Maxi-peel: Safe ba sa buntis at breastfeeding mom?

Narito kung bakit dapat mo na munang iwasan ang paggamit ng Maxi peel kung ikaw ay nagdadalang-tao.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pwede ba sa buntis ang Maxi peel? At safe din ba ito sa mga nagpapasusong ina. Alamin dito ang sagot.

 

 

 

 

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Pwede ba sa buntis ang Maxi peel?

Ang Maxi Peel ay isa sa mga pamputing produkto na tinatangkilik ng marami sa ating mga Pilipino. Lalo pa’t ang mga endorser nito ay mga sikat at nag-gagandahang artista na may kutis porselana. Kaya naman mas maraming Pinay pa ang nagnanais at nai-enganyo na sumubok gumamit sa produktong ito. Ngunit safe ba ito sa lahat ng kababaihan? Partikular na sa mga buntis at nagpapasusong ina?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon sa impormasyon mula sa website ng manufacturer ng maxi peel at makikita rin sa mismong packaging nito, ang Maxi Peel ay isang exfoliant na kombinasyon ng active ingredient na tretinoin at hydroquinone. Ang tretinoin na kilala rin sa tawag na all-trans retinoic acid ay isang medikasyon na ginagamit upang lunasan ang mga acne sa balat. Habang ang hydroquinone naman ay ginagamit bilang skin lightening agent o pamputi.

Image from Freepik

Epekto ng paggamit ng Maxi peel kay baby

Pero babala ng website ng drugs.com, ang hydroquinone ay hindi safe para sa mga buntis. At ito ay kabilang sa pregnancy category C ng US FDA. Ito ay nangangahulugang napatunayan ng mga pag-aaral na ito ay nagdulot ng birth defects sa mga hayop. Bagamat wala pang ebidensya o patunay na maaring maging pareho ang epekto nito sa mga tao.

Sa kabila nito babala naman ng isang pag-aaral na nailathala sa US National Library of Medicine, hangga’t maari ay dapat iwasan ito ng mga babaeng nagdadalang-tao at napapasuso. Dahil ang hydroquinone ay na-aabsorb ng balat ng 35%-45% at ito ay maaring humalo sa bloodstream. Ito ay maaring mapunta sa sanggol na nasa sinapupunan o masuso ng sanggol mula sa kaniyang ina.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Habang ang tretinoin naman na isang retinoids ay mahigpit na ipinagbabawal ding gamitin ng mga buntis. Ito ay ayon sa MedSpa na isang skin care clinic sa Canada. Dahil ito ay isang form ng vitamin A na nagpapabilis ng cell division na madalas na ginagamit para sa anti-aging at acne cream. Kaya naman ito ay maaring makaapekto rin sa normal na development ni baby. Paglilinaw ng MedSpa ang vitamin A ay hindi masama sa katawan. Ngunit ito ay maaring magdulot ng hindi magandang epekto kung ito ay sobra.

Sinuportahan naman ito ng apat na pag-aaral na inilathala sa US National Library of Medicine na nagsabing may mga birth defects ang naitala na may kaugnayan sa paggamit ng tretinoin ng mga babae.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Freepik

Paalala ng mga eksperto

Ngunit hindi ibig sabihin nito na lahat ng mga skin lightening products ay masama na para sa mga buntis. May mga produkto parin namang safe para sa mga babaeng nagdadalang-tao. Pero dagdag na paalala ng mga eksperto mabuting iwasan munang gumamit nito sa unang tatlong buwan ng pagbubuntis. Dahil ito ang mga panahon kung saan nagsisimula ang pagbuo ng mga vital organs sa katawan ni baby.

Habang ayon naman kay Dr Ashwini Nabar, isang expert obstetrician at gynecologist, kung nagnanais gumamit ng mga skin lightening o whitening products habang nagdadalang-tao ay mga bagay na dapat tandaan ang mga babae. Ito ay ang sumusunod:

  • Tingnang maigi ang ingredients label ng produktong bibilhin o gagamitin. Kung taglay nito ang sinasabing dalawang ingredients ay huwag itong gamitin. Ganoon din kapag walang nakasaad ng ingredients list ang gagamiting produkto.
  • Basahing maigi ang instructions na nakasaad sa pakete o botelya ng gagamiting bleaching product.
  • Laging magsagawa ng patch test bago gumamit ng bleaching product. Ito ay upang ma-check muna kung magdudulot ito ng iritasyon sa iyong balat. Itigil ang paggamit nito sa oras na makakaranas ng kahit anong reaksyon ang balat.
  • Huwag gumamit ng bleach sa maga o may sugat na balat.
  • Bumili lang mga produktong medically approved o mabibili sa mga mapagkakatiwalaang drugstores o seller.
  • Gumamit ng natural alternative.
  • Kumonsulta o magtanong muna sa iyong doktor bago gumamit ng kahit anumang produkto sa iyong katawan kung nagdadalang-tao at nagpapasuso.

Source: Drugs.com, Daily Pedia, NCBI, Splash Corporation, Medspa, Baby Center

Basahin: 13 beauty products na bawal sa buntis

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement