X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Ang pagiging komportable sa iyong katawan ay mabuti para sa sex life ng mag-asawa

3 min read
Ang pagiging komportable sa iyong katawan ay mabuti para sa sex life ng mag-asawa

Ang pagkakaroon ng positive body image ay hindi lang mahalaga para sa iyong self-esteem, ngunit nakakatulong rin sa sex life ng mag-asawa.

Sa panahon ngayon, madalas kang makakakita ng iba't-ibang mga post sa social media tungkol sa body positivity at pagkakaroon ng positive body image.

Ang mga adbokasya na ito ay naglalayong i-angat ang mga tao at ang kanilang self-esteem. Bukod dito, nagbibigay kapangyarihan din ito para sa mga taong hindi komportable sa kanilang katawan.

Tama lamang ang itinuturo ng mga adbokasyang ito, dahil mas mahalaga ang panloob na anyo kaysa sa panlabas. Ngunit alam niyo ba na may isa pang mabuting naidudulot ang pagkakaroon ng positive body image?

Makakatulong ang pagkakaroon ng ganitong katangian upang mapabuti ang sex ng mga mag-asawa.

Paano nakakatulong ang positive body image sa sex?

Malaki raw ang papel ng body positivity sa sex dahil kung hindi ka komportable sa sarili mong katawan, maapektuhan nito ang iyong sexual satisfaction.

Siyempre, kailangan mong maghubad ng damit habang nakikipagsex, kaya't importanteng hindi ka nahihiya sa iyong pangangatawan. Mahalaga ang self-confidence para maging mas enjoyable ang sex.

Mas malaya ka ring nakakagalaw at nagagawa kung ano ang gusto mo kapag mabuti ang tingin mo sa iyong sarili. Mas nagiging adventurous at confident ang mga taong may positibong body image, at hindi sila nahihiyang sabihin sa partner nila kung ano ang gusto nila sa sex.

Napakahalaga nito dahil ang communication ay importante sa sex. Kapag mayroong ginagawa ang partner mo na hindi mo gaanong nagugustuhan ay dapat ipaalam mo ito sa kanila. Kailangan mo ring sabihin sa kanila kung ano ang iyong mga turn ons, at kung ano ang masarap para sa iyo.

Malaki ang maitutulong nito para sa mga kababaihan

Bukod dito, napag-alaman din na ang mga babaeng mayroong positibong body image ay mas gustong sumubok ng mga bagong bagay pagdating sa sex. Ibig sabihin nito, mas nagiging exciting para sa kanila ang sex, dahil wala silang inhibitions pagdating dito. Mahal nila ang kanilang mga katawan, at mahalaga sa kanilang komportable sila.

Maraming mga babae ang hindi masaya sa kanilang pangangatawan, dahil na rin sa unrealistic expectations na hinihingi ng lipunan.

"Dapat mapayat ang mga babae, makinis ang kutis, at maputi ang balat," yan ang mga expectations kinakaharap ng mga kababaihan. Pati nga ang laki at hugis ng kanilang dibdib, ay mayroon ding mga expectations.

Ngunit ang katotohanan ay iba-iba ang katawan ng mga babae. Hindi iisa ang hugis o hitsura nila, kaya't hindi tamang magkaroon ng mga ganitong inaasahan mula sa kanila. Ito ang ipinaglalaban ng body positivity.

Ang sex ay isang bagay na nangangailangan ng confidence, at nagbibigay ito ng feelings ng pagiging vulnerable. Sa ganitong aspeto, mahalaga ang body positivity para maramdaman ng mga kababaihan na komportable sila, at gusto nila ang kanilang mga sarili, kahit ano pa ang hitsura nila.

 

Source: Psychology Today

Basahin: Sabay na pag-masturbate ng mag-asawa makakatulong sa sex life

Partner Stories
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jan Alwyn Batara

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • Ang pagiging komportable sa iyong katawan ay mabuti para sa sex life ng mag-asawa
Share:
  • 6 na problema sa kalusugan na nagpapahirap sa sex life ng isang babae

    6 na problema sa kalusugan na nagpapahirap sa sex life ng isang babae

  • 6 na pagkakamali sa sex na karaniwang nagagawa ng mga ina

    6 na pagkakamali sa sex na karaniwang nagagawa ng mga ina

  • 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

    10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

  • 12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

    12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

  • 6 na problema sa kalusugan na nagpapahirap sa sex life ng isang babae

    6 na problema sa kalusugan na nagpapahirap sa sex life ng isang babae

  • 6 na pagkakamali sa sex na karaniwang nagagawa ng mga ina

    6 na pagkakamali sa sex na karaniwang nagagawa ng mga ina

  • 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

    10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

  • 12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

    12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.