Puwede bang Uminom ng Malamig na Tubig ang Buntis?
Kadalasang tanong ng mga pregnant moms: "Puwede bang uminom ng malamig na tubig ang buntis?" Alamin ang sagot ng mga eksperto dito.
Kadalasang tanong ng mga pregnant moms: “Puwede bang uminom ng malamig na tubig ang buntis?”
Habang totoo na mas maraming tubig ang kailangan ng buntis para manatiling hydrated, marami pa ring paniniwala na bawal ang malamig na tubig. Pero gaano nga ba ito katotoo?
Recommended ng mga OB-GYN na ang mga buntis ay uminom ng humigit-kumulang 8-12 baso ng tubig araw-araw para suportahan ang blood circulation, amniotic fluid, at overall development ng baby (American College of Obstetricians and Gynecologists [ACOG], 2020).
Para masigurong safe at malinis ang iniinom na tubig, puwedeng pumili ng trusted options tulad ng Wilkins Distilled Drinking Water, na dumadaan sa multi-step purification process.
Hindi bawal ang malamig na tubig sa buntis. Mas importante na sapat at malinis ang iniinom araw-araw. | Image from Freepik
Bawal ba sa Buntis ang Mmalamig na Tubig?
Isa sa mga experiences ni Daisy Pingol, isang special education teacher sa Dubai na may apat na anak, ay ang paalalahanan ng kaniyang nanay na iwasan ang malamig na tubig. Ayon dito, baka raw “manigas” ang tiyan o kaya ay maapektuhan ang baby sa loob ng sinapupunan.
May mga kuwento rin na ang malamig na tubig ay puwedeng magdulot ng hika o respiratory problems. Pero, what’s the truth behind it?
May iba pang paniniwala tulad ng:
- lalamigin daw ang baby kaya magiging restless ito
- maaaring magdulot ng hika o pulmonya
- lumiliit ang ugat sa lalamunan kaya humihina ang resistensya
Hindi lang ito local belief. Kahit sa ibang bansa, may ganitong myths pa rin na umiikot sa mga buntis.
Sabi ng experts, gaya ni Dr. Tinuola Ajayi, isang Nigerian gynecologist sa US, walang scientific evidence na sumusuporta sa mga ito. Walang masamang epekto sa buntis ang pag-inom ng malamig na tubig.
Malamig na Tubig: Bawal sa Buntis?
Dahil sa mga naririnig niyang ito, nag-decide si Daisy na mag-consult mismo sa kaniyang OB-GYN na si Dr. Hala kung totoo nga bang bawal ang malamig na tubig. Ayon sa kaniya, walang masama sa pag-inom ng malamig na tubig habang buntis. Sa katunayan, minsan ay ginagamit pa ito para ma-check ang galaw ng baby, lalo na kung gustong makita kung responsive ang fetus.
Nagtanong din siya sa mga community ng mga mommies na kapapanganak lang: Masama ba ang malamig na tubig sa buntis? Lahat ay iisa ang sagot: hindi nakasasama ang pag-inom ng cold water kapag buntis. As long as malinis ang tubig at hindi direktang galing sa gripo.
Ibig sabihin, walang direktang epekto ang temperature ng tubig sa baby sa sinapupunan.
Ayon din sa Mayo Clinic Guide to a Healthy Pregnancy, anumang pagkain o inumin, kahit malamig, ay nag-a-adjust sa body temperature habang pinoproseso ng katawan (Mayo Clinic, 2018). Kaya wala itong magiging masamang epekto sa nanay o sa bata.
Always remember na ang tubig na iniinom ay napupunta sa bituka sa tiyan, at hindi napupunta sa uterus. Ang anumang fluid, oxygen, o nutrients na pumapasok sa nanay ay naipapasa sa pamamagitan ng dugo sa placenta.
Ang dapat lang iwasan na malamig ay mga carbonated drinks at mga may caffeine dahil usually they trigger heartburn.
Epekto ng Pag-inom ng Malamig na Tubig sa Buntis
Sa overall experience ni Daisy, wala naman siyang naranasang negative effects sa pag-inom ng malamig na tubig habang siya ay buntis. Kahit sobrang init ang panahon sa Dubai, ay nanatiling malusog at masayahin ang anak niyang si Jacob Yousef.
Sa katunayan, nakatulong pa nga ang pag-inom niya ng malamig na tubig para manatili siyang hydrated at comfortable sa mainit na panahon. Ayon sa experts, ang tamang hydration ay mahalaga para sa:
- pag-regulate ng body temperature
- pag-iwas sa constipation
- pag-maintain ng amniotic fluid levels
- pag-support ng blood circulation (ACOG, 2020)
Anumang inumin ay nag-a-adjust sa body temperature, kaya walang direct effect ang lamig ng tubig kay baby. | Larawan mula sa Freepik
Epekto ng Pag-inom ng Malamig na Tubig sa Buntis: Nagdudulot ba ng Stomach Pain?
May mga buntis na nag-aalala na baka magdulot ng stomach pain ang malamig na tubig.
Sa ngayon, walang ebidensya mula sa medical guidelines na nagsasabing ang pag-inom ng malamig na tubig ang direktang sanhi ng pananakit ng tiyan sa pagbubuntis.
Ayon sa mga health organizations, ang karaniwang sanhi ng abdominal discomfort sa buntis ay:
- hormonal changes
- gas at bloating
- constipation
- uterine growth
Hindi temperature ng tubig ang pangunahing factor (American College of Obstetricians and Gynecologists [ACOG], 2020; Mayo Clinic, 2018).
Nakakataba ba ang Malamig na Tubig?
Hindi nakakataba ang malamig na tubig dahil wala itong calories. Ang weight gain ay mas naaapektuhan ng overall diet at calorie intake, hindi ng temperature ng iniinom.
Ang dapat bantayan ay mga malamig na inumin na mataas sa sugar tulad ng milk tea at softdrinks. Ang high sugar intake ay may kaugnayan sa weight gain at risk ng gestational diabetes
Bakit Gumagalaw ang Bata kapag Umiinom ng Malamig na Tubig ang Ina
Sabi ng experts, ang malamig na tubig ay hindi nauugnay sa paggalaw ng isang sanggol sa pagbubuntis. Ang karaniwang cause ng paggalaw ng baby sa sinapupunan ay slight temperature change sa tiyan at mild internal stimulation na sa ngayon ay walang ebidensya na nagsasabing harmful ito. In fact, normal response ito ng ating katawan.
Bawal ba sa Buntis ang Malamig na Pagkain?
Maliban sa malamig na tubig, hindi rin daw nakakabuti sa buntis ang pagkain ng malamig na pagkain. Pero ayon sa mga health experts, hindi ito totoo. In fact, ang mga drinks at pagkain na malamig ay nakatutulong pa nga sa buntis. Studies show that smell and taste sensitivity play a major role in pregnancy-related nausea. How? Usually, ang maiinit na pagkain ay may mas matatapang na aroma o amoy na nagti-trigger ng gag reflex ng babaeng buntis na maaring makapagpaduwal sa kaniya. Kaya mas tolerable ang pagkain na mild ang amoy tulad ng cold food.
Cold Food na Safe sa Buntis
Ang mga yummy options nga ng buntis sa mga cold foods na maari niyang kainin ay ang sorbet, yogurt, popsicles, chilled fruits at ice cream. Ligtas din na kumain ng mga cold, pre-packed meats ang buntis tulad ng ham at corned beef.
Huwag lang ang mga cold raw cured meat tulad ng parma ham, chorizo, pepperoni at salami. Ang mga cured meats na hindi naluto ay maaaring mayroong parasites na maaaring magdulot ng toxoplasmosis. Para maiwasan ito ng buntis ay puwedeng i-freeze niya muna ng 4 na araw ang cured meat bago i-defrost at kainin. O kaya naman ay lutuin ito at saka kainin tulad ng pagpapalagay ng pepperoni sa pizza.
Safe hydration starts with clean water. | Image from Freepik
Nakakalaki ba Talaga ng Baby ang Pagkain o Pag-inom ng Malamig?
Ayon sa current scientific understanding, walang ebidensya na ang temperature ng pagkain o inumin ay nakakaapekto sa laki ng baby. Ang mas may tunay na epekto sa paglaki ng sanggol ay ang mga sumusunod:
• Overall Nutrition ng Nanay
Kung balanced ang diet ng buntis, mas nagiging optimal ang paglaki ng baby. Kailangan ng tamang combination ng nutrients tulad ng protein, iron, folate, at healthy fats para sa proper fetal development.
• Calorie Intake
Kapag sobra ang calorie intake, lalo na mula sa sugary at high-fat foods, maaaring humantong ito sa excessive fetal growth (macrosomia). Hindi ito dahil malamig ang pagkain, kundi dahil sa dami at kalidad ng kinakain.
• Maternal Health Conditions
Mga kondisyon tulad ng gestational diabetes ay may direktang epekto sa laki ng baby. Kapag mataas ang blood sugar ng nanay, mas maraming glucose ang napupunta sa baby, na maaaring magresulta sa mas malaking birth weight.
Wala sa Lamig ng Tubig ang Halaga, Kundi sa Linis Nito
Sa dami ng myths na naririnig ng mga buntis, malinaw na hindi ang lamig ng tubig ang dapat ikabahala.
Mas importante pa rin na ang iniinom mo ay malinis, ligtas, at maaasahan.
Tulad ng naranasan ni Daisy, mas naging kampante siya nang maintindihan niya na okay lang uminom ng malamig na tubig, lalo na sa mainit na panahon. Ang mas mahalaga ay siguradong safe ito para sa kaniya at sa baby niya.
Dito pumapasok ang pagpili ng tamang drinking water. Ang Wilkins Distilled Drinking Water ay dumadaan sa multi-step purification process para makatulong na masigurong malinis at safe ang bawat inom.
Kaya kung mas gusto mong uminom ng malamig na tubig habang buntis, go lang. Basta siguraduhin na ito ay malinis at trusted, tulad ng Wilkins, para sa mas worry-free na hydration araw-araw.
Mayo Clinic.
Baby Science IVF.
Tommy's Org.
American College of Obstetricians and Gynecologists. (2020). Nutrition during pregnancy.
Mayo Clinic. (2018). Guide to a healthy pregnancy. Mayo Foundation for Medical Education and Research.
Heitmann, K., et al. (2020). Taste and smell sensitivity in pregnancy-related nausea. Scientific Reports.
Sommer, C., et al. (2014). Maternal weight gain and gestational diabetes. International Journal of Obesity, 38, 76–81.
World Health Organization. (2020). Healthy diet.
Xie, Z., et al. (2023). Water intake and hydration status among pregnant women. Nutrients, 16(1), 116.
Song, Y., et al. (2023). Fluid intake and hydration status among pregnant women. Nutrients, 15(7), 1739.
Zhang, H., et al. (2020). Risk factors of nausea and vomiting during pregnancy. Risk Management and Healthcare Policy.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.