Pwede pa rin bang mabuntis kahit umiinom ng pills?

Sa tamang paggamit ng birth control pill, masisigurado ng mga ina na hindi sila basta-basta mabubuntis, lalo na kung wala pa silang planong magkaanak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pwede pa rin bang mabuntis kahit umiinom ng pills? Alamin ang mahalagang impormasyon sa paggamit ng birth control pills.

Kahit sa mga mag-asawa, importante ang family planning. At isa sa mga paraan nito ay ang paggamit ng oral contraceptives o mas kilala sa tawag na birth control pills. Alam niyo ba na sa tamang pag inom ng pills, nasa 1% lamang ang posibilidad na mabuntis?

Kalimitan na katuwang na tanong hinggil sa pagiging epektibo ng pills ay kung pwede pa rin bang mabuntis kahit na umiinom ng pills. Hindi ito maiiwasang sagutin agad ng hindi, pero may mga pag-aaral na maaaring makapagsabi ng kabaligtarang sagot.

Ngunit sa katotohanan, may mga nabubuntis pa rin kahit na umiinom sila ng birth control pills. Paano ito nangyayari? Ibig sabihin ba nito na hindi ito epektibo?

Paano gumamit ng pills para hindi mabuntis

Bago ang pagsagot kung paano gumamit ng pills, titignan at sisiguruhin muna ng iyong doktor kung hindi ka pa buntis. Posible kasing oo ang sagot sa tanong na kung pwede ka pa rin bang mabuntis kahit umiinom ng pills. Maaari kang makapagsimulang uminom o gumamit ng pills sa kahit anong panahon, at kahit anong oras.

Kung nalalapit naman ang iyong pagme-menopause, ikonsulta sa inyong doktor kung mas okay ba ang “minipill” para sa iyo. Kadalasan, meron lang itong isang hormone, kaysa sa regular na birth control pills na merong dalawang hormones.

Ang ilan sa mga sumusunod na kondisyon o sitwasyon ang maaaring dahilan kung bakit hindi mainam sa iyo na uminom ng birth control pills:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • may mataas na blood pressure na hindi laging nakokontrol
  •  nasa edad na higit sa 35 at naninigarilyo
  • may history ng stroke, heart disease, circulation problems o breast cancer
  • kakasimula pa lang mag-breastfeed sa nakaraang isang buwan
  • may migraine headache
  • pagkakaroon ng diabetes o anumang komplikasiyon na kaugnay nito
  • kakatapos pa lang sumailalim sa isang surgery
  • may sakit sa atay
  • mayroong ‘di maipaliwanag na pagdurugo sa pag-ihi

Paano sisimulang gumamit ng pills

Bago ka bigyan ng prescription ng iyong doktor, maaaring kuhanan ka muna ng blood pressure at suriin kung meron ka bang sexually transmitted disease (STD) kung nakipagtalik ka noong nakaraan. Maaari ka rin o hindi magkaroon ng full gynecological exam.

Pero tandaan, maaari pa ring oo ang sagot kung pwede pa rin bang mabuntis kahit umiinom ng pills dahil sa pagkakaiba ng tao at ng hormones ng mga tao.

May ilang mga paraan kung paano gumamit ng pills at kung paano gumamit ng pills para hindi mabuntis:

Unang araw ng tamang paggamit ng pills

Inumin ang iyong birth control pills sa unang araw ng iyong dalaw o regla. Dito pwedeng masimulan ang pregnancy protection, kaya hindi mo na kakailangan ng back up na contraceptives.

Bilang panimula, kung nakumpirma na ng iyong doktor na hindi ka buntis, inumin agad ang prescripted una mong birth control pill. Ang hormones na nasa pills na iinumin mo ay kailangang mag-build up sa iyong katawan. Kung kaya, kailangan ng back up contraceptives, tulad ng condom, kung sexually active, sa loob ng 7 araw.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pero, hindi generally na mairerekomenda ang ganitong method.

Pagsisimula sa Linggo: Isa sa paraan ng tamang paggamit ng pills

Maraming uri ng pills ang naka-arranged na simulan sa araw na ito. Inumin ang unang pill sa unang araw ng Linggo sa pagsisimula ng iyong regla. Gumamit ng ikalawang birth control method sa loob ng 7 araw kung may aktibidad ng sex.

Mga uri ng pill packs

Kadalasan, ang mga babae ay bumibili ng pill packs na may 21 o 28 pills. Maaari ka ring maka-avail ng extended packs na may 91 pills o 365 pills.

Dahil sa mga ganitong uri ng pills at may kaalaman kung paano gumamit nito, maaaring mag-skip ang iyong dalaw at magkaroon ng minsanang regla.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paano gumamit o uminom ng pills: Tamanag paraan at metodo

Inumin ang pills araw-araw, sa parehong oras. Mahalaga ito lalo na kung ikaw ay naka-minipill o progestin-only pills. Ang pills na ito ay may mas maliit na margin-of-error kaysa regular pills na may estrogen at progestin.

Missed dose

Tumatalab naman ang birth control pills lalo na sa unwanted pregnancies kapag tama ang paggamit at pag-inom. Pero, “pwede pa rin bang mabuntis kahit umiinom ng pills” ay oo pa rin, lalo na kung mali ang paggamit at pag-inom ng pills.

Kung 2 araw ka nang hindi umiinom ng pills pagkatapos ng huling ininom:

  • inumin agad ang late o na-skip na dose.
  • inumin ang natitirang pills batay sa iyong regular na schedule, kahit na kailangan mong uminom ng dalawang pills kada araw.

Epekto ng maling paggamit ng pills

Ang maling paggamit ng pills ay maaaring mangyari, lalo na sa posibleng makalimot ng dose at maling dosage. Pero, mas malaki ang risks lalo na sa mga umiinom ng pills pero hindi maaari dahil sa mga kondisyon at sitwasyon tulad ng:

  • paninigarilyo habang nagte-take ng pills
  • may history ng diabetes at heart disease
  • uncontrollable na pagtaas ng blood pressure
  • pag-inom ng pills kung nasa early pregnancy (pero minsan at kakaunti lamang ang kaso ng masamang epekto ng pills sa buntis)

Alamin pa rin ang mga impormasyon hinggil sa maling pag-inom nito, lalo na ang mga aksidenteng pagkalunok ng bata ng pills (na magdudulot ng pagsusuka).

Masamang epekto ng pills sa buntis

Kung umiinom ka ng pills na walang rekomendasyon at preskripsyon ng inyong doktor, lalo na kung ikaw pala ay buntis, magdudulot ito ng masamang epekto.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Batay sa etikal na konsiderasyon, hindi rin dapat gawin ang uminon ng birth control pills lalo na kung nalaman mong nagbubuntis ka na.

Ilan sa mga masamang epekto ng pills sa buntis ay ang mga sumusunod:

  • risk ng lower birth rate ng iyong magiging baby
  • preterm birth
  • urinary tract complication sa mga bagong panganak na baby

Ang mga naitalang records ng epektong ito ay hindi nakikitang nangyayari kapag nakainom ng birth control pills ang ina sa kanyang early pregnancy. Madalas, coincidental lamang ang ilan sa mga kasong ito.

Mahalagang paalala, lalo na kung nakainom ng pills bago mo pa malaman na ikaw ay buntis ay sumangguni sa doktor.

Paano ba gumagana ang birth control pills?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Freepik

Ang birth control pills ay isang uri ng gamot na naglalabas ng mga hormones upang pigilan ang pagbubuntis. Bukod dito, nakakatulong din ang birth control pills para maregulate ang buwanang dalaw, pati na rin iba pang magandang benepisyo gaya ng pagganda ng balat.

Mayroong iba-ibang uri ng birth control pills, ngunit ang pinakamadalas na gamitin at madaling mahanap sa Pilipinas ay ang mga sumusunod:

Uri ng birth control pills

Ano nga ba ang nagagawa ng pills sa katawan ng isang babae?  Sa paunang ulat ni Irish Manlapaz, ibinahagi niya ang tatlong uri ng pills na maaaring gamitin ng mga babae o ina na ayaw munang magbuntis.

Combination pills

Ang unang uri ng birth control pills na ginagamit ng maraming kababaihan dito sa Pilipinas ay ang combination pills. Ito ay ang uri ng pills na nagtataglay ng mga combined hormones na estrogen at progesterone.

Sa pag-inom ng combination pills, napipigilan nito ang iyong katawan sa pag-oovulate. Nangyayari ito sa pamamagitan ng pagpigil ng pills na mag-release ng egg ang iyong ovaries.

Pinapakapal din nito ang iyong cervical mucus para mahirapan ang sperm na mag-travel sa iyong uterus at makapag-fertilize ng egg.

Pero maliban sa pagpigil ng pagbubuntis, ang mga new generation combination pills sa ngayon ay may naitalang magandang epekto sa mga babaeng gumagamit nito.

Progestin-only pills

Pero para sa mga babaeng nagpapadede, hindi inirerekumenda ang paggamit ng combination pills. Sapagkat sa ito ay may taglay na estrogen na maaaring makaapekto sa kanilang milk supply.

Ang inirerekomenda para sa kanila ay ang tinatawag na progestin-only pills na safe rin sa kanilang sanggol. Gaya ng combination pills, pinapakapal rin nito ang iyong cervical mucus para mahirapan ang sperm na makapasok at makarating sa egg cells ng babae.

Bukod sa pagpigil sa pagbubuntis, mayroon ring karagdagang benepisyo ang progestin-only pills gaya ng paghina ng regla ng babae, may kaakibat rin itong mga ‘di kanais-nais na epekto.

Pagpapaliwanag ni Dr. Dr. Arlene Ricarte Bravo, active consultant OB-Gyne sa Makati Medical Center,

“’Yong pills naman na para sa nag-breastfeed dahil hindi pwedeng ma-receive ng baby ‘yong component na estrogen, so purely progesterone so iyon walang kasamang anti-acne. Minsan may side effect na nag-spotting ka kasi purely progesterone. And then there is some kind of water retention and then the feeling ng umiinom ay parang bloated ka.”

Emergency contraceptive pills

Ang pangatlong uri ng birth control pills ayon kay Dr. Bravo ay ang tinatawag na emergency contraceptive pills. Hindi tulad ng combination at progestin-only pills, ang emergency contraceptive pills ay iniinom lang matapos makipagtalik.

Subalit dapat ito ay nasa loob lang ng 72-hour window matapos makipag-sex. Sapagkat kung hindi ay hindi na eepekto at maaaring hindi na mapigilan pa ang pagbubuntis.

Pero ang pills para hindi mabuntis na ito ay hindi inirerekomendang gamitin dito sa Pilipinas dahil kapag hindi nagamit sa tamang oras, maari itong magdulot ng masamang epekto ay komplikasyon sa pagbubuntis. Ayon kay Dr. Bravo,

“Unang-una by law, hindi tayo pabor sa emergency contraceptive pill ‘yong tinatawag na plan B.

Ang ginagawa noon ay pinapabagal ‘yong pag-travel ng fertilized egg and sperm pwede kang magkaroon ng ectopic pregnancy, so kung na-late ang pag-inom ng morning after pill ayan ang posibleng mangyari.” aniya.

“High dose kasi ito ng progesterone yung Levonorgestrel na component. So single dose is 3 grams. ‘Yong 3 grams mataas ‘yon so ang side effect noon pwede kang magsuka, pwede kang mahilo, headache, mga ganoon. ‘Yong iba pagkatapos uminom ng morning after pill napupunta sa emergency room.”

Basahin ang kabuang ulat ni Irish Manlapaz kung paano ang tamang pag-inom at paggamit ng pills. I-click dito!

Mga brand at pills na mabibili sa Pilipinas

Trust

Ang mga ingredients ng Trust pill ay ethinylestradiol, levonorgestrel, at Fe fumarate. Bukod sa pagiging isang contraceptive, nakaktulong din ito para maibsana ang sintomas ng dysmenorrhea, premenstrual syndrome, at menorrhagia.

Pagdating naman sa mga side effects, ay posibleng magkaroon ng pagkahilo, sakit ng ulo, pagsusuka, at pagbabago sa mood. Ngunit hindi naman lumalabas ang mga sintomas na ito sa lahat ng umiinom ng Trust.

Diane

Ang Diane pill naman ay may active ingredients na cyproterone acetate at ethinyloestradiol. Ginagamit din ito upang gamutin ang iba’t ibang hormonal imbalance sa mga babae bukod sa pagiging isang contraceptive.

Nakakatulong din ito para gumanda ang balat at buhok para sa ilang mga umiinom nito.

Bago uminom ng kahit anong birth control pill, mahalagang magpakonsulta muna sa doktor. Mas mabuti na malaman mo kung anong uri ng pill ang pasok sa pangangailangan mo upang masiguradong walang masamang side-effects galing dito.

Hindi rin mabuti na pagsabayin ang 2 uri ng contraceptive, dahil ito ay makakasama sa kalusugan.

Althea

Ang Althea pills ay isa sa kilalang contraceptive pills na ginagamit ng mga kababaihan. Ito ay may taglay na Cyproterone Acetate at Ethinyl Estradiol na hindi lamang para pigilan ang pagbubuntis ngunit para rin controlin ang pagdami ng acne at hirsutism o unwanted hair growth sa katawan.

Nag pills pero hindi nireregla?

Isa sa mga karaniwang epekto ng pag-inom ng birth control pills ay ang pagre-regulate ng monthly cycle ng isang babae. Kaya naman inaasahang magiging regular at maayos ang kaniyang period kapag gumagamit siya ng pills. Subalit para sa ibang babae, nangyayari rin na nag pills na sila pero hindi pa rin sila nireregla. Bakit kaya?

Dahil sa ang paggamit ng oral contraceptives ay nagpapagana ng iba-ibang hormones sa ating sistema, maari rin itong maka-apekto sa ating menstrual cycle.

Kadalasan, nakakatulong ang pills upang maging mas magaan o mas mahina ang period ng isang babae, samantalang ang iba naman ay hindi talaga dinadatnan. Ang abnormal na paglaktaw ng regla ay tinatawag na amenorrhea.

Pero bukod sa hormones na dala ng pag-inom ng birth control pills, mayroon ring iba pang dahilan kung bakit hindi dinadatnan ang isang babae. Ilan rito ang stress, pagbabago sa kanilang diet, labis na pag-eehersisyo at maging ang tuluy-tuloy na paggamit ng ibang birth control pills.

Tandaan rin na dapat ay sigurado kang tama ang pag-inom mo ng pills para maiwasan ang pagbubuntis.  Kung nagmintis ka sa pag-inom, siguruhing umiwas ka sa pakikipagtalik o mayroon kang ginamit na backup contraceptive gaya ng condoms.

Subalit kung nakakaramdam ka ng mga sintomas gaya ng pananamlay, pagkahilo, pagsusuka at madalas na pag-ihi, mas mabuting magsagawa ng pregnancy test upang malaman kung may posibilidad na buntis ka.

Pwede pa rin bang mabuntis kahit umiinom ng pills?

OO! May posibilidad at pwede pa rin bang mabuntis ang babae kahit umiinom ng pills kung hindi niya masusunod ang tamang pag-inom nito.

Mahalaga na inumin araw-araw ang mga birth control pills. Dahil mabilis mawala ang epekto nito, lalo na kung hindi ito iinumin sa tamang oras.

Ito ay dahil time-sensitive o limitado lamang ang epekto ng mga birth control pills. Kung iniinom mo ito araw araw pagkatapos mag almusal, kailangan tuluy-tuloy na ganito ang pag-inom mo kung gusto mo na 99% ang bisa nito.

Kung inumin mo ito ng hapon, o kaya tanghali, posibleng maapektuhan ang bisa ng gamot. Ibig sabihin, may posibilidad na mabuntis ka. Lalong-lalo na kung makalimutan mo ito kahit isang araw lang!

Kaya dapat basahing mabuti ang instructions na kasama ng iyong pills, at siguruhin na inumin mo ito araw-araw. Kung kinakailangan mo mag-alarm o magset ng reminder sa iyong cellphone, gawin mo ito upang siguradong hindi mo makakalimutang uminom ng pills.

Mainam rin na bumili ng dagdag pills para kung sakaling makalimutan mong bumili, o kaya maubusan sa botika. Mabuti na ang may extrang pills na nakatabi kung kinakailangan.

Bukod dito, nirerekomenda din ng mga eksperto na kahit umiinom ka ng birth control pills, ay mayroon kayong mga condom o ibang paraan ng emergency birth control. Ito ay para siguradong hindi ka mabubuntis.

May ilang gamot din tulad ng antibiotics na puwedeng makaapekto sa birth control. Kaya magpakonsulta palagi sa doktor kapag iinom kayo ng bagong gamot habang nasa birth control.

Mga ilang paalala

Tandaan, ang birth control pills ay hindi para sa lahat. Kaya bago sumubok ng kahit anong uri ng oral contraceptives, mas mabuting kumonsulta muna sa iyong OB-Gynecologist upang mabigyan ka ng payo ng tamang paggamit nito.

Tandaan din na oo ang sagot sa tanong na kung pwede pa rin bang mabuntis kahit umiinom ng pills.

 

Dagdag na impormasyon mula kay Nathanielle Torre

Dito sa theAsianparent Philippines, mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Sinulat ni

Jan Alwyn Batara