Sa isang pag-aaral na ginawa ng National Cancer Centre Singapore, sa lahat ng mga naitalang uri ng cancer sa Singapore, 25% dito ay mga rare cancer. Ang mga teenagers at mga nasa gitnang edad ang madalas magkaroon ng ganito. Mas prone sila sa nakamamatay na sakit na ito. 47% ang survival rate nila kumpara sa 65% survival rate sa mga common types ng cancer. Ang ganitong sitwasyon ay sobrang nakaka-alarma na kailangang pagbigyan ng pansin.
Ano ang rare cancer?
Ayon sa National Cancer Institute of USA, sa 100,000 na tao 15 dito ay nagkakaroon taun-taon ng isang rare cancer. Para sa maraming bansa sa Europe, ang cut-off nito ay 6 out of 100,000 sa tao dahil pili lang ang nagkakaroon ng ganitong klaseng sakit.
Binahagi naman ni Dr. Chan Yong Sheng Jason, consultant oncologist ng NCCS, ang kaniyang nalalaman sa sakit na ito. Ang mga rare cancer na kanyang nalaman ay ang soft-tissue and bone sarcomas, non-cutaneous melanomas (acral, musocal and ocular). Kasama na rin ang iba pang uri ng lymphoma katulad ng T-cell lymphoma at Hodgkin lyphoma.
Mga uri ng rare cancer:
1. Sarcomas
Ito ay isang uri ng agresibong tumor kung saan tinatamaan ang mga tissue at organs sa katawan ng isang tao. Nakikita ang soft tissue sarcomas sa taba, blood vessels, deep skin tissues, ligaments, tendons at muscle ng isang tao.
Bihira rin itong dumapo sa mga matatanda. Ang taong may soft tissue sarcomas ay walang nakikitang sintomas sa una. Ngunit lumalabas kapag naglaon. Katulad ng tumor, ito ay kapag may napansin kang namamaga o bukol na bahagi ng iyong katawan ngunit hindi masakit.
Sa Bone Sarcomas naman, puntirya naman nito ang buto. Sa una ay makakaramdam ka ng pananakit kahit walang bukol. Karaniwan itong naaapektuhan ang long bones sa kamay at hita.
Lingid sa kaalaman ng iba, ito ay may 50 na uri. Ilan sa mga ito ang:
- Neurofibrosarcoma. Naaapektuhan ang protective lining ng nerves.
- Rhabdomyosarcoma. Nakikita sa skeletal muscle.
- Angiosarcoma. Ito ay sa dugo o lymph vessels.
- Synovial sarcoma. Tumor ito sa stem cells.
- Vascular sarcoma. Sa blood vessels ito nagpapakita.
Alamin pa ang iba pa nitong klase. Pindutin ito.
2. Lymphoma
Ito ay isang uri ng cancer sa lymphatic system. Kasama dito ang lymph nodes, spleen, thymus gland at bone marrow. Kaya nitong hawaan ang lahat ng parte kasama na ang iba pang organs mo. Ang dalawang pangunahing subtypes nito ay ang Hodgkin’s lymphoma at Non-Hodgkin’s lymphoma. Iba pang uri:
- Chronic lymphocytic leukemia
- Cutaneous B-cell lymphoma
- Cutaneous T-cell lymphoma
- Waldenstrom macroglobulinemia
Ang mga sintomas nito ay pamamaga ng iyong lymph sa leeg, kili-kili at groin. Kasama rin ang pagkakaroon ng lagnat, pagpapawis sa gabi, pagkahingal, weight loss at pangangati ng balat.
Ang treatment sa cancer na ito ay nakadepende sa kaso mo. Ngunit ang karaniwang lunas dito ay chemotherapy, immunotherapy medications, radiation therapy o bone marrow transplant.
3. Melanoma
Ito naman ay isang uri rin ng cancer sa balat. Ito ay pwedeng tumubo sa kahit anong parte ng iyong katawan. Ngunit kadalasan nito sa mga parte kung saan nasisikatan ng araw. Ang unang sign at sintomas ng melanoma ay ang pagbabago ng iyong nunal.
Nasa listahan na rin ng mga rare cancer sa mundo ang thyroid cancer, neuroendocrine cancer, head and neck cancer. Kasama naring nadagdag dito ang Paediatric o Childhood cancer dahil sa pagtaas ng kaso nito namahirap tukuyin at gamutin.
Paano malalaman at magagamot ang rare cancer?
Ang pag-aaral sa mga ganitong klase ng cancer ay mahirap at challenging lalo na kung hindi dalubhasa ang mga ito pagdating sa ganitong mga kaso. Dahil sa mga limitadong impormasyon ukol dito, mahirap itong hanapan ng lunas. Ayon kay Doctor Chan, ang tertiary cancer institute ay makakatulong upang mabawasan ang mga walang katiyakang pag-aaral at treatment dito. Kung magkakaroon ng isang experienced specialist para dito, malaki ang tyansa na mapabuti ang kalagayan ng isang pasyente.
Bakit ang mga bata ang malapit sa ganitong uri ng cancer?
Ang kaso ng cancer sa mga bata ay iba sa mga matatanda. Ngunit ang dahilan kung bakit mas mataas ang posibilidad ng pagkakaroon ng rare cancer ng mga bata ay kasalukuyan pa ring hindi matukoy dahilan sa kakulangan sa mga materyales.
Ano ang gagawin kung ang isang tao ay na-diagnosed ng may rare cancer?
Ang Tertiary Cancer Institute at kumpletong mga pasilidad kasama na ang mga espesyalista dito ay maaaring makatulong upang makahanap ng solusyon sa mga rare cancers na ito. Kung patuloy na pag-aaralan ang sakit na ito, mataas ang tyansa na makahanap ng solusyon dito.
Mag-participate sa Run for Hope at magpakalat ng awareness tungkol sa cancer at kung paano ito malalabanan. Let no one fight this deadly disease alone.
Republished and translated with permission from: theAsianparent Singapore
BASAHIN: Mga sintomas ng cancer sa bata , 10 pagkain na maaaring maging sanhi ng cancer