Queenie Padilla sa pakikipaghiwalay sa asawa: “I have decided to separate from my husband, due to irreconcilable incompatibility.”

Si Queenie humihiling muna ngayon ng privacy sa pinagdadaanang ito sa buhay niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Panganay na anak ni Robin Padilla na si Queenie Padilla inanunsyo sa social media ang paghihiwalay nila ng mister niya.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Queenie Padilla sa pakikipaghiwalay sa mister niya.
  • Pagsasama ni Queenie at mister niya.

Queenie Padilla sa pakikipaghiwalay sa mister niya

Larawan mula sa Facebook account ni Queenie Padilla

Sa Instagram ay ibinahagi ni Queenie Padilla, ang panganay na anak ni Robin Padilla sa ex-wife na si Liezl Sicangco na sila ay hiwalay na ng kaniyang asawa. Ang kaniyang mister ay si Usama Mir, isang Pakistani na 11 years niya ring nakasama. Ayon sa post ni Queenie, irreconcilable incompatibility ang dahilan ng paghihiwalay nila. Ito ay sa kabila ng ilang taong pagsubok na ma-settle ito at mapakisamahan ng maayos ang isa’t-isa.

“Assalamualaikum, after much thought and consideration, I have decided to separate from my husband, due to irreconcilable incompatibility. This decision wasn't taken overnight it has been years and months of trying to work things out.”

Ito ang sabi ni Queenie sa kaniyang Instagram post.

Larawan mula sa Facebook account ni Queenie Padilla

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pagsasama ni Queenie at mister niya

Dagdag pa ni Queenie, sa kabila ng kanilang paghihiwalay ay patuloy niyang rerespetuhin ang dati niyang asawa, Lalo pa’t sila ay may anak, habang buhay niya rin daw pasasalamatan ang matagal nilang pagsasama.

“I will always have love, honor, and respect for the father of my child. He's a great father and responsible human being.”

 “Although life has taken us on different paths right now, I will forever cherish the 11 years we've had together.”

Ito ang sabi pa ni Queenie na humiling din na sana ay respetuhin muna ang privacy nila. Sinabi niya ring saglit muna siyang magla-lielow sa social media. Bagamat magiging active lang sa kaniyang online shop.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Facebook account ni Queenie Padilla

Ayon sa isang panayam, taong 2012 ng maikasal si Queenie sa kaniyang mister. Bagamat nagbabahagi siya sa social media ng mga larawan nila ay pinili niyang hindi magbahagi ng anumang impormasyon tungkol dito. Kahit ang mga larawan ng anak niya ay pinili niya ring takpan at itago sa social media.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement