Kailan maaaring uminom ng pills pagkatapos manganak?
Narito ang mga postpartum birth control methods na maaring pagpilian ng bagong panganak na babae at ang tamang panahon kung kailan maaring simulan ito. | Photo source: Freepik
Pwede ba uminom ng pills kahit hindi pa dinadatnan pagkatapos manganak? Narito ang sagot at ang iba pang birth control after pregnancy no period options o methods na maaring gamitin kahit hindi pa dinadatnan ng menstruation.
Talaan ng Nilalaman
Birth control after pregnancy: Pwede ba uminom ng pills kahit hindi pa dinadatnan?
Kailan ba pwedeng uminom ng pills matapos manganak?
Para ma-kontrol ang pagbubuntis, ipinapayong gumamit ng contraceptive o birth control method ang isang babaeng bagong panganak.
Pero bago ito maisagawa ay may mga factors na kailangan munang pag-isipan. Tulad ng anong uri ng contraceptive method ba ang nararapat na gamitin at kung kailan ba ito dapat simulang gawin.
Pwede na ba uminom ng pills kahit hindi pa dinadatnan ng mens after delivery?
Isa nga ang contraceptive pill na ginagamit ng maraming babae sa mundo. Dahil sa ito ay napatunayang 99.9% effective basta tama ang pag-inom nito.
Pero ang tanong ng maraming babae, kailan ba dapat magsimulang uminom ng contraceptive pills pagkatapos manganak? Pwede na ba uminom ng pills kahit hindi pa dinadatnan? At safe ba itong inumin ng mga babaeng nagpapasuso?
Pwede ba uminom ng pills kahit hindi pa dinadatnan pagkatapos manganak?
Ayon sa Planned Parenthood Org, ang pagsisimula ng pag-inom ng birth control pills ng mga babaeng bagong panganak ay nakadepende sa uri ng pills na kanilang gagamitin.
Kailan ba pwede uminom ng pills kung hindi pa dinadatnan?
Kung hindi nagpapasuso at ang gagamitin ay progestin-only pills ay maaari na nila itong simulan anumang oras pagkapanganak. Kapag ito naman ang gagamitin at nagbrebreastfeed ay kailangang mag-antay na makalipas ang anim ng linggo pagkapanganak bago gumamit nito.
Kung ang napili naman nila ay combination pills at hindi nagpapasuso ay maari na silang magsimulang uminom nito 3 linggo matapos makapanganak.
Pero kung sila ay nagpapasuso ay kailangan nilang maghintay na lumipas ang anim na linggo. Ito ay dahil ang combination pills ay maaring makaapekto sa supply ng kanilang breastmilk at pagpapasuso.
Dahil paliwanag ng health experts, ang mga babaeng bagong panganak ay fertile dalawang linggo bago sila datnan ng kanilang regla o monthly period. Madalas ang kanilang regla ay dumadating anim na linggo o tatlong buwan pagkatapos manganak.
Ito ay maaring ma-delay depende sa kung ang isang babae ay eksklusibong nagpapasuso o kaya naman ay nagmi-mix feed gamit ang formula milk. Sa loob ng mga panahong ito pinapayong gumamit na ng birth control method ang isang babaeng bagong panganak.
Mayroon man siyang regla o wala. Ito ay upang makasigurado na siya ay protektado sa hindi inaasahan o magkasunod na pagbubuntis. Kaya ang tanong sa kung pwede ba uminom ng pills kahit hindi pa dinadatnan pagkatapos manganak ay oo.
Kaya ang sagot ng expert sa tanong na pwede ba uminom ng pills kahit hindi pa dinadatnan matapos manganak ay, OO! Pwede! PERO…
Yes, pwedeng uminom ng contraceptive pills kahit hindi pa dinadatnan matapos manganak, pero importante itong ikonsulta sa iyong OB-GYN o healthcare provider. Karaniwan, ina-advise ng mga doktor na maghintay ng ilang linggo pagkatapos manganak bago magsimula ng birth control, lalo na kung breastfeeding ka, dahil may mga uri ng pills na pwedeng makaapekto sa supply ng gatas. Ang **progestin-only pills** (mini pills) ay kadalasang nirerekomenda para sa breastfeeding moms dahil hindi ito nakakaapekto sa gatas kumpara sa kombinasyon ng estrogen at progestin pills.
Makabubuti na humingi ng gabay mula sa iyong doktor upang masigurado na angkop ang pills sa iyong kalagayan at layunin sa birth control.
Hindi lahat ng babae ay maaring uminom o gumamit ng contraceptive pills
Tandaan na hindi lahat ng babaeng bagong panganak ay maaring gumamit o uminom ng contraceptive pills. Bagamat ito naman ay ligtas sa nakararaming babae, hindi naman ito inirerekomenda sa mga babaeng nakakaranas ng sumusunod na kondisyon.
Sapagkat sa ang pag-inom nito ay maaaring magdulot pa ng dagdag na komplikasyon o hindi magandang epekto sa kanilang kalusugan.
Pwede ba uminom ng pills kahit hindi pa dinadatnan? Ang mga babaeng hindi ipinapayong uminom ng contraceptive pills ay ang sumusunod:
- May blood clots sa braso, binti at baga
- May serious heart o liver disease
- Mayroong cancer sa suso o matris
- Mayroong uncontrolled high blood pressure
- Nakakaranas ng matinding migraine
Kung nakakaranas ng mga nabanggit na kondisyon ay maari namang pumili ng iba pang uri ng birth control method pagkapanganak.
Tamang pag-inom ng pills
Nakadepende sa uri ng pills na iinumin kung ano ang tamang paraan ng pag-inom nito. Mayroong dalawang uri ng birth control pills. Ang isa ay ang combination pills na kombinasyon ng estrogen at progestin. At ang isa pa ay ang progestin-only pills.
Importante na kumonsulta sa doktor para malaman kung anong pills ang angkop para sa’yo. Nakadepende rin sa brand kung kailan mabisa ang pills.
Mahalagang sundin ang instructions ng doktor at ang directions na nakalagay sa pakete ng iyong pills para matiyak ang kaligtasan at effectiveness ng pag-inom ng pills.
Narito ang mga dapat tandaan sa tamang pag-inom ng pills:
Progestin-only pills
- Mas mabisa ang pills na ito para maiwasan ang pagbubuntis matapos na inumin ito nang dalawang magkasunod na araw. Kung hindi na kayang maghintay pa ng 48 hours bago makipagtalik, maaari namang gumamit muna ng ibang birth control method.
- Karaniwan sa progestin-only pills nan aka 28-day packs. Para matiyak na hindi mabubuntis, kailangang inumin ito isang beses sa isang araw. Hindi maaaring pumalya upang hindi mawalan ng epekto.
- Kung makalimot nang isang araw na pag-inom agad na uminom nito as soon na maalala mo. Ayos lang kung kakailanganing uminom nang dalawang beses sa isang araw.
- Maaari kang magkaroon ng regla sa last week ng pag-inom ng pills. Mayroon din namang iba na mild spotting lang ang nararanasan o kaya ay no bleeding talaga.
Combination pills
Mayroong iba’t ibang dosing packs ang combination pills. May 21 days, 28 days, 91 days, at 365 days.
Narito ang mga dapat tandaan sa pag-inom ng combination pills depende sa dosing packs nito.
- 21-day pack. Uminom ng isang pill kada araw sa loob ng 21 araw. Pagkatapos ay tumigil muna sa pag-inom nito sa loob ng isang linggo bago magsimula ng panibagong pack. Sa isang linggo na hindi ka umiinom ng pills, asahan ang pagdating ng iyong regla.
- 28-day pack. Uminom ng isang pill kada araw sa loob ng 28 araw. Kinabukasan o sa ika-29 araw ay maaari na agad simulan ang sunod na pack. Mayroong mga brand ng combination pills kung saan ang nakalaan para sa ika-21 at ika-24 na araw ay mayroong estrogen at progestin. Habang ang mga pill na nakalaan sa ibang araw ay estrogen lang ang content o kaya naman ay may dietary supplement. Sa panahon na progestin o dietary supplement lang ang content ng pills, maaaring magkaroon ng buwanang dalaw.
- 91-day pack. Mag-take ng isang pill kada araw sa loob ng 84 days. Depende sa brand, ang nalalabing 7 pills para sa 7 araw ay posibleng estrogen lang ang content. Sa pitong araw na ito ka posibleng reglahin. Kung 91-day pack ang iinuming pills, maaaring magkaroon ka lang ng menstruation kada tatlong buwan.
- 365-day pack. Kailangang uminom ng isang pill kada isang araw sa loob ng buong taon. Kung puro active pills ito, posibleng hindi magkaroon ng regla sa buong taon.
Side effects ng pag-inom ng pills
Karaniwang wala namang negatibong epekto ang birth control pills sa umiinom nito. Kaya lamang, tulad ng ibang mga gamot posible pa rin na makaranas ng side effects dahil mag-aadjust ang hormones sa iyong katawan.
Kadalasan namang tumatagal lang ng dalawa hanggang tatlong buwan bago tuluyang makapag-adjust ang katawan.
Narito ang ilang side effects na maaaring maranasan:
- Pagbabago sa regla
- Pananakit ng suso
- Pagsakit ng ulo
- Pagsusuka
- Pakiramdam na naduduwal
Normal naman ang mga ito hindi dapat na ikabahala pero kung nagdudulot ng pangamba sa iyo ang mga sintomas ng side effects ng pills, puwede namang kumonsulta sa doktor para malaman kung ano ang dapat gawin.
Maaaring inumin ang pills kahit na hindi ka pa kumakain pero kung isa sa side effects na nararanasan ay nausea o pagduwal, mas mabuting uminom ng pills matapos kumain.
Hindi lang naman negatibo ang side effects ng pills, mayroon din itong mabuting dulot bukod pa sa natutulungan nito ng hindi mabuntis ang babae.
Maaari rin itong makatulong para maibsan ang matinding pagreregla, premenstrual syndrome, dysmenorrhea, at pagkakaroon ng acne o tigyawat dulot ng hormonal changes.
Samantala, kung nais mo namang itigil ang pag-inom ng birth control pills ay pupuwede naman. Kaya lamang ay syempre tataas ang tiyansa na mabuntis ka. Pero puwede namang sumubok ng ibang uri ng contraceptives.
Tandaan din na bago itigil ang pag-inom nito at bago palitan ang birth control method, mahalagang kumonsulta muna sa iyong doktor.
Sila ang nakakaalam kung paano ang tamang pagtigil at pagpapalit ng contraceptives. Importante ito para matiyak ang iyong kaligtasan at hindi mabigla ang iyong katawan.
Iba pang uri ng postpartum birth control
IUD o intrauterine device
Isa nga sa inirerekumendang uri ng birth control method para sa mga babae ay ang IUD o Intrauterine devices. Dahil sa ito ay kayang magbigay ng proteksyon mula sa pagbubuntis hanggang sa 12 na taon. Maaaring agad na maibigay sa isang babae matapos maisilang ang kaniyang sanggol at walang epekto sa kaniyang pagpapasuso.
Kung ito ay hindi nailagay sa isang babae sa loob ng 48 oras matapos manganak ay ipinapayong magpalagay nito makalipas ang 4 na linggo.
Implant
Ang pagpapalagay ng contraceptive implant na kung tawagin ay Nexplanon ay isang mabisang uri rin ng postpartum birth control method. Ito ay ang rod-shaped device na kasing laki ng isang stick ng posporo na inilalagay sa ilalim ng balat sa braso.
Kaya nitong protektahan ang isang babae sa pagbubuntis hanggang sa 4 na taon. Ngunit kailangan nilang umiwas sa mga gawaing mabibigat o gagamitan ng kanilang puwersa tulad ng pagbubuhat. Dahil sa pamamagitan ng mga ito ay maaring mawala sa pwesto ang implant na maaring mauwi sa komplikasyon.
Ito ay ipinapayong mailagay sa babae 6 na linggo matapos manganak.
Injectables
Isa pang opsyon upang masiguro ang hindi magkasunod na pagbubuntis at ligtas sa mga nagpapasusong ina ay ang pagpapainject ng Depo-Provera shot o DMPA.
Ang shot na ito ay sinasabing 97% effective upang maiwasan ang pagbubuntis. Ngunit kailangang ma-ibigay sa isang babae kada 3 buwan para sa mas matibay na proteksyon.
Ito naman ay maaring maibigay agad sa isang babaeng bagong panganak na hindi nagpapasuso. Ngunit kung nagpapasuso ay kailangan rin munang maghintay na makalipas ang 6 na linggo. Sapagkat ito rin ay nakakaapekto sa supply ng breastmilk ng nagpapasusong ina.
Maliban sa mga nabanggit ay maari ring gumamit ng mga barrier methods tulad ng condom, diaphragm at cervical cap ang mga babaeng bagong panganak.
Bagamat ang mga ito ay mahigpit na ipinapayong gamitin sa wasto at tamang paraan upang masigurong maiiwasan ang pagbubuntis.
Karagdagang impormasyon isinulat ni Jobelle Macayan
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.