Alam niyo ba na tumatagal lamang ng 10 minuto ang average na lalaki bago ito mag-orgasm? Naisip mo na ba kung gaano katagal ang pagtatalik ninyo ni mister? May mga posisyon sa sex na maaari niyong gawin upang mas tumagal ang inyong love making! Narito ang mga dapat gawin bago makipagtalik!
7 sex positions na maaaring subukan
Nararamdaman mo ba na parati kayong nagmamadali tuwing nagtatalik? Bakit hindi subukan pahabain ang love making para magkaroon ng pagkakataon na mag-reconnect sa isa’t isa. Isang paraan din ito upang matanggal ang stress ninyong mag-asawa at magkaroon ng panahon na sarili niyo lang ang iniintindi niyo.
Kaya’t heto ang 7 na posisyon sa sex na puwede niyong subukan upang mapatagal ang oras ninyo sa kama:
1. Missionary
Mga dapat gawin bago makipagtalik
Hindi man ito bagong o kinky na posisyon ngunit panigurado naman na hindi agad mapapagod si mister at dagdag pampagana sa sex. Ayon sa eksperto sa sex na si Carol Queen, kapag nasa taas daw ang lalaki at nakaturo paibaba ang ari, nagkakaroon daw ng mas maayos na blood flow papuntang penis at nakakatulong upang ma-maintain ang erection. Kapag mas madami kasing dugong dumadaloy, hindi agad lalambot ang ari ni mister.
2. Naka-sandal sa pader
Kapag against the wall ng kuwarto o ng shower ang posisyon sa sex, nakakatulong ito sa pampatagal labasan at tumagal rin ang pleasure na nararamdaman. Nagiging turn-on din sa lalaki kung si misis ang nasusunod.
Kapag nasa ganitong posisyon, puwedeng buhatin si misis ni mister kung kaya niya. Kaso minsan mas naka-focus si mister na balansehin ang bigat ninyo kaysa isipin ang pakiramdam ng ginagawa ninyo.
Mga dapat gawin bago makipagtalik
3. Si misis sa taas
Kapag ito ang posisyon na pinili, siguraduhin na dahan-dahan ang pag galaw ninyo. Kapag babae ang nasa itaas, hindi gaanong nasti-stimulate ang ari ng lalaki kaya mas tumatagal bago siya mag-ejaculate.
Puwede ring subukan na gently hilain ang testicles para hindi agad mag-ejaculate.
4. Spooning
Humiga nang nakatagilid at iposisyon si mister sa likuran. Sa ganitong posisyon, ipapasok ni mister ang kaniyang ari. Gawing mabagal ang pag galaw at subukan na mag-grind habang nagtatalik dahil makakadagdag pampagana sa sex ito at pampatagal labasan na rin. Dahil mababaw ang pagkapasok ng penis, hindi gaanong ma-e-excite masyado si mister. Puwede kayong tumagal pareho at i-enjoy ang love-making.
5. Magkatabi
Kaparehas ng spooning ang posisyon sa sex na ito ngunit magkaharap kayo. Importante na mas mababa ang bewang ni mister kaysa kay misis. Ipalupot ang isang hita sa likod ni mister para mas malapit sa isa’t isa. Tuwing ipinapasok ang penis, kapitan si mister nang mahigpit at i-release tuwing inilalabas ang penis para sa mas pleasurable experience.
Mga dapat gawin bago makipagtalik | Image from Freepik
6. Habang nakaupo
Paupuin si mister sa upuan at pagkatapos ay upuan ang kaniyang penis upang maipasok sa vagina. Gamitin ang armrests ng upuan para suportahan ang weight ni misis. Isa itong alternatibong posisyon sa doggy style at makakadagdag pampagana sa sex at pampatagal labasan.
Dahil galing sa likuran ang pag-entra sa pwerta, hindi masyadong stimulated si mister kaya mas tatagal siya. Tandaan, gumamit ng matibay na upuan!
7. Criss-cross
Parang spooning din ito ngunit imbis na magkalapit ang mga katawan, tila nakatuwad si misis habang nakahiga at nakakapit ang mga hita niya sa mga hita ni mister. Dahil limitado ang galaw, hindi masosobrahan sa stimulation ang penis.
Mga ibang tips:
- Pisilin ang ulo ng penis para bumagal ang ejaculation.
- Panatilihing mababaw ang pagpasok ng penis para mas pleasurable.
- Huwag masyadong ma-excite. Para tumagal, kailangan i-control ang mga sensation na nararamdaman para tumagal.
Isinalin mula sa wikang Ingles galing sa artikulong ito.
BASAHIN: Alamin dito ang 3 uri ng pangangaliwa na walang kinalaman sa sex
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!