Isang larawan ng mag-aaral na nagpapakita ng pagka pursigido mag aral ang nag-viral sa social media. Sa post ni Sha Lim Pua, makikita ang mag-aaral na tulog habang may hawak na sampaguita at libro.
Ayon kay Pua, ang kinunan niya ang bata sa patio ng Metropolitan Cathedral of San Sebastian sa Lipa City, Batangas. Nang kanyang makita ang bata, na-antig ang kanyang puso at naramdaman paghihirap ng isang working student. Sa simpleng larawan na ito, makikita mo ang kagustuhan ng bata na makapag-tapos ng kanyang pag-aaral. Dahil nga dito ay hiniling ni Pua na mabigyan ng scholarship ang bata at na malayo ang marating nito.
Cedrick Rebolado, ang batang pursigido mag-aral
Ang nasabing bata sa larawan ay napag-alaman na si Cedrick Rebolado, 9 taong gulang. Si Rebolado ay ang bunso sa walong magkakapatid mula sa ina na si Jocelyn. Sa kanilang magkakapatid, siya nalang ang nag-aaral dala ng kahirapan. Ayon sa kanyang ina, kinailangang huminto sa pag-aaral ng 2 niya pang anak dahil sa kakulangan nila.
Ayon kay Rebolado, kakagaling niya lang nun sa paaralan. Maraming ipinagawa ang guro nila nung araw na iyon at mayroon din silang exam. Matapos sa paaralan, dumiretso siya sa patio para tulungan ang kanyang ina sa pagbenta ng sampaguita. Nagbabasa siya ng libro habang nag-aantay ng bibili at dito na nakatulog dala ng kanyang pagod.
Mahilig magbasa
Nakaugalian na ng bata ang magbasa ng libro habang nag-aantay ng mga bibili. Sa totoo, mahilig talaga siyang magbasa ng libro ayon sa kanyang kaibigan na si Mark Ken. Sa kahiligan nitong magbasa ng libro, madalas siyang makikitang nagbabasa sa paligid ng patio. May mga panahon din talaga na nakakatulog ito sa libro.
Naging emosyonal naman ang ina ni Rebolado nang malaman na kumalat ang larawan ng kanyang bunso. Laking tuwa niya na nakikilalang inspirasyon ng mga tao ang kanyang anak. Ayon sa kanya, nais niya lamang na mapagtapos sa pag-aaral ang kanyang anak.
Aahon sa kahirapan
Pursigido mag aral si Rebolado dahil sa kanyang pangarap na gamitin ang kanyang pag-aaral upang maiahon sa kahirapan ang kanyang pamilya. Ito ang kanyang pangako sa sarili.
Source: ABS-CBN News
Basahin: Mga benepisyo ng pagbabasa sa mga bata ayon sa mga pag-aaral
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!