Isinailalim na umano sa state of calamity ang bayan ng Boac at Buenavista sa lalawigan ng Marinduque. Ito ay dahil sa mataas na kaso ng rabies, na hindi lang naitala sa mga aso at pusa kundi maging sa mga baka at baboy.
Rabies outbreak, pati mga baka at baboy apektado?
Ayon sa report ng GMA News, sinabi umano ni Provincial veterinarian Josue Victoria na dalawang tao na ang namatay sa Marinduque nang dahil sa rabies. Bukod pa roon ang 89 kaso ng rabies sa mga aso na naiulat kung saan ay 42 sa mga ito ang nagpositibo sa laboratory testing.
Larawan mula sa Shutterstock
“Nag-start ‘yung outbreak sa Boac, ‘yung capital town. Nag-spill over na ito sa bayan ng Gasan. Nag-spillover na rin ito doon sa northern part, ‘yung bayan ng Mogpog. And meron na ring mga cases sa, mabilis ‘yung pagkalat ng rabies sa bayan ng Buenavista,” saad ni Victoria.
Nagsagawa na ng animal disease investigation ang Department of Agriculture mula pa noong Setyembre nang mamatay ang isang 16-anyos.
Sa rabies outbreak na ito, hindi lang aso at pusa ang apektado kundi maging baboy at baka.
Ayon sa report ng Philstar, hindi bababa sa anim na baboy, dalawang baka at isang usa ang naiulat na tinamaan na ng rabies sa Marinduque.
Larawan mula sa Shutterstock
Hindi naman daw nakahahawa ang rabies ng usa. Pero posible kasing mapasok ng asong gala o stray dog ang kanilang wildlife sanctuary. At magresulta ng pagkalat ng rabies sa iba pang hayop.
Nitong nakaraang linggo, nagsabi ang Department of Agriculture na babakunahan na ang 40 hanggang 50% livestock. Pati na rin ang mga aso’t pusa sa Marinduque. Ito ay upang masugpo ang pagkalat ng rabies sa mga baka at baboy, gayundin sa iba pang hayop.
Larawan mula sa Shutterstock
Samantala, ayon pa sa report ng Philstar, sinabi umano ng Department of Health na ang sino mang makakain ng karne ng baka o baboy na may rabies ay nararapat na magpakonsulta agad sa doktor.
“It is best to consult your nearest doctor or emergency room for proper guidance. Rabies is transmitted through bites, scratches, or licks from infected animals,” saad ng DOH.
Ano nga ba ang sintomas ng rabies? Maaaring basahin ang article na ito: Rabies: Sanhi, sintomas, at paraan para maka-iwas dito
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!