Kahapon lang ay kumalat ang naging pahayag ng Ateneo bully tungkol sa insidenteng kaniyang kinasangkutan. Ngunit umani ng maraming reaksyon at pagbatikos ang kanilang sinabi na ito, lalong-lalo na sa ilang mga celebrity.
Para sa kanila, nakakadismaya raw ang naging kaniyang sinabi. Ito ay dahil parang wala daw sinceridad ang paghingi ng tawad ng ina at ng kaniyang anak.
Ano ang masasabi ng mga celebrity sa naging pahayag ng Ateneo bully?
Kahapon ay ibinahagi ng comedian, radio host, at talent manager na so Ogie Diaz ang kaniyang saloobin tungkol sa issue ng bullying sa Ateneo. Tila na-disappoint si Ogie sa ginawang paghingi ng patawad ng mag-ina sa TV.
Heto ang naging post ni Ogie sa Facebook:
Source: Facebook.com
Aniya, tila hindi ganoong ka-sincere ang naging pahayag ng mag-ina. Sana raw ay simpleng paghingi na lamang ng patawad ang kanilang ginawa, sa halip na dinepensahan pa ang nangyari.
Dagdag pa ni Ogie, hindi lang naman daw iisa ang video na kumalat, kundi tatlo.
Pati ang aktres na si Ynez Veneracion ay hindi napigilang maglabas ng kaniyang saloobin sa post ni Ogie. Heto naman ang kaniyang comment:
Source: Facebook.com
Ayon kay Ynez, sang-ayon siya kay Ogie na parang walang sincerity sa pahayag ng Ateneo bully at ng kaniyang ina. Dagdag pa niya na parang mayabang pa raw ang ina nang sinabing dapat raw ay intindihin ang kaniyang anak.
Bukod dito, sinabi pa ni Ynez na kitang-kita raw na hindi dinidisiplina ng ina ng maayos ang kaniyang anak.
Heto naman ang mga naging comment ng PBB alumni na si Fourth Pagotan, at si Direk Joey Javier Reyes sa post ni Ogie:
Source: Facebook.com/Ogie Diaz
Source: Facebook.com/Ogie Diaz
Ayon kay Direk Joey, tila hindi raw inaako ng estudyante ang kaniyang nagawang pambubully.
Mahalagang turuan ang mga bata na maging responsable sa kanilang pagkakamali
Kahit sinong tao naman siguro ay mahihirapan pagdating sa pag-ako ng kanilang mga pagkakamali. Siyempre, mahirap sabihin na ikaw mismo ay may ginawang mali, o masama, at mahirap ding magpakumbaba at tanggapin ang kinahinatnan ng iyong pagkakamali.
Ngunit gayunpaman, mahalagang ituro sa mga bata na kailangan nilang maging responsable sa kanilang mga gawain. Hindi puwedeng hayaan lamang natin sila kapag nagkakamali, at mahalagang maintindihan nila ang epekto ng kanilang ginawa.
Heto ang ilang mga tips para maturuan ang mga bata na maging mas responsable:
- Kapag may ginawang mali ang iyong anak, ipaalam sa kanila kung bakit ito mali, at hindi na nila ito dapat ulitin.
- Turuan silang akuin ang kanilang pagkakamali, at huwag gumawa ng excuses o magsinungaling para pagtakpan ang kanilang ginawa.
- Bilang magulang, mahalaga ring maging mabuting ehemplo sa iyong anak. Kailangang matuto ring magpakumbaba ng mga magulang, at aminin kapag sila ay nagkamali.
- Ituro sa iyong anak ang kahalagahan ng pagiging mapagpakumbaba, at pagiging responsable sa kanilang mga ginagawa.
- Ipaalam din sa iyong anak na okay lang magkamali. Walang taong perpekto, at normal lang para sa lahat ang magkamali. Ang mahalaga ay matuto mula sa mga pagkakamaling ito.
- Turuan silang humingi ng patawad, at maging sincere sa paghingi nito. Ang paghingi ng tawad ay kinakailangang bukal sa puso, at dapat matutong magtanda ang mga bata kapag may ginawa silang pagkakamali.
- Iparamdam sa iyong anak na ikaw ay kanilang maasahan at handa mo silang suportahan sa anumang pagsubok sa kanilang buhay, ngunit hindi mo papalampasin ang kanialng mga pagkakamali.
Source: Inquirer
Basahin: Ateneo bully: “Para sa akin, hindi bullying ‘yong ginawa ko…”
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!