbabantay ng hayop dapat extra careful dapat ay sa halaman din. Narito ang ilang ways upang ligtas ka parati bilang plantita:

  1. Ugaliing gumamit ng sunscreen at magsuot ng long sleeves sa tuwing nasa garden at mag-aasikaso sa iyong mga halaman.
  2. Gumamit ng safety shoes tulad ng steel shoes lalo kung maggagapas ng damo.
  3. Gumamit ng gardening equipment na pumasa sa mga standards at may safety guards.
  4. Sumunod sa instructions ng manufacturer kung paano ang tamang paggamit sa partikular na equipment.
  5. Parating mag-ingat sa electrical leads ng mga equipment na ginagamitan ng electricity.
  6. Magsuot ng earmuffs kung magagamit ng mga maiingay na equipment upang maiwasan ang pagkabingi.
  7. Iwasang magtagal nang sobra sa garden.

  8. Mainam na magsagawa ng stretches at exercises o warm-up bago magsimulang magtrabaho sa iyong garden.
  9. Magpahinga from time to time at parating uminom ng tubig lalo kung mataas ang tirik ng araw upang iwas sa heat stroke.
  10. Umiwas sa pagusot ng mga hindi komportable damit at mapunta sa mga hindi maayos na posisyon sa pag-aalaga ng mga halaman.
  11. Huwag piliting magbuhat ng mga bagay na sobrang bigat at matutong humingi ng tulong kung kinakailanagan.
  12. Gumamit ng tamang tools para sa gardening at iwasang gamitin ang mga daliri o kamay sa ibang gawain katulad ng paghuhukay.
  13. Palaging kumonsulta sa doktor para sa iyong tetanus vaccination upang masigurong lagi kang ligtas kung sakali mang mahiwa ng tools at equipment habang nagga-gardening.
  14. Huwag kalilimutang magsuot ng gloves.

  15. Maging maingat na hindi ma-inhale ang mga airborne particles.
  16. Maging knowledgeable sa mga halamang inaalagaan. Mainam na alamin ang kanilang mga risk kung sakaling isasama sa iyong garden.
  17. Maghugas parati ng kamay nang mabuti kada mag-aasikaso ng iyong mga halaman upang hindi kumalat ang kahit anong bacteria na mayroon dito.
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Ange Villanueva