Kadalasan naririnig natin ang kasabihang “rain on wedding day means good luck.” Para sa isang magkasintahan sa Cordon, Isabela, hindi lang kaunting ulan ang bumungad sa kanila sa kanilang kasal noong Sabado, Setyembre 15, kundi ang Typhoon Ompong!
Tinatayang may 160 hanggang 195 kilometers per hour ang lakas ng hangin na dala ng bagyong ito na sumalanta sa Northern Luzon kamakailan. Hindi rin nagpa-awat ang ulan na dala nito dahil karamihan ng mga lugar, kabilang na ang Baguio City, ay nakaranas ng matinding pagbaha at nagdulot ng matinding pinsala sa mga kabahayan at pananim.
Kahit Signal Number 1 lang sa Isabela, napinsala rin ang ilang mga struktura—kasama na dito ang dapat na reception venue ng magkasintahang Glenn Agapito at Jasmine Apigo.
Ngunit kahit ano pang sama ng panahon, hindi nito napigilan ang pag-iisang dibdib ng dalawa. Itinuloy pa rin nila ang kasalan at inilipat na lamang ang handaan sa baranggay hall. Kahit binabagyo, dumalo pa rin ang karamihan sa kanilang mga kaanak at kaibigan.
Bilang remembrance, nagpakuha ang bagong kasal sa dapat na wedding reception venue nila sa kanilang photographer na si Dondie Ariola. Game na game silang nagpakuha nang may malalaking ngiti sa kanilang mga labi sa sira-sirang venue na nawalan na ng bubong, sira na ang backdrop, at wala ng dekorasyon!
Nang i-post ng photographer ang pictures ng newlyweds, mabilis itong umani ng papuri at nag-viral.
Sa caption ng photographer: “kahit sampong ompong pa ang dumating, kahit masira man ang dekorasyon
tuloy na tuloy parin… umulan bumagyo ayos lang, ayos lang…. tuloy na tuloy parin.”
Para kay sa bagong kasal, hindi niyo man nakuha ang wedding na pinagplanuhan niyo, naway ulanin naman kayo ng grasya. Congratulations!
Basahin: Bride kinasal sa gitna ng bagyo at baha
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!