Viral ngayon sa social media ang isang Facebook post, na nagpapakita ng high school yearbook ng bagong Miss Universe Philippines na si Rabiya Mateo.
Hindi lamang talaga siya maganda kundi talagang matalino siya. Pinuri ng netizen si Rabiya dahil sa kaniyang mga achievements. Marami rin ang bumilib sa kaniyang angking talino kahit noong high school pa lamang siya.
Ilan lamang sa mga achievement ni Rabiya Mateo ay ang pagiging 1st honorable, Best in Communication, at Performer of the Year. Naging vice president president din siya ng Com Arts Club nila noong highschool. Dagdag pa riyan ang pagiging line leader, F.L Youth Business Manager, at marami pang iba.
Comment ng mga netizen;
“Rabiya is pretty she came from very poor family kaya nagsumikap siya besides may time talaga na mag goglow tayo may ibat ibang panahon lang just like ivanna ‘di siya sobrang pansinin nong starstruck days pero nag wait siya ng time niya to bloom.”
“Her intelligence and character spell her complete package…”
“No wonder why she is articulate.”
Ang pag-aalay ni Rabiya ng kaniyang Miss U crown
Ayon kay Rabiya Mateo ang Miss Universe Philippines 2020, alay niya sa kaniyang single mom ang kaniyang korona.
Isang Pilipina ang kaniyang nanay habang ang tatay naman niya ay isang Indian national. Sa kuwento ni Rabiya 5-anyos pa lang siya nang iniwan at inabandona sila ng kaniyang tatay. Kaya naman pinalaki siya ng mag-isa ng kaniyang nanay.
“We were abandoned when I was around 5 years old. I have a younger brother, same dad, same mom. My mom was the only one who raised us.”
Dagdag pa niya, “I offer the success to my single mother, ang lahat siguro ng mga doubts ko in the past, lahat ng pagsusumikap, parang ngayon ko lang nakuha ang results,”
Ang pagiging breadwinner niya
Kuwento pa ni Rabiya Mateo sa murang edad ay naging breadwinner na siya ng kaniyang pamilya. Tumutulong siya sa kaniyang nanay. Marami umanong problemang pinansyal ang kaniyang pamilya. Kaya nagsumikap siya at nagtrabaho bilang isang model para kumita ng pera para makatulong sa kaniyang ina.
“Since broken family kami, hindi talaga masaya ang buhay. I can say hindi siya smooth kasi maraming problems especially when it comes to finances. That’s why at an early age naging breadwinner ako ng family, while being a full scholar. I was doing some modelling gigs just to earn money na pambaon ko lang.”
Nagtapos siya bilang isang cum laude sa kursong physical therapy sa Iloilo Doctors College noong 2018. Matapos nun nagtrabaho siya bilang isang lecturer bago siya sumali ng Miss Universe Philippines.
Para kay Rabiya Meteo, mahalaga ang edukasyon upang makamit mo ang tagumpay sa buhay. Ito umano ang napatunayan niya.
Hindi pa umano siya makapaniwala na siya na ang bagong Miss Universe Philippines, “Sabi ko this was just a dream, sabi ko wala talagang impossible once you put your hear and soul into something that you really want to do.”
Kaya naman asahan umano natin na gagawin niya ang lahat para sa ikararangal ng ating bansa.
Winning answer ni Rabiya Mateo
Sa article na una nang nagawa ni Irish Manlapaz sa theAsianparent patungkol rito ito ang naging winning answer ni Rabiya Mateo sa sa Ms. Universe Philippines 2020.
Tanong ni Rabiya:
“If you could create a new paper currency with the image of any Filipino on it, dead or alive, who would it be, and why?”
Sagot ni Rabiya:
“If I were given the chance, I would want to use the face of Miriam Defensor-Santiago. For those who don’t know, she was an Ilongga. But what I admire about her is that she used her knowledge, her voice to serve the country. And I want to be somebody like her, somebody who puts her heart, her passion into action, and after all, she is the best president that we never had.”
Image from Miss Universe Philippines Facebook page
Ang sunod na tanong kay Rabiya ay tungkol sa kung ano ang stand ng mga pageants tulad ng Miss Universe Philippines sa gitna ng pandemic na ating nararanasan. Ang tanong na ito ay itinanong din sa iba pang kandidata na pasok sa top 5 ng kompetisyon na sina Ms. Cavite, Parañaque, Bohol at Quezon City.
Tanong:
“This pandemic has made clear our priorities, essential and non-essential. Where do pageants stand in this time of crisis?”
Sagot ni Rabiya:
“As a candidate I know I’m not just the face of Iloilo City, but I am here carrying hope and as a symbol of light in the darkest times, and as of the moment, I want to help my community, I want to use my strength to make an impact, and that is the essence of beauty pageants, it gives us the power to make a difference.”
Sa kaniyang mga sagot sa mga katanungan, naging daan ito para itanghal siya na panibagong Miss Universe Philippines 2020.
Source:
BASAHIN:
Ms. Iloilo Rabiya Mateo kinoronahan bilang Ms. Universe Philippines 2020