Raphael Rogoff pens heartfelt letter to his mother Cherie Gil: “When I think of home, I will always think of you.”

Ayon kay Raphael, miss na miss niya na ang ina lalo na ang mga ngiti nito at pagmamahal na ibinibigay sa kaniya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Raphael Rogoff may open letter sa namayapang inang si Cherie Gil.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Open letter ni Raphael Rogoff sa inang si Cherie Gil.
  • Sanhi ng pagkamatay ni Cherie Gil.

Open letter ni Raphael Rogoff sa inang si Cherie Gil

Larawan mula sa Instagram account ni Raphael Rogoff

Halos tatlong linggo ng namayapa ang aktres na si Cherie Gil dahil sa isang rare form ng endometrial cancer.

Ang malungkot na balita ay ibinahagi ng pamilya ni Cherie Gil sa pamamagitan ng isang official statement sa Instagram.

“Our family would like to extend our sincerest gratitude to all those who expressed their concern for Cherie during this difficult time.”

“It is with heartfelt sorrow that we announce that Cherie passed away peacefully in her sleep on August 5th at 4:48 am EST after a brave battle against cancer.”

Ito ang bahagi ng statement tungkol sa pagkasawi ng aktres.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon sa mga pahayag ng mga taong malalapit sa aktres, noong nakaraang taon ay nagdesisyon itong manirahan sa Amerika. Ito ay upang mapalapit sa mga anak niya na naninirahan sa ibang bansa. Isa na nga rito ang anak niyang si Raphael Rogoff na anak ng aktres sa mister niyang violinist na si Rony Rogoff.

Sa kaniyang Instagram account ay ibinahagi ni Raphael ang pangungulila sa kaniyang ina. Ito ay sa pamamagitan ng isang open letter kung saan sinabi ni Raphael na kung gaano siya ka-swerte at proud na si Cherie Gil ang kaniyang ina.

“You were a gift to this world. You touched every life that you came across, whether through the silver screen, on stage, or in person.”

“To your most prized fans, you were Cherie Gil, La Primera Contravida. To some, Evangeline Rose; or perhaps Cheech. To me, simply, Momma—my homie. What a luxury.”

Ito ang bungad ni Raphael sa kaniyang IG post.

Ibinahagi niya rin kung paano nababago at naapektuhan ni Cherie Gil ang buhay ng mga tao sa paligid niya. Lalo na ang kaniyang tawa at kakaibang wit na talaga nga naming hindi malilimutan ng mga taong malalapit sa kaniya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Marami rin daw itinuro kay Raphael ang ina niyang si Cherie Gil. Isa na rito ang magmahal ng taos sa puso at magpakatotoo sa sarili niya.

“You taught me to love unconditionally and bathe in the beauty of emotions; to appreciate every moment, big or small, happy or sad.”

“You showed me how to live freely; with no care in the world. Always wearing your heart on your sleeve and unapologetically being yourself. Always. You were the life of every party and the party to my life.”

Ito ang sabi pa ni Raphael.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Raphael Rogoff

Giit pa niya, dahil sa labis na pagka-miss sa ina, ano daw kaya ang puwedeng gawin para muli itong makasama kahit isang saglit. At ang makita ang mga ngiti nito na hindi niya malilimutan.

“What I’d give for just another minute to spend with you—No amount of time would ever be enough. What I’d do to see you crack that unforgettable smile of yours; the one that radiated with so much joy.”

Sa huli, pinasalamatan ni Raphael ang ina sa buhay na binigay nito sa kaniya. Sabi pa niya ay hindi niya ito malilimutan at laging dadalhin ang alaala nito sa puso niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“When I think of home, I will always think of you; carrying you with me always. Thank you for the greatest gift I could’ve asked for; this life, and your love.”

“For you, I will continue to dance to the music of life. For both of us. Just like we promised.”

Ito ang sabi pa ni Raphael sa open letter niya para sa inang si Cherie Gil.

Larawan mula sa Instagram account ni Raphael Rogoff

Si Raphael ay isa sa dalawang anak ni Cheril Gil sa mister na si Rony Rogoff. Ang isa pa niyang anak sa mister na musician ay isang babae na nagngangalangang Bianca. Nagkaroon rin sila ng anak ng aktor na si Leo Martinez. Ito ay ang panganay niyang nagngangalang Jay.

Sanhi ng pagkamatay ni Cherie Gil

Samantala, base sa official statement na inilabas ng pamilya ni Cherie Gil siya ay nasawi dahil sa isang rare form ng endometrial cancer. Ang endometrial cancer ay isang uri ng sakit na kung saan may nabubuong malignant cancer cells sa tissue ng endometrium o bahagi ng uterus ng babae.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Base sa National Cancer Institute, ang obesity at pagkakaroon ng metabolic syndrome ay maaring makadagdag sa tsansa ng pagkakaroon ng ganitong sakit sa mga babae. Ganoon rin ang pag-inom ng gamot sa breast cancer na tamoxifen. Pati na rin ang pagte-take ng estrogen na walang halo o kasabay na progesterone.