Ating sagutin ang katanunang “Puwede bang uminom ng antibiotic ang mga nagpapadede?”
Kahalagahan ng breast milk sa newborn child
Isa sa pangangailangan ng isang bagong silang na baby ang gatas ng kaniyang ina. Mahalaga ito sa kaniyang paglaki dahil ang breastmilk ay naglalaman ng importanteng nutrients na sa gatas lang ng ina nakukuha at nakikita.
Ang breastfeeding ay imporante hindi lang para kay baby kundi pa na rin kay mommy. Ngunit ano nga ba ang mga benepisyong makukuha sa gatas ng ina?
1. Ang breastmilk ay naglalaman ng importanteng antibodies
Ang gatas ng ina ay mayaman sa immunoglobulin A na nakakatulong para maiwasan ni baby ang mga bacteria at virus. Napoprotektahan ng immunoglobulin A ang sanggol sa pamamagitan ng paggawa ng protective layer sa ilong, lalamunan at digestive system ng bata.
2. Ang breastmilk at kailangan sa pagpapalaki ng bata
Ang gatas ng ina ay naglalaman ng iba’t ibang importanteng ingredients para sa development at paglaki ni baby. Espesyal ang breastmilk dahil rito lang nakukuha ni baby ang mga bagay na kailangan niya sa kanyang paglaki. Kaya naman payo ng mga eksperto na ang pagpapasuso ay kailangang ugaliin ng ina lalo na sa loob ng 6 months o 1 year ni baby.
Ang gatas ng ina ay naglalaman ng yellowish fluid na tinatawag na colostrum. Mayaman sa protina at mababa sa sugar ang colostrum na matatagpuan sa breastmilk.
3. Mapoprotektahan si baby sa sakit
Ang maganda pa sa gatas ng ina ay kaya nitong maprotektahan ang iyong anak laban sa iba’t ibang uri ng sakit. Narito ang ilan sa kanila:
- Sudden infant death syndrome (SIDS)
- Allergic diseases
- Diabetes
- Childhood leukemia
- Ear infections
- Respiratory infections
Bukod pa rito, ang breastfeed para kay baby ay makakatulong para mapanatali ang maganda at healthy nitong pangangatawan. Maiiwasan din ang obesity o labis na katabaan sa kaniyang edad.
Dagdag pa rito, nakakatalino rin ang gatas ni mommy!
Kaya naman payo ng mga eksperto, mas maganda ang breastfeed kay baby sa loob ng atleast 1 year. Makakatulong ito sa kaniya at siyempre para sa iyo mommy. Ang pagpapasuso ay maaaring makatulong sa ‘yo para mabawasan ang iyong timbang.
Ngunit hindi during breasfeeding days, hindi maiiwasan na magkasakit si mommy at ang kaniyang worry ay puwede bang uminom ng antibiotic o iba pang gamot habang nagpapadede siya? Isa sa mga gamot na kadalasang iniinom ay ang antibiotics na kailangan sa sinus infection, dental procedure o iba pang uri ng sakit.
Puwede bang uminom ng antibiotic at iba pang gamot ang nagpapadede?
Ayon sa National Library of Medicine, safe naman na uminom ng antibiotic ang mga breastfeeding moms katulad ng penicillins, aminopenicillins o clavulanic acid. Ang mga ito kasi ay mababa ang dosage at compatible sa mga lactating moms.
“The use of most antibiotics is considered compatible with breast feeding. Penicillins, aminopenicillins, clavulanic acid, cephalosporins, macrolides and metronidazole at dosages at the low end of the recommended dosage range are considered appropriate for use for lactating women.”
Ang antibiotics ay ang karaniwang binibigay na gamit para sa mga nanay. Lagi lang tatandaan na lahat ng iniinom na gamot ay napupunta sa bloodstream at gatas ng ina na nagpapasuso. Wala namang dapat ikabahala dahil mas mataas ang porsyento na napupunta sa bloodstream kaysa sa breastmilk.
Ngunit laging tatandaan mommies, kung ikaw ay kasalukuyang nagpapasuso at bigla kang nagkasakit, kailangan mo munang pumunta sa iyong doktor at humingi ng abiso kung ano ang dapat mong inumin na gamot. Makakatulong ang iyong doktor para mabigyan ka ng tamang reseta dahil alam nito ang iyong kalagayan.
Isa sa risk ng self medication ay maaaring magdulot seryosong kumplikasyon sa iyong baby.
Mga ligtas na antibiotics sa breastfeeding moms
Nakadepende pa rin ang pag-inom ng antibotics sa edad, timbang at overall health ng iyong baby. Kaya naman mas makabubuti kung magpakonsulta muna sa iyong doktor para makasigurong safe ang antibiotic na iinumin.
Ilang antibiotic na safe sa lactating mom:
- Penicillins katulad ng amoxicillin o ampicillin
- Cephalosporins katulad ng cephalexin
- Fluconazole
Ang main purpose ng pag-inom ng antibiotic ay ang pagpatay ng bacteria na kasalukuyang nasa loob ng katawan mo. Ngunit ito ay may dalang ‘uncomfortable moment’ kay mommy at baby.
BASAHIN:
Help! Bakit nagbago ang kulay ng breastmilk ko?
Safe ba na uminom ng Enervon Multivitamins ang breastfeeding mom?
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.