Presyo ng prutas 2019, magkano na nga ba sa mga pamilihan ngayon? Lalo na at nalalapit na ang bagong taon. Sagana na naman ang mga kostumer na nagsisibilihan ng mga iba’t-iban klase at uri ng prutas na ilalagay sa kanilang lamesa.
Presyo ng prutas 2019
Tuwing bagong taon hindi nawawala sa handaan at mesa ng mga pinoy ang bilog na prutas. Dahil ito ay pinaniniwalang magdadala ng swerte sa papasok na bagong taon. Ang kailangan lang ay makapaghanda ng 12-13 pirasong iba’t-ibang prutas na bilog sa hapag-kainan. O kaya naman ay magsabit ng mga piraso nito sa bintana o pintuan na pinapasukan umano ng swerte at magandang balita.
Presyo ng prutas 2019 tataas babang papalapit ang medya noche | Image from ABS-CBN News
Ilang araw bago pumasok ang bagong taong 2020, nakabili ka na ba ng prutas na bilog na iyong ihahanda? Kung wala pa mabuting magpunta na sa mga pamilihan o palengke ngayon na kung saan sa mga oras na ito ay mura pa ang presyo.
Tulad nalang sa Mega Q-Mart sa Quezon City na kung saan dinadagsa na ng mamimili. Sa ngayon nga ay unti-unti ng tumataas ang presyo ng prutas 2019. Ang mga pangunahing prutas na mabibili dito pati na ang kanilang presyo ay ang sumusunod:
Mega Q Mart
Watermelon o pakwan na maliliit – P70/kilo
Malalaking pakwan – P150/kilo
Maliliit na pinya – P60/kilo
Malalaking pinya – P130/kilo
Ubas – P260 to P300/kilo
Kiat kiat – P50/kilo
Fuji apple (malalaki) – P20 hanggang P25/piraso
Fuji apple (maliliit – P10/piraso
Peras – P25/piraso
Lemon – P18/piraso
Green apple – P28/piraso
Orange – P25/piraso
Samantala sa Commonwealth Market sa ngayon ay normal pa ang presyo ng prutas 2019. Pero ito ay inaasahan ring magtataas sa mga susunod na mga araw.
Presyo ng prutas 2019 tataas babang papalapit ang medya noche | Image from Unsplash
Commonwealth Market
Mangga – P160/kilo
Melon – P80/kilo
Watermelon – P160-P170/piraso
Peras – P20/piraso
Fuji Apple – P10- P25/piraso
Red apple – P25/piraso
Green apple – P30/piraso
Grapes – P240/kilo
Orange – P10-P30/piraso
Kiat-kiat – P120/kilo
Dalandan – P40/kilo
Malaki naman ang maititipid kung bibili ng per ng box ng prutas sa Binondo Market sa Maynila. Sa kasulukuyan ay narito ang presyo ng prutas 2019 sa Binondo.
Binondo Market
Kiat-kiat – P800/kahon
Ponkan – P700/kahon
Apples – P1,200/kahon
Sugar apples – P980/kahon
Golden apples – P1,050/kahon
Peras – P650-P850/kahon
Kiwi – P550-P780/kahon
Hami Melon – P1,200/4pcs
Ilang mamimili ang pinipiling bumili ng kahon-kahon dahil ito ay mas mura. At maari rin nila itong matubuan at maibenta.
“Para maka-discount kami. Sa ngayon kasi talagang medyo mura pa e. Pero pagdating ng 30 sa isang box nyan papatong na ng P150-P200.”
Ito ang pahayag ng isa sa mga mamimili ng prutas sa Binondo Market.
Mamili na habang maaga upang makamura
Presyo ng prutas 2019 tataas babang papalapit ang medya noche | Image from Ako ay Pilipino
Ayon naman sa mga tindera at tindero ng prutas sa Mega Q Mart ang mga presyo ng prutas sa ngayon ay tinatayang tataas pa habang papalapit ang bagong taon. Kaya payo nila mamili na ng prutas habang maaga pa.
“Habang papalapit po lalong tumataas. Kung ang bilhin nyo nalang na prutas ay yung tumatagal po tulad ng melon, apple, honeydew, suha, at pears. Para hindi madaling masira.”
Ito ang pahayag ni Opel Pineda, tindera ng prutas sa Mega Q Mart.
Kaya naman huwag ng sumabay sa dagsa ng mamimili sa susunod na mga araw. Kung may oras ng mamili ngayon ay simulan ng mamili. Hindi lang ng ipanghahandang prutas kung hindi pati narin ang mga pang-rekado at sahog na iyong ihahain sa medya noche. Ngunit isaisip na ang ispiritu ng pasko at bagong taon ay hindi nasusukat sa iyong ihahanda. Kung hindi sa pagsasama-sama ng iyong pamilya sa pagsalubong ng bagong simulain ngayong bagong taon.
Source:
ABS-CBN News, 24 Oras
BASAHIN:
Manganganak ka na ba? Alamin ang presyo ng COVID-19 test sa hospital
Eating more fruits and vegetables will make you happier, says study
Puwede bang maging malas ang isang bahay?
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!