Quality time sa pamilya, paano ba ito magagawa sa pinakasimpleng paraan?
Malamang habang binabasa mo ito ay katabi mo ang anak mo. O kaya naman siya ay nakaupo malapit sayo, busy sa paglalaro habang ikaw ay busy naman sa kaka-swipe ng iyong cellphone. Hindi mo man napapansin, ito ay may masamang epekto hindi lang sayo kung hindi pati narin sa anak mo.
Epekto ng pag-gamit ng cellphone
Ito nga ang natuklasan ng isang pag-aaral na isinagawa ng Boston Medical Center sa 55 na magulang at caregivers na gumagamit ng cellphone sa harap ng isang bata.
Base sa pag-aaral, ito ang pagkakataong mas nagkakaroon ng negative interaction ang isang bata at isang adult na magkasama. Isa nga sa negative interactions na na-record ng ginawang pag-aral ay ang pangungulit ng bata. Tulad ng pagsuot sa ilalim ng mesa upang mapansin lang ng adult na nag-cecellphone sa harap niya.
Ang epekto nito? Ang adult ay na-frufrustrate at umiinit ang ulo.
Image from Freepik
Quality time sa pamilya
Para naman kay Liz Matheis, isang licensed clinical psychologist mula sa New Jersey, maliban sa negative interactions, ang pag-gamit ng cellphone ng isang magulang sa harap ng kaniyang anak ay nagdudulot din ng epekto sa paglaki niya. Kung kaya ipinapayo niya na kung maari ay dapat ilayo ang cellphone o huwag na munang gumamit nito kapag kasama ang iyong anak.
Dagdag pa niya ang pagsasagawa nito ang pinakasimple paraan upang magkaroon ka ng quality time sa pamilya mo.
At kung mayroon daw labis na maapektuhan sa madalas na paggamit ng cellphone ng isang magulang, ito ay ang mga baby na hindi pa marunong magsalita. Ito ay dahil sa mga sumusunod na rason.
1. Nawawalan ka ng quality time sa kaniya.
Kahit nakaupo ka man sa tabi o harap ng iyong baby kung ikaw naman ay nag-cecellphone, ay hindi niya parin niya nararamdaman ang presence mo. Dahil inuubos nito ang oras at atensyon mo ng hindi mo napapansin.
Ang epekto nawawalan ka ng oras para maka-bonding ang iyong anak na napakahalaga sa development niya. Dahil bilang isang sanggol natutunan niyang magsalita o mag-react sa paligid niya sa tulong ng mga taong nakakaharap at nakakasama niya. Kung sa madalas ay wala siyang nakakausap o nakakainteract, may posibilidad na makaapekto ito sa language at speech development niya.
2. Hindi mo naiintindihan o nakukuha ang gusto niyang ipahiwatig o sabihin sayo.
Dahil busy ka sa harap ng iyong cellphone, hindi mo naiintindihan o nakukuha ang mga non-verbal cues ng iyong baby. Mahalaga ito sapagkat ito ang kaniyang paraan upang maipakita sayo ang gusto niyang sabihin o nararamdaman dahil sa hindi pa siya marunong magsalita.
Photo by Paul Hanaoka on Unsplash
3. Tinuturuan mo siyang maging obsess o maadik sa paggamit ng cellphone sa bata niyang edad.
Hindi man ito ang intensyon mo, ito naman ang hindi mo sinasadyang ituro sa iyong anak. Dahil tandaan ang mga bata ay ginagaya lang ang kanilang nakikita. Kaya kung nakikita niyang lagi kang nakaharap sa cellphone ay ito ang iisipin niyang tama at tutularan niya.
Para maiwasang mangyari ang mga ito sa iyong anak at magkaroon ka ng quality time sa pamilya mo ay may mga paraan ring ipinapayo si Matheis para mabawasan ang paggamit mo ng cellphone. Ito ay ang sumusunod:
- Pagbubura ng mga apps sa iyong cellphone na umuubos ng oras mo.
- Paglalagay ng timer o alarm bilang tanda na kailangan mo ng itigil ang paggamit ng iyong cellphone.
- O kaya naman ay gamitin ang voice command feature ng iyong cellphone para malaman ang notifications mula rito ng hindi na ito kailangang tingnan pa.
Kaya kaysa ubusin ang iyong oras kakadutdut ng iyong cellphone, mag-spend ng quality time sa pamilya na siguradong magiging maganda ang epekto sa bawat isa sa inyo.
Source: Psychology Today, American Academy of Pediatrics
Photo: Freepik
Basahin: Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!