25 resort na malapit sa Manila para sa summer vacation ng inyong family

lead image

Time to unwind na! Narito ang 25 private pool and resort sa Antipolo kasama na ang ilang lugar sa Manila. Save the date na!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa sobrang init ng panahon ngayon, walang mas sasarap pa kaysa sa isang quick getaway sa isang private pool o resort! Kung naghahanap ka ng resort na malapit lang sa Metro Manila o sa paligid nito, gumawa kami ng listahan ng magagandang destinasyon para sa iyong bakasyon o simpleng weekend relaxation.

Kaya naman narito ang 25 private pool and resort sa Antipolo at ilang parte ng Mega Manila—perfect para sa iyong much-needed unwinding!

25 Private Pool and Resort in Antipolo at Ilang Parte ng Manila: Time to Unwind!

Paalala, siguraduhing sundin ang mga alituntunin ng bawat resort para sa isang hassle-free at masayang bakasyon!

Image from Rubys Place Amadeo

1. Rubys Place Amadeo

Location: Amadeo, Tagaytay

Ang Rubys Place Amadeo o dating kilala sa pangalang Casa Del Sol Amadeo ay matatagpuan sa Amadeo, Tagaytay. Kung hanap mo ay green scenery at cozy environment, maaaring isama sa listahan ang Rubys Place Amadeo! Ekslusibo ito para sa mga overnight stay ng pamilya o magkakaibigan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang kinagandahan ng lugar na ito ay maaari mo na siyang ituring na sariling bahay dahil matatagpuan dito ang pool at iba pa. Kasama sa accommodation ang paggamit ng mga utensil at equipments.

No. of Guests: 16+ guests

Rooms: 3 bedrooms, 3 baths

Price per night: ₱8,000

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bisitahin ang kanilang Facebook page.

Image from Bianca e Blu Beach House

2. Rusan Country View Resort

Location: Cainta, Rizal

Kilala ang Rusan Country View Resort na matatagpuan sa Cainta bilang daluhan ng iba’t ibang pagtitipon katulad ng kaarawan. Matatagpuan dito ang malaking pool na kasama sa accommodation. Ekslusibo ito para sa mga overnight stay ng pamilya o magkakaibigan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

No. of Guests: 16 guests

Rooms: 3 bedrooms, 4 bathrooms

Para sa iba pang detalye, i-click lamang ito.

Image from Trip Advisor

3. Villa Caranzo private resort

Location: Las Piñas, Metro Manila

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Saktong-sakto ito sa mga taga South dahil malapit lang. Malapit lamang ito at nasa loob ng Metro Manila pero tiyak na mapapahanga ka sa ganda nito. Puno ng mga puno ang paligid.

May dalawang villa rin ito na pwede mong pagpilian. Pwede rin itong rentahan kapag may mga okasyon katulad ng birthday, kasal, binyag at iba pa. May wifi rin sila!

Kasama rin sa accommodation nila ang videoke, griller, fridge, 1 buffet table 20-30 chairs with table. 

No. of Guests: 16+ guests

Rooms: 5 rooms (*for both villas), with bathes

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Price Starts: ₱16,500 (VPrivate villa w/ *Swimming pool ( adult + kiddie) * 1 ac room accommodation * function hall * Free wifi * parking space.

Check in and Check out time: 8:00-5:00 pm/12:00 pm – 8:00 pm

Bisitahin ang kanilang Facebook page o kontakin sila sa number na 09293794550

Image from Villa Caranzo’s Facebook page

Image from Villa Caranzo’s Facebook page

4. Bianca e Blu Beach House

Location: Nasugbu, Batangas

Ilang oras lang ang layo nito mula sa Manila. Ang Bianca e Blu Beace House ay isang private resort na matatagpuan sa Nasubu, Batangas. Moderno ang istilo ng lugar at namamayani ang kulay na asul na paligid. Isa pang maganda rito ay pwedeng-pwede isama ang mga alagang hayop sa inyong trip!

No. of Guests: 16+ guests

Rooms: 9 bedrooms, 8 baths

Price per night: ₱19,200

Private pool in Antipolo

5. Timmy in the Woods

Location: Antipolo, Rizal

Hanap mo ba ay IG worthy place? Ang Timmy in the Woods na matatagpuan sa Rizal ang bagay sa ‘yo! Moderno rin ang desenyo ng buong lugar at aakalain mong nasa ibang lugar ka. Black, brown at white ang kabuuang kulay ng resort.

No. of Guests: 16+ guests

Rooms: 9 bedrooms, 8 baths

Price per night: Starts at ₱26,000

Bisitahin ang kanilang Facebook page.

Image from Luke’s Haven

6. Luke’s Haven

Location: Tanay, Rizal

Isang pribadong resort at events place naman mula Tanay ang iyong matatagpuan, ito ang Luke’s Haven. Ekslusibo ito para sa mga overnight stay ng pamilya o magkakaibigan mula 7 PM to 7 AM. For daytime naman, ito ay mula 9 AM to 5 PM.

Kasama sa accomodation ang buong rest house na may tatlong kwarto, 10-meter swimming pool at sound-proofed music room!

No. of Guests: 16 guests

Rooms: 3 bedrooms

Price per night: Starts at ₱18,000

Bisitahin ang kanilang Facebook page.

Image from White House

7. White House at Palo Alto

Location: Baras, Rizal

Kung nais niyo naman din ng cozy overnight swimming, maaaring puntahan ang White House sa Baras Rizal! Minimalist home itong maituturing dahil sa kulay puti nitong kabuuan.

No. of Guests: 16 guests

Rooms: 2 bedrooms, 18 beds, 3 bathroom

Price per night: Starts at ₱18,000

Bisitahin ang kanilang Facebook page.

Image from YOLO’s Rest House

8. YOLO’s Rest House

Location: Taytay, Rizal

Matatagpuan sa Taytay Rizal ang YOLO’s Rest House kung saan swak na swak ang getaway ng barkada o pamilya. Matatagpuan dito ang modernong istilo ng bahay na may TV, billiard table, air-conditioned table at swimming pool.

No. of Guests: 10 guests

Price per night: Starts at ₱11,000

Bisitahin ang kanilang Facebook page.

Private pool in Antipolo | Image from Casa Rita

9. Casa Rita

Location: Antipolo City, Rizal

Isa pang dinarayo na private resort sa Antipolo Rizal ay ang Casa Rita. Kilala ito bilang birthday, wedding venue at ibang gathering.

Mayroon itong 9-meter pool, billiard table, kitchen at grilling area.

No. of Guests: 25 guests

Rooms: 1 bedroom, 18 beds, 3 bathroom

Price per night: Starts at ₱18,000

Bisitahin ang kanilang Facebook page.

Image from Amazing Villa

10. Amazing villa with pool

Location: Angeles City

Bisitahin ang Amazing Villa sa lugar ng Angeles City. Isa ring Instagram worthy ang lugar na dahil mistulang mini museum ito dahil sa dami ng palamuti. Pinaghalong moderno at tradisyonal ang istilo ng bahay.

No. of Guests: 12 guests

Rooms: 4 bedrooms, 4 beds, 7.5 bathroom

Price per night: Starts at ₱18,000

Para sa iba pang detalye, i-click lamang ito.

Private pool in Antipolo | Image from Mi Santorini

11. Mi Santorini View Staycation – Maddie’s Venue

Location: Antipolo, Rizal

Swimming pool with mountain scenery? Hindi imposible ‘yan sa Mi Santorini View Staycation na matatagpuan sa Antipolo, Rizal! Mae-enjoy mo ang breathtaking view ng buong siyudad habang nandito. Perfect ang lugar na ito para sa iba’t ibang okasyon katulad ng birthday, simpleng getaways, wedding proposal at iba pa.

Hindi mo na rin kailangang iwanan sa bahay ang inyong furbabies dahil pwedeng-pwede sila rito.

No. of Guests: 16 guests

Rooms: 4 bedrooms, 4 beds, 7.5 bathroom

Price per night: Starts at ₱17,000

Bisitahin ang kanilang Facebook page.

Private pool in Antipolo | Image from Airbnb

12. Entire bungalow

Location: Antipolo, Rizal

Feel at home ka naman sa private resthouse na ito na matatagpuan sa Antipolo Rizal. Hindi nalalayo sa disenyo ng pangkaraniwang bahay ang disenyo nito. Presko ang buong paligid dahil napapaligiran ng nagtataasang puno ang buong lugar. At oo, may wifi rito!

No. of Guests: 6 guests

Rooms: 2 bedrooms, 3 beds, 3 bathrooms

Price per night: Starts at ₱7,000

Para sa iba pang detalye, i-click lamang ito.

Image from Airbnb

BASAHIN:

9 na dapat dalhin pag nagta-travel ang buong pamilya

7 family travel destinations under ₱2,500

5 dahilan kung bakit hindi sayang ang pag-travel na may kasamang bata

13. Casa Laura

Location: Los baños, Laguna

Matatagpuan sa Los baños, Laguna ang perfect vacation house na Casa Laura. May pagkakahawig ito sa makalumang bahay kaya naman espesyal ang magliwaliw dito kasama ang pamilya o mga kaibigan. 10 guests ang minimum at 30 guests ang maaaring maging bisita rito.

Bagay rin ang Casa Laura sa mga gustong mag-retreat.

No. of Guests: 16 guests

Rooms: 3 bedrooms, 16 beds, 4.5 bathrooms

Price per night: Starts at ₱16,000

Para sa iba pang detalye, i-click lamang ito.

Image from Rent by Owner

14. 2BR, Pool House and Spacious Garden

Location: Parañaque

Matatagpuan ang 2BR Pool House and Spacious Garden hindi nalalayo sa siyudad dahil ito ay sa Parañaque lamang. Ekslusibo ito para sa mga overnight stay ng pamilya o magkakaibigan.

No. of Guests: 12 guests

Rooms: 2 bedrooms, 4 bathrooms

Price per night: Starts at ₱8,000

Para sa iba pang detalye, i-click lamang ito.

Image from Airbnb

15. Exclusive Private Villa w/pool & nature trail

Location: Tanay, Rizal

Kung nais mong malayo pansamantala sa maingay na siyudad, maaaring pumunta sa private resort na ito na matatagpuan sa Tanay Rizal. Mayroon ditong swimming pool at magandang tanawin na siguradong mare-relax ka.

No. of Guests: 13 guests

Rooms: 3 bedrooms, 7 beds, 2 bathrooms

Price per night: Starts at ₱15,000

Para sa iba pang detalye, i-click lamang ito.

Private pool in Antipolo | Image from Beverly Hills Private Resort

16. Beverly Hills Private Resort

Location: Antipolo, Rizal

Green scenery! Ito ang matatagpuan mo sa Beverly Hills Private Resort sa Antipolo, Rizal. Siguradong mare-relax ka sa sariwang hangin dito dahil napapalibutan ng matataas na puno ang buong lugar.

No. of Guests: 25 guests

Rooms: 4 bedrooms, 4 bathrooms

Price per night: Starts at ₱11,000

Bisitahin ang kanilang Facebook page.

Private pool in Antipolo | Image from Agoda

17. Altaroca Mountain Resort and Convention Center

Location: Antipolo, Rizal

Ang Altaroca Mountain Resort and Convention Center ay isang private resort na matatagpuan sa Antipolo. Kilala rin ito bilang events place kung saan maaari mong i-celebrate ang iyong birthday, after wedding ceremony at iba pang espesyal na pagtitipon.

Bisitahin ang kanilang Facebook page.

Private pool in Antipolo | Image from Mount Purro Nature Reserve

18. Mount Purro Nature Reserve

Location: Antipolo, Rizal

Stress sa trabaho o ibang problema? Swak na swak sa’yo ang magpalipas muna ng ilang araw sa Mount Purro Nature Reserve na matatagpuan sa Antipolo, Rizal. Ipaparanasa sa’yo nito ang preskong hangin at payapang kapaligiran dahil  sa punong nakapaligid sa lugar.

For Inquiries & Reservations:

Joana Legayada(0949) 398 1799

joana@mountpurronaturereserve.com

Para sa iba pang detalye, i-click lamang ito.

Image from John’s hammock vacation home

19. John’s Hammock Vacation Home

Location: Mataas na kahoy, CALABARZON

Ang John’s Hammock Vacation Home sa lugar ng Antipolo ay kayang tumanggap ng panauhin hanggang 70 katao. Sa laki ng lugar, maaari ritong mag-trekking o camping.

No. of Guests: 16 guests

Rooms: 4 bedrooms, 5 beds, 4.5 bathrooms

Price per night: Starts at ₱22,000

Para sa iba pang detalye, i-click lamang ito.

Image from Airbnb

20. Balai Talahib

Location: Tanay, Rizal

Kung nais mo naman ng tradisyonal na lugar katulad ng kubo sa mapunong lugar, bisitahin ang Balai Talahib sa lugar ng Tanay, Rizal. Paniguradong mae-nejoy mo ang kakaibang vibe sa buong resthouse na ito!

No. of Guests: 16 guests

Rooms: 3 bedrooms, 5 beds, 5 bathrooms

Price per night: Starts at ₱8,499

Para sa iba pang detalye, i-click lamang ito.

Image from Airbnb

21. Tree House by the ocean with pool

Location: Calatagan, Batangas

Perfect ang Tree House sa Calatagan, Batangas para sa getaway ninyo ni mister! Mag-relax habang napaliligiran ng mga puno at preskong hangin.

Tandaan lamang na hindi pinapayagan ang manigarilyo sa lugar na ito. Bawal rin ang mga batang nasa edad 12 pababa pati ang mga alagang hayop.

No. of Guests: 2 guests

Rooms: 1 bedrooms, 1 beds, 1 bathrooms

Price per night: Starts at ₱5,500

Para sa iba pang detalye, i-click lamang ito.

Image from Airbnb

22. APMPOOLVILLA A4 UNIT

Location: Sta. Cruz, Central Luzon

Ang luxury poolvilla na ito ay mayroong pribadong pool at jacuzzi sa loob mismo ng bahay! Perfect ito para sa intimate gathering. At oo, available rito ang wifi!

No. of Guests: 13 guests

Rooms: 6 bedrooms, 6 beds, 7 bathrooms

Price per night: Starts at ₱29,000

Para sa iba pang detalye, i-click lamang ito.

23. Noni’s Resort

Location: Alitagtag, Batangas

Kung hanap mo ay pribado at tahimik na bakasyon na may breathtaking view, swak sa’yo ang Noni’s Resort. Matatanaw dito ang ganda ng Taal Lake at Mount Maculot habang ine-enjoy ang infinity pool. May mga private villas rin na may sariling jacuzzi para sa ultimate relaxation.

No. of Guests: 2-10 guests (depende sa villa)
Rooms: 1-3 bedrooms (depende sa villa)
Price per night: Starts at ₱5,000

Para sa iba pang detalye, i-click lamang ito.

24. Nature’s Villa Private Resort

Location: Tanza, Cavite

Perfect para sa family gatherings at barkada getaways, ang Nature’s Villa Private Resort ay may modernong accommodation na may malawak na swimming pool at relaxing outdoor lounge area. Pwedeng mag-enjoy sa kanilang poolside habang nagkakantahan sa videoke o nag-iihaw ng pagkain.

No. of Guests: 10-20 guests
Rooms: 3-5 bedrooms
Price per night: Starts at ₱10,000

Para sa iba pang detalye, i-click lamang ito.

25. The Retreat House

Location: Miramonte Heights, Brgy 180, Caloocan City

Kung gusto mo ng escape mula sa stress ng siyudad, swak ang The Retreat House. May minimalist design ito at preskong ambiance na napapalibutan ng greenery—perfect para sa unwinding, meditation, o simpleng getaway kasama ang pamilya o kaibigan.

No. of Guests: 6-12 guests
Rooms: 2-4 bedrooms
Price per night: Starts at ₱8,000

Para sa iba pang detalye, i-click lamang ito.

Sinulat ni

Mach Marciano