Isang bagong bill ang fi-nile para mapatagal na pang habang-buhay ang PSA birth certificate validity. Ito ay upang matulungan ang pag-require ng mga opisina, gobyerno o pribado, sa paghingi ng bagong birth certificate.
Ang namuno sa pag-file ng nasabing bill ay si Senator Ralph Recto. Siya rin ang nagpasa ng bill para sa pagpapahaba ng bisa ng mga passports. Para sa kaniya, ang paghingi ng mga opisina ng bagong PSA birth certificate ay hindi kinakailangan, magastos at mapang-api. Ayon pa dito, ang laging pagkuha ng bagong birth certificate ay dagdag lamang sa gastusin at pahirapan pa sa pagkuha.
Sa ilalim ng naturang bill, isinasaad na ang birth certificate mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) ay hindi nawawalan ng bisa at maaaring gamitin ano mang oras. Ngunit, mayroon parin itong nabubukod, tulad ng mga birth records na nagkaroon ng pagbabago mula sa Republic Act 9048 at 10172.
PSA birth certificate validity
Sa kasalukuyan, ang PSA ay sumisingil ng P155 para sa authenticated na kopya ng birth certificate. Nagiging P365 din ito para ma-deliver sa nanghingi. Ang mga PSA birth certificates na ito ay naka-print sa security paper na tinatawag na SECPA.
Hindi naman siniraan ni Recto ang PSA. Ayon sa kanya, malinaw na ipinapaliwanag ng ahensiya na walang petsa ng pag-expire ang mga birth certificates nito.
Ngunit, kahit pa man may sinabing ganito ang PSA, hindi nito napipigilan ang mga opisina na humihingi ng PSA birth certificates na wala pang 6 na buwan nang na-issue. Kabilang na dito ang mga embahada ng iba’t ibang bansa na nire-require ang mga aplikante ng visa na mag-sumite ng PSA birth certificate nang hindi lalagpas sa dalawang taon mula sa issuance date.
Idinagdag din ni Recto na kahit panagbago-bago na ang itsura ng SECPA para maiwasan ang pekeng panggagaya, hindi pa rin nawawalan ng bisa ang mga lumang birth certificates.
Source: Phil Star
Basahin: Alamin: Proseso ng pagkuha ng birth at iba pang certificates mula sa NSO
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!