Ikaw ba ay isang PWD o may kilalang PWD? Kapag ang kanilang sakit ay napapabilang sa PWD list of disabilities, maaari na silang makakuha ng PWD ID. Ito ay ayon sa RA 9442 o Magna Carta for Disabled Persons. Naglabas ang National Council on Disability Affairs ng mga alituntunin sa pagkuha ng PWD ID. Nagawa nila ito sa tulong ng Department of Health, Department of Social Welfare and Development, at Department of Interior and Local Government.
PWD list of disabilities at iba pang kwalipikasyon
Upang maiwasan ang mga pangaabuso sa PWD ID na ito, may ilang kwalipikasyon upang malaman kung karapat dapat makakuha nito. Mabibigyan lamang nito kung ang disability ay isa sa mga sumusunod:
- Psychosocial disability
- Disability dahil sa panghabang buhay na sakit
- Learning disability
- Mental/intelektuwal na disability
- Visual disability
- Orthopedic (musculoskeletal) disability
- Hearing disability
- Speech impairment
Para mapatunayan ang disability, kakailanganin ng kumpirmasyon mula sa isa sa mga sumusunod:
- Sino man na maaaring magpatunay ng disability
- School Assessment mula sa lisensiyadong guro na may pirma ng Principal
- Certificate of Disability
- Apparent Disability Medical Certificate mula sa lisensiyado na pribadong physician o mula sa gobyerno
- Non-Apparent Disability Medical Certificate mula sa lisensiyado na pribadong physician o mula sa gobyerno
Application form
Upang makapag-file ng application para sa PWD ID, kailangan munang fill-upan ang PWD-Registration Form. Maaaring magtungo sa mga sumusunod para makakuha ng nasabing registration form:
- Office of the Mayor
- Opisina ng Barangay Captain
- Nasasakupang tanggapan ng NCDA
- Mga opisina ng DSWD
- Mga lumalahok na organisasyon ayon sa Memorandum of Agreements sa DOH
Maaari rin itong makuha online, i-click lamang dito.
Pag-sumite ng mga requirements
Kumpletuhin ang mga kailangang dokumento na nagpapatunay ng disability. Fill-upan ang PWD registration form at lagyan ng 1×1 na ID picture na may lagda o thumbmark sa likod. Samahan ito ng isang kopya ng kumpirmasyon ng disability.
Maaaring ipasa ang mga dokumento sa opisina ng Mayor o Barangay Captain na nakakasakop sa inyong lugar. Dito nila susuriin at kukumpirmahin ang kondisyon o disability. Sila ang mag-aassign ng PWD ID number at magi-issue ng PWD ID sa mga papasa sa pagsusuri.
Matapos makakuha ng PWD ID, ang opisina na ng Mayor o Barangay Captain ang magpapasa ng mga dokumento sa Social Welfare Development Office para sa encoding.
Libre ang unang beses na pagkuha ng PWD ID. Maaari itong gamitin para sa nakalaan na 20% discount at iba pang benepisyo para sa mga PWD. Ito ay may bisa na hanggang 3 taon ngunit ang renewal dahil sa expiration o iba pang rason ay may bayad na.
Source: National Council on Disability Affairs
Basahin: P500 monthly allowance para sa solo parents, senior citizens, PWD, at Grade 12 students
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!