Karaniwang nagkakasakit ng respiratory infection ang mga bata dulot ng iba’t ibang polusyon sa hangin at mga epekto nito. Ngunit, sa mga bagong researches ng mga eksperto, nagiging sagka rin ito sa brain development ng mga bata mula edad 2-4 taon.
Polusyon at epekto sa brain development
Hindi maiiwasan na dahil sa paraan ng waste at garbage disposal ang pagtaas ng rate sa air pollution. Isama pa dito ang mga available products na maaaring mag-cause din ng polusyon sa hangin.
Dahil dito, nagkakaroon din ng mas mataas na tyansa ng exposure ang mga tao sa polusyon. Dagdag pa, mas magiging bulnerable ang mga bata sa ganitong sitwasyon.
Hindi na rin imposible na kung ano ang kinakain, iniinom, ini-intake at nalalanghap ng nagbubuntis na magkaroon ng epekto sa baby. Sa tulong ng mga researchers, mas naipaliwanag din kung ano ang epekto ng polusyon sa development ng utak ng ating mga anak.
Paano nagkaroon ng epekto sa brain development ang polusyon sa hangin
Batay sa nirebyu na research ng Science Daily sa US, ang mga ina na nakaranas ng matinding exposure sa nitrogen dioxide (NO2) ay nagresulta sa behavioral problem ng kanilang anak.
Gayundin, nagkaroon naman ng poor behavioral function at cognitive performance ang mga batang nasa edad 2-4 taon na exposed sa small-particle air pollution.
Ayon din sa mga eksperto, ang pagkalanghap ng buntis (sa first at second trimester) ng air pollutants ay nakakaapekto sa placenta at fetal brain development.
Dagdag pa, ang mga unang taon ng bata ay bulnerable para sa mga epekto ng polusyon sa hangin. Kapag pumasok sa baga ang mga pollutants at narating ang central nervous system ay isang malaking problema.
Tandaan
Para sa mga buntis na moms at sa mga anak na nasa critical age, mag-ingat sa exposure ng air pollution. Ugaliin na magsuot ng face mask at laging panatilihing malinis ang bahay mula sa air pollutants.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon. Ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.