X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Polio Outbreak: 4 na bagong kaso ng polio sa bansa, kumpirmado ng DoH

4 min read

Polio in the Philippines nadagdagan pa ang bilang ng biktima. Panibagong apat na kaso ng polio ngayong buwan kinumpirma ng DOH.

Polio in the Philippines

Sa kabila ng masigasig na aksyon ng Department of Health sa laban kontra polio ay may dagdag na apat na kaso ng sakit ang nakumpirma ngayong buwan. Ito ay sa tulong ng Research Institute for Tropical Medicine and the National Institute of Infectious Diseases sa Japan.

polio in the philippines

Image from UNICEF

Ang mga bagong batang biktima ay nagmula lahat sa Mindanao. Sa kabuuan, ngayong taon, ay may naitala ng walong positibong kaso ng polio sa bansa.

Ang pinakabagong nadagdag sa bilang ng polio victims sa bansa ay ang 9-anyos na batang babae mula Basilan. Ayon sa DOH report, ang bata ay hindi nakatanggap ng kahit isang bakuna kontra polio.

Habang ang tatlo pang biktima ng polio ay mula naman sa lalawigan ng Cotabato at Maguindanao. Dalawa sa mga ito ay walang natanggap na bakuna laban sa sakit. Samantala, ang isa naman ay hindi nakompleto ang dose ng anti-polio vaccine.

Ang tatlong polio victims ay na-admit sa Cotababo Regional Medical Center. Ilan sa mga sintomas na naranasan ng mga biktima ay lagnat, paghina ng mga binti, leeg at facial tissues.

“Sabayang patak kontra polio”

Ikinalungkot naman ni Health Secretary Francisco Duque III ang nakumpirmang panibagong kaso ng sakit. Dahil ang polio ay maiiwasan at ito ay sa pamamagitan ng pagpapabakuna. Kaya naman muli niyang hinikayat ang mga magulang sa bansa partikular na ang mga mula sa Metro Manila at Mindanao na makiisa sa programa ng ahensya kontra polio. Maglaan ng kanilang oras at pabakunahan na ang kanilang mga anak laban sa sakit. Lalo na ang mga batang may edad limang taon pababa. Ito ay sa pamamagitan ng programang “Sabayang Patak Kontra Polio” na nagsimula na noong Nov.25 at magtatapos sa Dec.7.

“It is unacceptable that more children are falling victim to this vaccine-preventable disease. We are more determined than ever to make sure that no child shall be missed during the next round of the Sabayang Patak Kontra Polio in Metro Manila and Mindanao.”

polio-in-the-philippines

“We are reiterating to all parents and caregivers to have their 0-59 months children immunized with the polio vaccine from November 25 to December 7,”

Ito ang pahayag ni Sec. Duque. Dagdag pa niya, dapat din daw siguraduhin na makukumpleto ng isang bata ang doses ng anti-polio vaccine. Para masigurado na siya ay fully protected laban sa polio.

“We should not be satisfied with our children receiving only 1 or 2 doses of the polio vaccine. Let us ensure that they receive the complete doses of the vaccine to fully protect them from Polio”, dagdag na pahayag ni Sec. Duque.

Makiisa sa mga programa kontro polio

Sa mga nasabing petsa ay magbabahay-bahay ang mga health workers at DOH vaccination team. Ito ay para masigurong mabibigyan ng bakuna kontra polio ang mga batang limang taong gulang pababa. Maari ding magpunta ang mga magulang kasama ang kanilang anak sa mga health centers at public hospitals na kung saan libre ring ibinibigay ang anti-polio vaccine.

Makipag-tulungan sa pagsugpo ng polio in the Philippines. Hikayatin ang mga magulang na hindi pa napapabakunahan ang anak. Gawin ito sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng kaalaman tungkol sa epekto ng sakit. At kung paano ito maiiwasan sa pamamagitan ng bakuna o vaccine.

polio-in-the-philippines

Image from Freepik

Ano ang polio virus?

Ayon sa WHO, ang poliomyelitis o polio ay isang highly infectious viral disease na karaniwang umaatake sa nervous system ng isang tao at madalas maliliit na bata ang nakakakuha ng sakit na ito.

Ito ay maaring maihawa o mai-transmit sa pamamagitan ng paghawak, pagkain o pag-inom ng mga pagkaing na-contaminate ng dumi o feces ng taong may taglay ng polio virus.

Ang mga sintomas ng polio ay lagnat, fatigue, pananakit ng ulo, pagsusuka, stiff neck at pananakit ng kalamnan. Kapag napabayaan at lumala ang polio ay maaring magdulot ng paralysis ng isang tao.

 

Source:

WHO, DOH, DOH GOV

Photo: Mindanao Daily Mirror

BASAHIN:

#AskDok: Mayroon nang Oral Polio Vaccine ang anak ko, safe na ba siya?

Partner Stories
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • Polio Outbreak: 4 na bagong kaso ng polio sa bansa, kumpirmado ng DoH
Share:
  • Polio: Sanhi, sintomas at paano gamutin ang sakit na ito

    Polio: Sanhi, sintomas at paano gamutin ang sakit na ito

  • Epekto ng sakit na polio: Kwento ng isang polio survivor

    Epekto ng sakit na polio: Kwento ng isang polio survivor

  • 3 paraan ng pagdidisiplina na nagreresulta sa mas pasaway na bata

    3 paraan ng pagdidisiplina na nagreresulta sa mas pasaway na bata

  • Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

    Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

  • Polio: Sanhi, sintomas at paano gamutin ang sakit na ito

    Polio: Sanhi, sintomas at paano gamutin ang sakit na ito

  • Epekto ng sakit na polio: Kwento ng isang polio survivor

    Epekto ng sakit na polio: Kwento ng isang polio survivor

  • 3 paraan ng pagdidisiplina na nagreresulta sa mas pasaway na bata

    3 paraan ng pagdidisiplina na nagreresulta sa mas pasaway na bata

  • Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

    Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.