Halos dalawang taon na, matapos magsimula ang pandemya na sumubok sa ating katatagan bilang tao, pamilya at mamamayanan.
Maraming ipinatupad na kailangan gawin upang maiwasan ang pagkalat ng sakit. Kagaya ng bawal ang paglabas kung walang importanteng gagawin, pagsuot ng masks at pagdistansya sa tao.
Mababasa sa artikulong ito:
- Mga lugar at pasyalan na pwedeng lumabas ang bata 5 taong gulang pataas
- Mga kinakailangan gawin para maging ligtas ang anak
Sa pagsunod sa batas na ito, lumalim ang kagustuhan natin bumalik sa normal. Lalo na para sa mga bata edad 5 taong gulang pataas, dahil sila ang bawal lumabas. Kaya tanong ng maraming parents, “pwede na ba lumabas ang mga bata?”
Kaya naman ngayong Hulyo 7, 2021, inanunsyo ng Inter-agency Task Force para sa COVID-19, na maaari ng lumabas ang mga batang nasa 5-taon gulang pataas na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) at Modified General Community Quarantine (MGCQ). Maliban sa mga GCQ na lugar na may paghihigpit.
Kaya naman, Mommies! Alamin ang mga patnubay na kailangang sundin pag gustong ilabas si ate at si kuya.
Larawan mula sa iStock
GCQ “na may unting paghihipit” hanggang Hulyo 15, 2021
- Metro Manila
- Rizal
- Bulacan
GCQ “na may paghihigpit” hanggang Hulyo 15, 2021
Mga lugar na GCQ hanggang Hulyo 31, 2021:
Saan ang mga pasyalan na pwedeng puntahan ng bata?
Pwede na ba lumabas ang mga bata? | Larawan mula sa iStock
Narito ang buong listahan ng mga lugar kung saan maaaring pumunta ang mga bata:
- Mga parke
- Palaruan
- Mga beach
- Mga daanan ng pagbibisikleta at hiking
- Sa labas ng palaruan , hindi sa loob ng court at veneu
- Mga establisyemento ng kainan
Gayunpaman, ang mga lugar na nakakulob lang katulad ng mga mall, kung saan ay itinuturing na halo-halong panloob at panlabas na mga establisyemento, ay hindi pa rin limitado sa mga bata, pahayag ng tagapagsalita ng Malacañang na si Roque.
Mga dapat mong gawin para maging ligtas ang anak:
-
Paghugas palagi ng kamay o pagdala ng alcohol
Kapag ilalabas ang anak mula sa bahay. Huwag kalimutan na m ng kamay gamit ang malinis na tubig at sabon at ang pagdala ng alcohol sa iyong bag. Ito ay upang maiwasan, para hindi masakit at kumalat sa katawan mo at sa katawan ng iyong anak ang virus sa kapaligiran.
-
Ang pagsusuot ng mask ay lubhang kinakailangan
Mainit? Oo. Pero tandaan mga mommies, ang pagsusuot ng mask at hindi pagtanggal nito kahit na mainit ang panahon ay makakatulong upang hindi mahawaan ng sakit.
Kaya kahit mainit at hindi komportabeng suotin, ipapaala sa iyong anak na huwag ito hubarin. Dahil hindi natin alam ang pwedeng mangyari sa loob ng segundo o minuto na walang suot na mask ang iyong anak.
Larawan mula sa iStock
-
Panatilihin ang distansya
Ang sakit na COVID-19 ay nakakahawa sa paraan ng pag-ubo at pagsinga. Kaya naman, kapag may nakita kang umubo o suminga na kalaro ng iyong anak ay panatilihin mo ang distansya ng dalawa. Subalit mas mainam pa rin na huwag basta hayaan ang anak namakipaglaro sa iba.
-
Huwag hawakan ang mata, ilong at bibig
Kapag nakita ang anak na humawak sa isang bagay, sabihan siya na maghugas muna bago niya hawakan ang kanyang kamay. Dahil maaaring pumunta sa kaniyang katawan o pumasok sa kaniyang katawan ang mga mikrobiyo at mga sakit katulad ng COVID-19.
-
Kapag masama ang pakiramdam ng bata ay manatili na lang sa bahay
Gusto ba ng anak mo maglaro? Ngunit hindi maganda ang kanyang pakiramdam. Huwag na ito palabasin, kapag may sakit ang tao, mas mababa ang resistensya nito na nagreresulta na madali siyang mahahawa ng mga sakit. Kaya sabihin kay ate at kuya na sa susunod na lang, at bigyan na lang sila ng paboritong pagkain.
Dagdag impormasyon:
Mahalagang sundin ang mga health protocol upang makaiwas sa pagkakaroon ng COVID-19. Mahalagang ipabatid sa ating mga anak ang kahalagan ng pagsusuot ng face mask at laging pag-a-alcohol lalo na kapag nasa labas.
Isa pa sa kailangan na ituro sa anak ay paghuhugas ng kamay lalo na kung kakagaling niyo lamang sa labas. Para naman sa social distancing, nirerekomenda ng IATF na mayroong 1 metro layo mula sa ibang tao ang sinuman. Kaya ituro rin ang kahalagan nito sa iyong anak.
Mas ipinapayo at nirerekomenda ng IATF na dalhin ang mga bata sa mga may malalawak na lugar. At bago umalis ng bahay at magpasiyang ilabas ang bata ay mas makakabuti rin na mag-research muna patungkol sa COVID-19 cases sa lugar. Tignan kung mataas ba ito o mababa.
Sa ganitong paraan ay makakaiwas din kayo sa pagkakaroon ng COVID-19.
Sources :
ABS-CBN , Hopkins Medicine, APIC, Rappler
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!