Ang tanong ng mga moms, pwede na bang manood sa tablet ang baby?
Mababasa sa artikulong ito:
- Paggamit ng apps ng mga magulang para sa development ng baby
- Pwede na bang manood sa tablet ang baby?
- Apps na makakatulong sa development ng baby
Ang mga electronics katulad ng iPad at tablet ay kailan lamang umusbong. Subalit sa paglipas ng panahon, unti-unti na siyang nakikilala at nagagamit ng karamihan. Tinatayang mayroong isang tablet sa bawat kabahayan ang ang paggamit nito ay talaga namang walang limit. Ginagamit ito sa trabaho, panood ng pelikula at maaaring magamit din sa Zoom at iba pang video chatting app.
Pwede na bang manood sa tablet ang baby? | Image from iStock
Maaari rin itong gamitin sa paglalaro at ibang entertainment app. Maganda itong libangan lalo na kung ikaw ay nasa gitna ng mahabang biyahe sa tren eroplano.
Paggamit ng apps ng mga magulang para sa development ng baby
Sa panahon ngayon, malamang ikaw ay naghahanap lagi ng pagkakaabalahan. Subalit kung ikaw ay may tablet, tanggal na agad ang iyong pagka-bored. Aminin na natin. Ito ay nakakatulong talaga lalo na sa mga bata.
Madaling mainip ang mga bata. Hindi katulad ng mga teenager o matatanda, mahirap aliwin ang mga batang nasa tatlong gulang pababa.
Hindi madaling iharap na lamang sa telebisyon ang mga batang nasa gulang na ito. Hindi pa kasi nila naiintindihan ng todo ang mga nangyayari. Hindi rin lubos na nakakatulong ang ibang app game sa kanilang pagka-inip.
Bukod pa rito, ang mga tablet computer ay likha ng advance na teknolohiya. Gamit ang internet, maaari ka nang makagamit ng iba’t ibang app at games.
Kaya naman narito ang mahalagang tanong, pwede na bang manood sa tablet ang baby? Anong edad dapat silang pahawakin ng mga gadget na ito?
BASAHIN:
3 rason kung bakit hindi dapat gumamit ng cellphone kapag kasama si baby
STUDY: Ito ang masamang epekto sa utak ng bata ng TV at cellphone
STUDY: Panonood madalas ng TV ng mga bata, stress ang dala sa mga nanay!
Pwede na bang manood sa tablet ang baby?
Para masagot ang tanong na ‘yan, kailangan muna nating malaman kung ano ang development ng isang taong gulang na bata. Pagsapit ng bata sa ganitong edad, dapat ay na-develop na nila ang kanilang motor skills. Ito ang kakayahang makahawak ng mga bagay gamit ang kamay.
Kaya naman kakayanin nilang humawak ng tablet kapag ibinigay mo ito sa kanila. Bukod dito, dapat ay nasusundan na rin nila ang paggalaw ng isang bagay gamit ang mata. Naiintindihan nila kung kailan hahawakan o bibitawan ang bagay na ibibinigay sa kanila.
Kailangan din nilang ma-develop ang kanilang language skill. Tipong kilala na ni baby ang iyong boses at naiintinidhan na ang kahulugan ng mga basic words na iyong sinasabi.
Sa pagkakataong ito, mayroon na silang sapat na visual at auditory ability sa edad na isang taong gulang. Pasok ito sa tablet theory para sa mga edad na nasabi. Kaya nilang hawakan, makipag-interact gaya ng pakikitungo nila sa kanilang sariling laruan. Bukod pa rito, kilala na rin nila ang mga pamilyar na imahe o tunog.
Pwede na bang manood sa tablet ang baby? | Image from iStock
Kailangan mong maghintay hanggang maging 18-month-old ang iyong anak
Ibig bang sabihin nito ay maaari na silang gumamit ngayon? Hindi kailangan. Hindi pinapayong pagamitin muna sila ng tablet sa taong ito. Kailangan mong maghintay hanggang sila ay mag-18 months.
Bigyan sila ng oras para tuluyang maintindihan ang konseptong ito. Moderation din ang kailangang tandaan. Kapag masyado silang na-exposed ng maaga sa paggamit nito, maaaring isipin nila na pwede na silang gumamit nito lagi. Ang labis na paggamit ng gadgets ay masama rin.
Maaaring magdala ito sa kanila ng kakaibang social behavior, hindi magandang pagtulog at performance sa school. Bukod pa rito, maaga rin silang mahaharap saa media violence at maling impormasyon na nagkalat sa internet.
Hindi ito mangyayari kung maaga pa lamang, in moderation na ang kanilang paggamit ng gadgets. Maaaring mahirapan kang pigilan sila sa paggamit ng naturang bagay kung hindi ito nasanay ng maaga.
Apps na makakatulong sa development ng baby
Kung hindi mo kontrolado ang kanilang paggamit, maaaring mapunta sila sa isang lugar na hindi dapat nilang makita pa base sa kanilang edad. Kaya naman mahalaga ang iyong gabay kung gagamit na si baby ng tablet. Pumili ng mga laro o app na masaya at educational.
Hindi ibig sabihin nito ay kakalimutan na ng iyong baby ang pagbabasa ng libro at paglalaro. Magandang bigyan sila ng iba’t ibang uri ng pagkakaabalahan.
Maraming magagandang apps sa internet. Maaari kang mapagbasa, makapagturo ng alphabet o magbilang. Maayroon ding laro na kailangang itugma mo ang partikular na tunog sa tamang hayop.
Pwede na bang manood sa tablet ang baby? | Image from iStock
Bago naman matulog, may mga app din na maaaring gumuhit si baby, magpatugtog ng education songs o maglaro ng games. Mayroong laro para sa iba’t ibang development ni baby.
Pwedeng subukan ang mga ito:
- Baby Zoo Piano: Mayroon itong musika para sa mga sanggol o bata.
- Baby Sleep Instant: Mayroon namang itong lullabies at music para mabilis makatulog ang isang bata.
- Nursery Rhymes: Gaya ng nabasa sa title, makikita rito ang nursery rhymes para sa mga bata.
- Baby Phone: Ang app na ito ay mayroong nursery rhymes at lullabies.
- Baby Night Light: Ang app naman na ito ay maaaring gawin ang smartphone mo bilang isang night lamp upang maramdaman ni baby na siya ay safe.
Pwede na bang manood sa tablet ang 1-year-old baby?
Ang sagot ay hindi pa.
Maaari nang gumamit si baby ng tablet ngunit hindi pa ito inaabiso. Kailangan mong mag-intay ng ilang months pa para tuluyan nang ipakilala ang iyong anak sa paggamit ng tablet. Sa edad na isang taong gulang, marami ka pang ibang paraan na maaaring gawin na makakatulong sa kanilang development.
Tandaan: Ang tablet ay nagbibigay lamang ng visual at audio stimulation. Maaari nilang hawakan ito ngunit wala silang mararamdaman katulad ng pang-amoy. Bukod pa rito, ang kanilang nakikita at naririnig ay awtimatiko.
Maaari namang gumamit ng tablet at app para sa development ni baby. Ngunit ‘wag hayaan na dito na lamang umikot ang kaniyang paglaki. ‘Wag kakalimutan ang totoong mundo. Malaking bagay ang paggamit nito ng tama.
Isinalin sa wikang Filipino ni Mach Marciano
Translated with permission from theAsianparent Singapore
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!