Mahilig sa K-Drama si mommy? 20 Korean baby names and their meanings

Kung mahilig kayo sa mga Korean drama at K-pop, alamin dito ang top names sa kanilang bansa!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Isa ka bang expecting mother na mahilig manood ng K-drama at humahanga sa mga K-pop artists? Kung oo, malalaman mo sa article na ito kung ano ang mga popular na Korean baby names na pwede mo ring ipangalan sa iyong anak!

Mababasa sa artikulong ito ang mga sumusunod:

  • Popular Korean baby names for girls
  • Korean baby names for boys

Popular Korean baby names for girls

Kung minsan, hindi madali para sa mga magulang ang mag-isip nang mag-isip kung ano nga ba ang maganda at babagay na pangalan para sa kanilang magiging anak. Dagdag pa ang kagustuhan na mayroong ibig sabihin ang ipapangalan sa kanilang supling.

Kung kaya naman marami ang kumokonsulta sa kanilang mga kaibigan o kaya ay kamag-anak para matulungan sila sa pagdedesisyon. Minsan naman ay binabase nila ang name ng kanilang baby sa kanilang mga favorite. Kaya naman kung mahilig kayo sa anything Korean, posibleng makatulong ang list na ito para sa pag-iisip ng pangalan sa inyong baby.

Heto ang sampung pangalan na maaari mong ibigay sa inyong anak na babae:

Hanna

  • Ang pangalang Han-na ay may meaning na ‘one’ o isa
  • Alternate variation: Hana
  • Maraming pinagmulan ang salitang Hana sa buong mundo. Sa Arabic, ang ibig sabihin nito ay bliss o kaligayahan. Sa Japanese naman ay flower o bulaklak. At sa Hawaiian ay ‘craft’ na ibig sabihin ay paggawa ng bagay sa pamamagitan ng kamay.

Jiwoo

  • Ang “Ji” ay nangangahulugang ‘will’, ‘purpose’ o ‘ambition’. Samantalang ‘house’ o ‘universenaman ang ibig sabihin ng Woo
  • Alternate variation: Jee-woo, Chi-woo
  •  Ang Ji-woo ay maaari ding ipangalan sa lalaki

Minji

  • Nangangahulugang ‘intelligent’ at ‘clever’
  • Alternate variation: Min-jee
  • Taong 1990, ikaapat sa pinaka-popular na pangalang pambabae sa South Korea ang Minji.

Misun

  • Ang Mi-sun ay nangangahulugang ‘beauty and goodness’, ‘beautiful gift’
  • Mee-sun, Mi-seon ang alternatibong spelling at variation
  • Ang pangalang ito ay maaari ring ipangalan sa lalaki, gayunpaman mas ginagamit ito karaniwan sa mga babae

Nabi

  • Nangangahulugang butterfly
  • Ang Nabi ay isang kilalang pangalan na binibigay sa mga pusa sa South Korea. Nangangahulugan din itong propeta sa Arabic.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sarang

  • Nangangahulugang ‘love’ o ‘affection’

Gyeong

  • ‘Respect’ o ‘honor’ naman ang kahulugan ng pangalan na Gyeong
  • Alternate variation: Kyung, Kyoung, Kyong
  • Maaari ding bigyang kahulugan ang pangalang ito bilang view or scenery

Aera

  • Ang pangalang ito ay nangangahulugang ‘love’
  • Ang pangalan ding ito ay kilala bilang pangalang panlalaki sa India, na nangangahulugan namang ‘lion’

Naeun

  • Ika-labingtatlong pinakakilalang pangalan para sa mga Korean girls ngayong taon ang Naeun.
  • Isa sa mga kilalang may parehong pangalan ay si Naeun, na dating K-pop member ng girl group na Apink.

Aecha

  • Nangangahulugang ‘loving daughter’
  • Nabuo gamit ang dalawang salita: Ae na nangangahulugang ‘love’ at Cha na nangangahulugang ‘daughter’ 

BASAHIN:

Nag-iisip ng pangalan para sa inyong baby? 15 top baby names for 2022

83 Christmas-inspired Baby Names for your December baby

50 traditional Filipino names for your baby boy

Popular Korean baby names for boys

Kung ang inyong baby naman ay lalaki, hindi rin mauubusan ng posibleng ipangalan sa kaniya. Heto ang top Korean baby boy names sa ngayong taon:

Hyunwoo

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Nangangahulugang manifest o divine intervention
  • Alternate variation: Hyeon-woo, Hyon-woo, Hyeon-u
  • Ang Hyun-woo ay kilalang-kilalang pangalan sa South Korea

Jiho

  • Nangangahulugang ‘fortune’ o ‘intellect’
  • Itinuturing na unisex name ang Jiho, kung kaya maaari din itong gamitin sa mga babae. Gayunpaman, mas ginagamit ito ng nakararami bilang panglalaking pangalan. 

Junseo

  • Nangangahulugan ang pangalan na ito ng ‘handsome’ 
  • Alternate variation: Joon-seo
  • Ang pangalang ito ay karaniwan sa South Korea

Kwan

  • ‘Strong’ ang kahulugan ng pangalan na ito
  • Kwon ang alternate version nito
  • Ang Kwan din ay karaniwang apelyido sa China at South Korea

Minjoon

  • ‘Clever’ at ‘talented’ ang ibig sabihin nito
  • Min-jun ang alternatibong spelling at variation

Namkyu

  • Ang Nam-kyu ay mula sa Nam na nangangahulugang ‘south’ at Kyu na nangangahulugang ‘standard’ o pamantayan
  • Alternate variation: Namgyu

Shiwoo

  • Ang Shi ay nangangahulugang ‘excellent’ at ‘good’, samantalang ang Woo ay nangangahulugang ‘universe’, ‘world’ o ‘to broaden’. 
  • Alternate variation: Si-woo

Yejun

  • Mayroong kahulugan ang pangalan na ito na ‘talented’ at ‘handsome’
  • Ye-yoon ang alternative spelling at variation

Seojoon

  • Pangalawa sa pinakilalang pangalan ngayong taon ang Seojoon na ibinibigay sa mga Koreanong baby boys. Ang pangalang ito ay kasama sa mga kilalang pangalan mula pa noong 2020.
  • Si Park Seo Joon, na isang aktor mula sa Parasite at Itaewon Class, ang isa sa mga kilalang aktor na may ganitong pangalan.

Gun-woo

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Nangangahulugan ang pangalan na ito na ‘hope for mankind’
  • Alternate variation: : Kun-woo, Eun-woo
  • Ang Gun-woo ay isang kilalang panglalaking pangalan sa South Korea

Ito ang ilan lamang sa mga maaaring ipangalan sa iyong magiging babae o lalaking supling! Nawa ay nakatulong ang listahang ito upang makahanap o magkaroon ng pangalan ang inyong mga anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement