X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Ateneo bully, na-kick out na sa eskwelahan

2 min read
Ateneo bully, na-kick out na sa eskwelahan

Sa isang pahayag ng presidente ng paaralan, sinabi nito na napagdesisyunan nila na i-kick-out na ang Ateneo bully na nasa viral video.

Naglabas na ng pahayag ang Ateneo de Manila University ukol sa desisyon nito sa naturang Ateneo bully na nakuhanan ng video na nananakit ng ka-eskwela sa comfort room ng paaralan. Ayon sa presidente ng paaralan na si Fr. Jet Villarin SJ, matapos ang kanilang imbestigasyon, napag-desisyunan ng eskwelahan na papatawan ng "dismissal" ang naturang estudyante. Ang ibig sabihin daw nito ay hindi na maaaring bumalik ang naturang Ateneo bully sa paaralan.

Dagdag ni Fr. Jet sa kaniyang statement na nakausap niya ang pamilya ng Ateneo bully at ng biktima sa naging desisyon ng paaralan.

"I have spoken to the parents of both students about this decision and have offered the families continued support to help them overcome this difficult time."

Patuloy pa rin daw ang imbestigasyon tungkol sa "other matters involved in the incident." Hindi man malinaw kung ano ang "other matters," inaasahan din ng publiko ang pag-imbestiga sa mga nag-video at naging witness sa insidente—pati na rin ang ibang videos na lumabas ng pananakit ng Ateneo bully sa iba pang estudyante.

"We acknowledge that this incident has inflicted widespread and profound pain not only on the persons involved and their families, but on each member of our community as well," dagdag pa niya.

Nanawagan din ang pari: "We have the power to amplify the pain by simply fanning the flames of hatred and violence, by fighting fire with fire. Our young ones cannot escape all this unscathed. They are the ones most wounded by our violent words and example."

Ateneo stand against bullying

Bukod sa resulta ng imbestigasyon tungkol sa Ateneo bully, nagbigay din si Fr. Jet ng pahayag tungkol sa stand ng Ateneo laban sa bullying.

"There are already policies and processes codified in the Student Handbook, all in accord with existing legislation, but we still need to ensure that these policies and processes as well as the values they promote are internalized by all members of the community."

Nagtalaga raw ang paaralan ng "Task Force" upang imbestigahan ang "current situation" upang mapaigting pa ang kampanya ng eskwelahan laban sa bullying at ma-prevent ang "culture of silence," kung saan pinipili ng mga biktima at witness na manahimik na lang imbis na isumbong ang mga insidente ng bullying dahil sa takot ng "retaliation or censure."

Narito ang kabuoan ng pahayag ng Ateneo:

ateneo bully

Partner Stories
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

 

Basahin: Mag-aaral ng Ateneo high school nahuli sa video na binubugbog ang mga kaklase

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • Ateneo bully, na-kick out na sa eskwelahan
Share:
  • Ilang libong halaga ng pagkain at gamit pina-deliver sa "bahay" ng Ateneo bully

    Ilang libong halaga ng pagkain at gamit pina-deliver sa "bahay" ng Ateneo bully

  • Ateneo bully: "Para sa akin, hindi bullying 'yong ginawa ko..."

    Ateneo bully: "Para sa akin, hindi bullying 'yong ginawa ko..."

  • Aubrey Miles sinisi ang sarili sa autism ng kaniyang anak: "As a mom parang ako ba to? What did I do?"

    Aubrey Miles sinisi ang sarili sa autism ng kaniyang anak: "As a mom parang ako ba to? What did I do?"

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

  • Ilang libong halaga ng pagkain at gamit pina-deliver sa "bahay" ng Ateneo bully

    Ilang libong halaga ng pagkain at gamit pina-deliver sa "bahay" ng Ateneo bully

  • Ateneo bully: "Para sa akin, hindi bullying 'yong ginawa ko..."

    Ateneo bully: "Para sa akin, hindi bullying 'yong ginawa ko..."

  • Aubrey Miles sinisi ang sarili sa autism ng kaniyang anak: "As a mom parang ako ba to? What did I do?"

    Aubrey Miles sinisi ang sarili sa autism ng kaniyang anak: "As a mom parang ako ba to? What did I do?"

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.