21 Private beach resort na pampamilya na malapit sa Maynila

Nalalapit na ang summer! Ready na ba ang beach outfit ng pamilya?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Private beach resort near Manila ba ang hanap mo ngayong summer para sa iyong pamilya? O kaya naman ay para pagdausan lang ng inyong intimate family gatherings? Maraming maaaring pagpiliang private beach resort na few hours drive lang mula sa Maynila na perfect escape na mula sa stress at polusyon. Siguradong magbibigay sa inyo ng quality at relaxing time ng sama-sama. Habang sinisigurado na safe at COVID-free ang facilities nila.

Mababasa sa artikulong ito:

  • 21 private beach resort near Manila na pampamilya
  • At mga COVID-19 health protocols na ipinatutupad nila.

21 Private beach resort near Manila na pampamilya

1. Acuatico Beach Resort

Location: Laiya, San Juan, Batangas

Image from Acuatico Beach Resort

Ang Acuatico Beach Resort sa Laiya, San Juan, Batangas ang nangunguna sa listahan ng mga beach resort near Manila na maaari ninyong puntahan. Bagamat' bukas ito sa lahat o bawat may kakayahang magbayad, may mga villa naman dito na maaaring maupahan at eksklusibong magamit ng isang grupo o pamilya.

Sa ngayon, ang Acuatico Beach Resort ay tumatanggap ng mga bata at senior citizens bilang kanilang guest. Maliban na lamang sa may mga malulubhang sakit at mga buntis. Pero para makabisita sa kanilang resort ay kailangang makipag-ugnayan sa kanila in advance. Sapagkat hindi sila tumatanggap ng walk-in guest alinsunod sa ipinatutupad nilang COVID-19 protocols.

Kaya kung gustong mag-staycation sa Acuatico Beach Resort ay kailangang tawagan muna sila sa numerong 09288543849. Kailangan ding maghanda ng P1,700 kada guest na edad 3 years old pataas bilang pambayad sa Rapid Antigen Test. Sapagkat bago makapasok sa resort ay kailangang masiguro na negatibo muna sa sakit ang bawat guest na magchecheck-in dito.

2. CMDC Private Beach Resort

Location: Laiya, San Juan, Batangas

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang CMDC ay isang private beach resort at small organic farm na matatagpuan sa San Juan, Batangas. Ang resort ay maaaring maupahan ng buo para sa mga group o family gatherings.

Kumpleto ito with rooms, kitchen, dining area, swimming pool at space na kung saan maaring maglaro ang mga bata at maghabulan. Sa halagang P25,000 pesos ay maaaring ma-enjoy na overnight ang lahat ng amenities ng resort. Para sa dagdag na impormasyon ay maaaring direktang makipag-ugnayan sa resort sa mga numerong 09464504120 at 09153316709.

3. Blue Coral Beach Resort

Location: Laiya, San Juan, Batangas

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Imagr from Trip Advisor

Ang Blue Coral Beach Resort ay matatagpuan pa rin sa Laiya, San Juan, Batangas. Ito ay mayroong swimming pool na para sa mga bata at matanda. Marami ring mga activities na maaring gawin dito gaya ng snorkeling, kayaking, jet skiing, banana boat, at speedboat riding.

Mayroon rin itong mga penthouses at main house na maaring maupahan ng isang grupo o pamilya na magsisiguro ng inyong privacy habang ini-enjoy ang ganda at mga activities sa lugar.

4. Ibarra Private Beach House

Location: Lian, Batangas

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Airbnb

Kung gusto ninyo namang umupa ng buong bahay na malapit sa beach na may activities na mai-enjoy ng buong pamilya, ang Ibarra Private Beach House ang isa sa inirerekumenda ng marami. Ito ay isang beach resort na matatagpuan sa Lian, Batangas.

Maraming activities na maaring ding gawin. Tulad ng big trampoline para sa mga bata, swimming pool at basketball court na puwedeng paglaruan.  Mayroon ding snorkeling equipment at boat na maaaring maupahan para mas ma-discover pa ang ganda ng lugar.

Para makapasok o marentahan ang lugar, kinakailangan ng walang sinumang miyembro ng pamilya ay may sakit o nagpapakita ng kahit anumang sintomas ng COVID-19. Wala ring dapat naging interaction sa sinumang naging positibo o suspected na infected ng COVID-19 sa nakalipas na 14 na araw.

Para mapatunayan ito ay kailangan magpakita ang bawat guest ng travel pass, medical certificate at resulta ng rapid test bago makapag-checkin sa resort. Para sa dagdag na impormasyon ay maaring deretsong makipag-ugnayan sa resort sa kanilang Airbnb account.

5. The Batangas Beach House Calatagan

Location: Calatagan, Batangas

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang Batangas Beach House ay isang exclusive village na open for rent sa isang grupo o pamilya. May mga kwarto na maaaring tuluyan ng mga guest. Mayroon ding private pool na maaaring pag-swimingan maliban sa beach.

Para sa mga katanungan tungkol sa pagrerent ng lugar ay maaring tumawag sa mga numerong 09988577798 at 09171609988. O kaya naman ay bisitahin ang kanilang Facebook account.

6. Bahay San Jose Batangas

Location: Balayan, Batangas

Bahay San Jose/ Image from Agoda

Isa pang private beach resort near Manila na matatagpuan parin sa Batangas ay ang Bahay San Jose. Ito ay isang beach house at cabana na ipinauupa exclusively sa grupong may anim hanggang 30 miyebro.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Maliban sa beach house ay mayroon ding mga camping tents at treehouse dito na siguradong mai-enjoy ng mga bata at mga adventuros na miyembro ng pamilya. Para makakuha pa ng dagdag na impormasyon ay maaaring makipag-ugnayan sa kanila sa numerong 09972841682.

7. Anilao Cliffhouse

Location: Mabini, Batangas

Ang Anilao Cliffhouse sa Mabini, Batangas ay isang perfect getaway sa buong pamilya. Lalo na kung kayo ay nature lover dahil sa ito ay may parehong access sa mapunong kagubatan at sa refreshing breeze ng karagatan.

May music room, studio, swimming pool rin na talaga namang mai-enjoy ng mga bagets. May mga activities rin dito tulad ng mermaid dress-up na magugustuhan ng mga bata.

Puwede ring mag-snorkling dito. Basta't magdadalang lang ng sariling mask, snorkel at fins. Kung sakali ay mayroon rin naman na puwedeng rentahan sa lugar. Pero dahil sa banta ng COVID-19 mabuting makasigurado na lahat ng gagamitin mong gamit ay eksklusibong sayo.

8. Almalin Beach Resort

Location: Lobo, Batangas

Ang Almalin Beach Resort sa Batangas ay isa ring private resort na perfect puntahan ng pamilya. Sapagkat sa ito ay may family house na kayang mag-accomodate ng 8 tao. Pero bago makapasok sa resport ay kailangan muna ng medical certificate ng bawat guest.

Ganoon din ang anti-gen o swab test result na nagpapakita na negatibo ang bawat guest sa COVID-19. Kailangan ding magdala ng valid ID maliban na lamang sa mga batang 10-anyos pababa ang edad.

Nagsisimula ang presyo ng family house sa Almalin sa P10,800. Maaaring makipag-ugnayan sa kanila sa pamamagitan ng kanilang Facebook account.

10. Grandioso

Location: San Juan, Batangas

Ang Grandiosio ay isang private beach resort at organic farm na makikita pa rin sa Batangas. Maaari itong rentahan overnight na swak na swak sa grupo o pamilya. Mayroon itong 4 large bedrooms, dining area, kitchen, CR, garden at isang malaking swimming pool. Malaki rin ang space dito na kung saan maaring maglaro ang mga bata.

Nagsisimula ang renta sa lugar sa halagang P20,000 per day na kung saan hanggang 25 katao lang ang allowed  na mag-stay sa lugar. Para makipag-ugnayan sa Grandioso Beach Resort ay maaring tumawag sa sumusunod na numero 09225069077 at 09091212455.

11. Casa Kalinaw

Location: San Juan, Batangas

Image from Casa Kalinaw 

Ang Casa Kalinaw ay isang beachfront resort na may mga beach houses na open for rent. Sa halagang nagsisimula sa P35,000 ay puwede ng magkaroon ng magadang experience sa lugar kasama ang iyong buong pamilya.

Para sa dagdag na impormasyon lalo na tungkol sa kanilang COVID-19 restrictions at requirements ay direktang makipag-ugnayan sa kanilang numero na 0966-901-8030.

BASAHIN:

22 resort na malapit sa Manila at mga dapat tandaang COVID-19 guidelines

Why we avoid swimming pools, here’s our story

Bakasyon ng pamilya nakakatulong mentally at emotionally sa mga bata

12. Potipot Gateway Resort

Location: Candelaria, Zambales

Kung northbound naman ang gusto ninyong puntahan ngayong summer ay maaari ninyong subukan ang Potipot Gateway Resort sa Zambales.  Sa halagang P10,000 good for 5 pax na ay maaari na kayong mag-island hopping.

Pwede rin mag-ikotikot lang sa paligid at magtampisaw sa beach. Maaaring makipag-ugnayan sa kanilang numero na (02) 310-9291 o email na info@potipotgateway.com para sa dagdag na impormasyon.

13. Beach House Zambales

Location: San Antonio, Zambales

Beach House Zambales/ Image from Spot.ph

Ang Beach House Zambales ay isa sa mga private resort near Manila na matatagpuan sa North Luzon. Ito ay may modern elegant white house design. Perfect ito para sa small gathering ng isang grupo o pamilya. Mayroon na itong pool sa loob, dalawang kwarto, living room at private beach area. Nagsisimula ang rate dito ng P15,000 per night.

Alinsunod sa COVID-19 health protocol na ipinatutupad ng gobyerno, ang lahat ng guest ng Beach House Zambales ay kailangang may negative swab test result sa loob ng 48 hours bago mag-check in. Kailangan din ng medical certificate at travel pass bilang dagdag na requirement.

Para sa dagdag na impormasyon ay maaaring bisitahin ang kanilang AirBnb account.

14. aZul Zambales Beachfront House

Location: Cabangan, Zambales

Ang aZul private beach house ay ideal getaway sa grupo o pamilyang nais ma-enjoy ang nature habang nasisigurong safe at may privacy ang pagbabakasyon. Ito ay makikita sa Zambales na may perfect at nakaka-in love na view ng West Philippine Sea. Para sa dagdag na impormasyon sa lugar ay maaring bisitahin ang kanilang Facebook account.

15. Balihay Private Resort

Location: Botolan, Zambales

Ang Balihay Private Resort ay isang lugar na perfect para sa mga group at family outings. Ito ay nasa loob ng isang residential private subdivision na few meters walk lang ang layo mula sa beach.

Para mas magkaroon ng ideya tungkol sa kanilang rates at rules ngayong may pandemic ay maaaring kontakin sila ng direkta sa kanilang Facebook account.

16. Hilltop House

Location: San Antonio, Zambales

Image from Agoda

Ang Hilltop House ay isang private beach house na nagbibigay ng magandang view ng kalikasan para sa mga guest nito. Ito ay 5 mins away lang sa Pundaquit beach na jump-off point sa Anawangin Cove, Talisayen at Nagsasa & Silanguin Cove.

Accessible narin mula dito sa pamamagitan ng boat ride ang Capones at Camara Island. Maaari ring mag-paddle boating o bamboo rafting dito na tiyak na magugustuhan ng buong pamilya. Dahil sa ito ay nasa hilltop asahan na ang kaunting palakad paakyat bago maabot ang lugar.

Para sa dagdag na impormasyon tungkol sa private beach resort na ito ay maaring bisitahin ang kanilang Airbnb account.

17. Tadhana Food Shack

Location: San Felipe, Zambales

Mula sa isang dating restaurant ay binuksan na ang Tadhana Food Shack para marentahan at matuluyan ng pamilya o grupo na hanggang walong tao. Maaaring mag-enjoy dito ang tambayan setting na may mga swinging chairs at bean bags. Few minutes walk lang ito from the beach na perfect sa mga pamilyang nais mag-relax at pawiin ang init ng nalalapit na summer.

Para sa dagdag na impormasyon tungkol sa resort ay maaraing kontaking sila sa kanilang Facebook account.

18. Yellow Slipper Beach Resort

Location: Cabangan, Zambales

Ang Yellow Slipper Beach Villa ay isang resort na pampamilya. May mga kubo at cottages na maaaring rentahan na may relaxing view at few minutes away lang sa beach. Mahigpit na ipinatutupad sa Yellow Slipper na ang bawat guest ay susunod sa kanilang COVID-19 health protocol.

Kailangan ang pagsusuot ng mask at pagbabaon ng sariling alcohol para sa kapakanan ng lahat. Sa ngayon ay tumatanggap lang sila ng one booking per day o ekslusibong sa isang grupo o pamilya lang ang maaaring magrenta.

Ito'y alinsunod pa rin a COVID-19 health protocol para masiguro ang kaligtasan ng lahat. Maaring makipag-ugnayan sa kanilang Facebook account para sa dagdag na katanungan.

19. Zambawood Resort

Location: San Narciso, Zambales

Image from Zambawood 

Ang Zambawood ay isang 500-square meter luxury beach house na maaring eksklusibong rentahan ng isang grupo o pamilya. Bagama't may kamahalan dahil nasa P55,000 ang overnight package dito, masisiguro naman na makakapag-relax at makakapag-spend ng quality time ang pamilya sa bawat isa.

Pet-friendly rin ito kaya maaaring dalhin ang mga alagang hayop sa inyong pagbabakasyon. Dito ay maaaring mag-surfing ang mga bata at may iba pang activities na maari silang ma-enjoy gawin habang natututo o nahahasa ang arts and crafts nila.

Para sa dagdag na impormasyon ay maaring kontakin sila sa mga numerong ito +63 915 991 4715 at +63 919 505 5930.

20. Sambali Beach House

Location: Botolan, Zambales

Ang Sambali Beach House ay hindi lang basta bahay bakasyunan sa tabi ng dagat. Isa ring itong eight-hectare vegetable farm kaya naman masisigurong fresh at healthy ang mga pagkaing inihahanda rito.

Nagsisimula ang accommodation dito sa halagang P20,000 per overnight na good for 16 pax na. Maaaring magtanong at makakuha ng dagdag na impormasyon sa numerong  0917-308-8302. O kaya naman ay bisitahin lang ang kanilang Facebook account.

21. La Playa at The Strand

Location: Morong, Bataan

Ang La Playa ay isang resort na kung saan nag-ooffer ng beach front house for rent sa kanilang mga bisita. Ito ay matatagpuan sa Morong, Bataan na may relaxing at friendly ambiance.

Nagsisimula ang rate nila dito sa halagang P35,000 para sa 15 katao. Para sa mas maraming impormasyon ay maaring direktang makipag-ugnayan sa kanila sa numerong 0977-471-9970.

Photo:

People photo created by tirachardz - www.freepik.com