Nagsalita na sa wakas ang tinaguriang Ateneo bully tungkol sa mga insidenteng kinasangkutan niya na nakuhanan ng video. Ang isa sa pinaka-nag-viral sa mga naturang videos ay ang kuha kung saan naging duguan ang kapwa estudyante matapos itong pagsusuntukin at pagsisipain ng naturang Ateneo bully.
Mabilis na kumalat ang diumanong Ateneo bullying incident sa social media. At di kalaunan ay naglabas na ng desisyon ng Ateneo de Manila University na i-dismiss ang tinaguriang Ateneo bully mula sa paaralan. Ang ibig sabihin raw nito ay hindi na maaaring makatapak muli ang bata sa eskwelahan.
Sa isang panayam sa GMA News, humarap ang Ateneo bully at ang kaniyang ina upang ilabas ang kanilang panig at saloobin tungkol sa isyu. Una ng humingi ng tawad ang nanay ng bata.
“I would like to apologize for the action of my son. Sa nasaktan niya, sa school, kung na-drag man ang school sa isyu na ito, I apologize. Pero gusto ko rin hingin ‘yong understanding ng tao, na bata ‘tong anak ko, e.”
Matapos kasing mag-viral ng videos, umani ito ng maraming komento mula sa mga netizens. Nakatanggap ang bata, pati ang pamilya nito, ng pamba-bash at threats na sasaktan siya pati ang pamilya niya.
“I just wish na hindi nila sinabi ‘yong sinabi nila in the first place,” pahayag ng tanaguriang Ateneo bully. “Kasi ‘yong sinasabi nila na in-attack ko daw sa bathroom ‘yong guy, e sabay nga kami pumasok. I was just defending myself. Hindi naman ako nambu-bully for no reason.”
Ateneo bully: “Hindi naman bullying ‘yong ginawa ko…”
Nauna nang nagbigay ng pahayag kahapon ang kaibigan ng Ateneo bully at pinabulaanan na ang Ateneo bully ang nagsimula ng away sa restroom video. Ayon dito ay binangga daw ng biktima at hinamon ng suntukan ang Ateneo bully.
Ito rin ang pinapanindigan na version ng istorya ng tinaguriang Ateneo bully.
“Noong last period, sabi niya gusto daw niyang makipagsuntukan mamaya. Sabi ko, ‘Sige, mamayang dismissal.’ Tapos noong dismissal nga, pumunta kami sa C.R. t’as umihi siya, tapos nagsasalita ako, tapos ‘yong nangyari sa video.”
(Makikita sa restroom video na umiihi ang biktima sa isang stall. Pinapili siya ng Ateneo bully, “Bugbog o dignidad.” Dagdag pa nito, “Kasi kung pinili niya dignidad, papaluhudin ko siya, tapos hahalikan niya ang pareho kong sapatos, tapos papahalik ko ‘yong bayag ko. Pero kung gusto niyang bugbog, lets go!” Sumunod ang sunud-sunod na pagsuntok at pagsipa ng Ateneo bully sa biktima. Nagtapos ang video na kitang duguan ang mukha ng biktima.)
Depensa ng tinaguriang Ateneo bully: “Para sa akin, hindi naman bullying ‘yong ginawa ko because I was also defending myself naman in a way. Kaso nga lang in the video, mukhang ako talaga ‘yong mas aggressive. Pero before that, hindi naman nila alam kung ano ‘yong nangyari.”
Nang tanungin ng reporter na si Arnold Clavio kung ano ang nararamdaman niya habang ginagawa niya ‘yon sa biktima, sagot ng junior high student: “Nilalabas ko lang ‘yong inis ko sa kaniya kasi ‘tapos na nga ‘yong problema ‘tapos hinamon mo pa ako ng suntukan no’ng last subject.”
Ngunit aminado naman ang estudyante na mali ang ginawa niya, “Yeah, hindi ako dapat nag-react ng ganoon ka-violent.”
“That was just a joke…”
Ngunit hindi lang ang restroom video ang kumalat. Mayroon ding isa pang video na nagpapakita na nakikipag-suntukan din ang junior high student sa isa pang estudyante.
“Iyong isang suntukan na video, kaibigan ko ‘yon ‘tapos nagka-away lang kami,” paliwanag niya. “Nagka-isyu lang kami, e. Pero after kami nag-away, bati na ulit kami. Close friend ko ‘yong naka-away ko na ‘yon.”
Tungkol naman sa isa pang video kung saan inutusan niya ang isa pang estudyante na sabihin na “Bobo ako,” at pinahalikan niya ang kaniyang sapatos dito, ito naman daw ay katuwaan lang ng magkakaibigan.
“That was just a joke na dapat sa’min-sa’min lang, sa mga friends. It was just for fun. Kaso nga lang, it looked bad kaya nagamit din nila ‘yon against me.”
Kasalukuyan ay sumasailalim ang naturang Ateneo bully sa counseling sa isang psychologist.
Ngunit kahit na lumabas na ang version ng istorya ng Ateneo bully, hindi raw ito nabigyan ng timbang ng kumite na nag-imbestiga sa insidente at nag-labas ng desisyon na tanggalin ang bata sa paaralan.
“Hindi kasi enough na salita ‘yong malungkot, ‘yong devastated, kulang ‘yon to describe how we felt. Kasi nga, parang pangarap ng mga magulang sa anak, ‘yon ‘yong ‘pinutol nila sa amin.”
Mapapansin sa umere na interview na ang nanay lamang ng bata ang humingi ng apology at hindi ang mismong Ateneo bully.
Panoorin ang buong panayam dito:
Paano maiiwasan ang bullying kung ang anak mo ang bully?
Madalas ay pinoproblema ng mga magulang ang pagkakaroon ng bully ng kanilang mga anak. Ngunit hindi gaanong napag-uusapan kapag ang mismong anak nila ang bully sa ibang mga bata.
Siguro ay mahirap para sa ibang magulang na tanggapin na nang-aaway o nananakit ang kanilang anak, kaya hindi ito gaanong natatalakay. Pero mahalagang alamin ng mga magulang kung paano didisplinahin ang kanilang anak na bully. Heto ang ilang mga paraan:
- Ipaalam sa iyong anak kung ano ang bullying, at bakit ito hindi dapat ginagawa.
- Ipaunawa mo sa kaniya ang epekto nito sa ibang bata, at kung ano ang nararamdaman ng mga batang binubully nila.
- Bantayang mabuti ang mga kaibigan at barkada ng iyong anak, dahil baka napapasama siya sa mga hindi mabubuting kaibigan.
- Alamin kung biktima ng bullying ang iyong anak. May mga pagkakataon kung saan ang bully ay siya ring biktima ng bullying. Baka ito ang dahilan sa mga aksyon ng iyong anak.
- Kausapin ang iyong anak at alamin kung mayroon ba silang problema sa school. Minsan ang bullying ay epekto ng pagkakaroon nila ng emotional problem.
- Disiplinahin ang iyong anak, pero huwag silang saktan o sigawan. Mahalagang ituro sa kanila kung ano ang tama, at hindi basta parusahan dahil sa nagawang kasalanan.
Sources: GMA News, ANC, Rappler
Basahin: Kaklase pinagtanggol ang Ateneo bully
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!