Maraming pagbabago ang kakaharapin ng isang mommy na nagdadalang-tao. Naririyan ang physical, emotional, at mental changes. Sa ganitong pagkakataon, may mga bagay na kinakailangan niya para makatulong sa kanyang pregnancy journey. At isa na riyan ang pregnancy pillow.
Kung kasalukuyan kang naghahanap ng the best pregnancy pillow brand for you, keep on reading para malaman mo ang aming recommended brands! Plus, matuto nang higit pa tungkol sa iba’t ibang gamit ng special pillow na ito at kung ano nga ba ang tamang sleeping position ng buntis.
Talaan ng Nilalaman
Iba’t ibang gamit ng pregnancy pillow
Mayroong iba’t ibang hugis, sukat, at disenyo ang pregnancy pillow. Ginawa ito para matugunan ang mga pangangailangan ng isang buntis. Narito ang ilan sa mga iba’t ibang gamit nito:
- Pangsuporta sa tiyan: Ito ay nagsisilbing alalay para sa lumalaking tiyan ng isang pregnant mom. Nag-aalis din ito ng stress sa mga kalamnan at litid sa paligid ng tiyan.
- Suporta sa likod: Ang ilang mga pregnancy pillow na may hugis na “C" o “U" ay nagbibigay ng suporta sa likod ng buntis. Nakakatulong ito upang makaiwas sa pananakit ng likod at balikat na nakukuha sa maling posisyon ng pagtulog.
- Pagsuporta sa balakang: Ang iba pang mga pregnancy pillow ay may hugis na malapit sa H o hourglass upang magbigay ng suporta sa balakang. Ito’y nagbibigay ng tamang posisyon at suporta upang mabawasan ang sakit at tensyon sa balakang.
- Paggamit ng pillow para sa pagbibreastfeed: Maaari ring magamit ang pregnancy pillow para sa pagpapasuso ng baby. Bukod sa suporta na naibibigay nito ay nakakatulong din ito upang maiwasan ang ngalay na posibleng makuha sa pagbreastfeed.
- Suporta sa Paa at Binti: Nakakatulong din ito upang maiwasan ang pamamaga at discomfort sa binti at paa gaya ng pangangalay.
Best pregnancy pillow brands in the Philippines
Mahalagang mayroong sapat na pahinga at tulog ang isang buntis. Kailangan kasi ito para sa paghahanda sa kanyang due date. Syempre, number one na dapat mayroon siya ay ang best pillow na aakma sa pagbabago ng kanyang katawan. Pumili na sa aming recommendations na pwedeng-pwede sa iyo!
Full-body Pregnancy Pillow
Best pregnancy body pillow
|
Bumili sa Shopee |
Uratex Amie Round-Edged Wedge Pillow
|
Buy Now |
OMG Ph U-Shaped Pregnancy Pillow
Best U-Shaped Pillow
|
Bumili sa Shopee |
Mandaue C-Shaped Pregnancy Pillow
Best c-shape pregnancy pillow
|
Bumili sa Lazada |
The Side-sleeper Pregnancy Pillow
Best for side-sleeping
|
Bumili sa Shopee |
Home de Luxe Solid Body Pregnancy Pillow
Best bolster pillow
|
Bumili sa Lazada |
Chicco Boppy Total Body Pregnancy Pillow
Best parents' choice
|
Bumili sa Shopee |
U-Shaped Full-Body Pillow
Best pregnancy body pillow
Naghahanap ka ba ng pregnancy pillow na kayang i-cover ang buong katawan mo? Ang full-body pillow na ito ang para sa iyo. Ang pillow core fabric nito ay gawa sa pure cotton na safe para sa iyo at sa iyong baby.
Sabi ng mga nakagamit na nito, sulit siya dahil pwede mo itong magamit matapos kang manganak. Hindi lang ito pang-buntis. Gamitin ito habang nagpapa-breastfeed. Pwede rin siya bilang sandalan habang nagbabasa ka sa kama or habang nanonood ka ng paborito mong series. Para bigyan kayo ng idea kung gaano ito kalaki, ito ay 65cm ang lapad at 120cm ang haba. May kapal din itong 15cm kaya saktong sakto ito bilang unan sa iyong ulo, tagiliran, at likod.
Bakit gusto namin ito
- Gawa sa odorless cotton fabric ang core o laman nito
- Meron itong zipper opening para madaling linissan
- Magagamit sa iba’t ibang paraan
- 65cm lapad, 120cm haba, 15cm kapal
Uratex-Amie Round-Edge Wedge Pillow
Best round-edge pillow
Kung medyo kulang ka sa space, pwede mo ring i-consider ang wedge pillow. Base sa pangalan nito, ito ay nakahugis bilang isang wedge na pwede mong ilagay sa ilalim ng iyong growing tummy. Sakto ito kung ikaw ay nakahiga ng patagilid.
Pero hindi lang yan ang gamit nito. Pwede din siya bilang head pillow or back pillow depende sa kailangan mo. Dahil hindi ito bulky, madali itong dalahin kahit saan–sa kotse o sa eroplano kung ikaw ay mag-ta-travel.
Satisfied ang mga nakabili na nito. Firm daw ang unan at nagbibigay ng tamang support. Para sa less than P700 na presyo, sulit na sulit ang wedge pillow na ito kasi natutulungan silang makatulog ng komportable.
Bakit gusto namin ito
- Round-edge wedge
- Magandang gamitin para suportahan ang likod at tiyan
- Portable
OMG Ph Pillow U-shaped Pregnancy Pillow
Best U-Shaped Pillow
Anothed U-Shaped pillow on our list na kitang-kitang pinag-isipang mabuti ang pagkakagawa. Una sa lahat, mayroon itong space para sa braso. Bukod diyan, meron itong kasamang maliit na unan na pwede mong ilagay sa iyong tagiliran para sa karagdagang support pa.
Ang kagandahan ng U-shaped pillow na ito, dahil sa mga design features nito pakiramdam mo ay suportadong suportado ang iyong buong katawan. Dinesenyo din ito para ma-align ang iyong hips, leeg, at likuran.
Kung nag-aalala ka na ang shape nito ay hindi magtatagal, sabi ng mga nakagamit nito, matibay ito at may eksaktong firmness kahit na madalas itong labhan. Pwede mo din itong ilagay sa washing machine at dryer para linisan.
Bakit gusto namin ito
- Gawa sa high-quality cotton
- Hindi madaling ma-deform
- Machine washable
- Hypoallergenic at walang amoy
Mandaue Foam C-Shaped Pregnancy Pillow
Best c-shape pregnancy pillow
Bukod sa full-body pillow at sa U-shaped pillow, meron ding tinatawag na C-shaped pillow for pregnant woman. Ang kaibahan lang nito ay ang opening nito ay nasa gilid at hindi sa baba. Kung ito ang gusto mo, maganda itong C-shaped pillow galing sa Mandaue Foam. Makakasigurado kang high-quality ito gaya ng mga ibang produkto ng Mandaue Foam.
Ayon sa mga nakagamit na nito, sobrang komportable ito at tamang-tama ang lambot. Kahit yung mga hindi buntis ay na-appreciate ang pillow na ito dahil hindi daw ito masakit sa leeg. Para sa mga taong may iniindang sakit sa leeg, perfect ito.
Bakit gusto namin ito
- Dimensions: 55x 22 x13 in
- Nagbibigay ng suporta sa hip, back, tiyan, tuhod, at leeg
The Side-sleeper Pregnancy Pillow
Best for side-sleeping
Para sa mga expectant moms, isa sa pinaka-komportableng posisyon (at safe din) ang side-lying. Ang pillow na ito ay makakatulong para manatili kang nakahiga sa side.
Dahil hindi ito masyadong malaki, hindi nito kakain ng malaking space sa iyong kama. Gayunpaman, magagawa pa rin nito ang kanyang dapat gawin dahil tamang-tama ang support nito sa iyong growing belly at sa likod mo na rin. Magpapagitna ka lang sa dalawang unan na hugis wedge at i-pwesto mo ang iyong katawan.
Ayon sa mga nakagamit nito, plus points na madali itong dalhin kahit saan. NaiisIp din nila pwede itong gamitin habang nagpapa-breastfeed kaya hindi sayang ang kanilang ipinambili.
Bakit gusto namin ito
- Gawa sa high-quality fabric
- Multi-purpose: Pwedeng gamitin bilang unan sa sofa, sa kwarto, at pati na rin sa sasakyan
Home de Luxe The Solid Body Pregnancy Pillow
Best bolster pillow
Hindi ka magkakamali sa oldie but goodie na bolster pillow na ito. Walang masama kung subukan mo ito bilang pregnancy pillow din. Simple ang shape nito, pero para sa iba na gusto ay no-fuss lang at siguradong magagamit kahit hindi na siya buntis, ito ang mahusay na choice.
Ayon sa mga customers, masarap itong yakapin dahil solid ang pagkasiksik nito. Ibig sabihin, mainam din itong support sa likuran. Tamang-tama din ang laki nito para sa isang adult. Madali ring humanap ng pillowcase para rito, so hindi mo na proproblemahin pa.
Bakit gusto namin ito
- Firm ang support nito
- 100% hypoallergenic
- 500 thread count
- Dimensions: 28x44in
Chicco Boppy Total Body Pregnancy Pillow
Best parents’ choice
Nagsalita na ang mga mommies, at ang kanilang choice? Ang Chicco Boppy Total Body Pregnancy Pillow. Ito lang naman ang nakakuha ng TAP Awards 2023 “Parents’ Choice Pregnancy Pillow. Ang kagandahan dito ay binubuo ito ng tatlong pirasong pillow na madaling naaalis o nagagamit para i-combine. Nasususportahan din nito ang buong katawan mo para mabigyan ka ng maximum comfort.
Kung isa ka naman sa mommies na mahilig magside sleep pwede na rin ito gamitin para magkaroon ka ng komportableng tulog. Ang modular at flexible na design ay maaaring mag-adapt sa iba’t ibang requirements ng iyong pagbubuntis. Mamamaintain mo rin ang knee and ankle support mo gamit ang pillow na ito.
Bakit gusto namin ito
- TAP Awards 2023 “Parents’ Choice Pregnancy Pillow
- Three pieces
- Helps with body support
- Supports knee and ankle
Price Comparison Table
Tignan ang presyo ng mga best pillow for pregnant women dito:
Pregnancy pillow brands | Price |
U-Shaped Full-Body Pillow | Php 600.00 |
Uratex Amie Round-Edge Wedge Pillow | Php 700.00 |
OMG Ph Pillow U-shaped Pregnancy Pillow | Php 1,449.00 |
Mandaue Foam C-Shaped Pregnancy Pillow | Php 1,060.00 |
The Side-sleeper Pregnancy Pillow | Php 630.00 |
Home de Luxe The Solid Body Pregnancy Pillow | Php 1,479.00 |
Chicco Boppy Total Body Pregnancy Pillow | Php 5,000.00 |
Note: Each item and price is up to date as of publication, however, an item may be sold out or the price may be different at a later date.
Tamang sleeping position ng buntis
Isang mahalagang parte ng pagbubuntis ang pagkakaroon ng komportable at sapat na tulog. Kasama na rito ang mga healthy foods, exercise at vitamins na makakatulong din sa paglaki ng baby. Ngunit hindi lahat ay nagkakaroon ng komportableng tulog dahil sa pananakit ng ilang parte ng katawan kasabay ng maraming pagbabago.
Alam niyo ba na pagpasok ng 2nd trimester ni mommy ay kailangan nilang ugaliin na matulog sa kaliwang bahagi nila? Ito ay mas kilala bilang SOS – Sleep On Side: Save our souls.
Ang sleep on side ay paraan upang mailigtas ang iyong baby at makakapagpababa ng risk ng pagkalaglag. Dahil may mga naitalang stillbirth case at napag-alamang natutulog sila sa supine position o pahigang posisyon habang nagbubuntis.
Ayon sa pag-aaral tungkol sa maternal sleep position at risk of stillbirth ng BJOG: An International Journal of Obstetrics and Gynaecology, napag-alaman na ang mga babaeng nakakaranas ng stillbirth pagkatapos ng 28 weeks gestation ay 2.3 times more likely na natutulog pahiga kesa patagilid.