X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Becoming a Parent
    • Trying to Conceive
    • Pregnancy
    • Delivery
    • Losing a Baby
    • Project Sidekicks
  • Ages & Stages
    • Baby
    • Toddler Years
    • Preschool Age
    • Kids
    • Preteen & Teen
  • Parenting
    • Parent's Guide
    • News
    • Relationship & Sex
  • Health & Wellness
    • Diseases & Injuries
    • Allergies & Conditions
    • Vaccinations
  • Education
    • Preschool
    • K-12
    • Special Education Needs
  • Lifestyle Section
    • Celebrities
    • Contests & Promotions
    • Home
    • Travel and Leisure
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Money
  • Become a VIP
  • COVID-19
  • Press Room
  • TAP Recommends
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

REAL STORIES: "Undecided if I'm going to continue my pregnancy"

5 min read
REAL STORIES: "Undecided if I'm going to continue my pregnancy"
Humihingi ng advice mula sa theAsianparent Community ang isang miyembro para sa kanyang sitwasyon. Kahit pa siya ay nasa ikatlong buwan na ng pagbubuntis, naiisipan niya paring ipa-abort ang kanyang anak. Alamin ang kanyang rason at ang mga sinabi ng iba pang miyembro tungkol sa abortion sa Pilipinas.
 

Undecided if I’m going to continue my pregnancy

“Hi mga Sis, I need advice, sobra nakong nahihirapan and minsan gusto ko nang magpakamatay.
I am 3months pregnant now, undecided padin ako kung itutuloy ko ba ito o ipapalaglag ko.
Wag nyo muna ako husgahan please. Ito po ang sitwasyon ko, 1yr and 3months narin kami magka live-in ng bf ko nang malaman kong buntis ako. 27 y.o nako, may trabaho naman kaming maayos and I think nasa tamang edad nako para magkaroon ng baby.
Pero here comes the problem, nalaman kong may babae pala ang bf ko, at 2months ahead syang pregnant sakin. At ang masakit, itinago ng bf ko at ng pamilya niya na buntis yung babae niya. Inamin lang nung babae sakin na buntis sya kung kelan 1 month pregnant narin ako.
Sobrang sakit mga Sis. Dinudurog yung puso ko na di ko matanggap na yung lalaking araw araw kong kasama sa bahay eh nagagawang sumiping sa iba. At hindi ko rin matanggap na sabay pa kami ngayong buntis sa anak nya. Ang pinaka masakit pa eh yung support ng buong pamilya niya ay nandun sa babae at wala sa baby ko.
Anong sakit sa pakiramdam yung niloko kana nga ng bf mo, hindi ka na nga tanggap ng pamilya nya pati ba naman baby mo ayaw nila at mas gsto nila yung baby ng kabit ng bf mo.
Yung bf ko todo sorry sakin at bumabawi naman. Magkasama parin kami sa bahay at tinatanong ko sa kanya kung payag ba siya na ipalaglag ko yung baby namin. Sabi niya sakin kawawa naman yung baby namin, nadadamay sa kasalanan niya. Nagsorry siya sakin dahil nasaktan niya ko ng sobra. Kaso mga sis, hindi sapat sakin yung sorry. Hindi na nya mababalik ang tiwala kong sinira niya, at hindi naman mababago ng sorry niya yung sitwasyon na kinalalagyan namin.
Gusto kong i-abort yung bata para lumaya ako sa kanya dahil minsan ko na siyang pinatawad sa pambabae nya. Di ko akalain na uulitin niya with the same girl, sobrang tanga kolang para maniwala sa kanya na magbabago sya. Kaya ngayon na nagso-sorry siya, nagsasabing magbabago na at dina siya uulit, sobrang kasinungalingan lang yun para sakin.
Isa pa, mainitin ang ulo nya. Lagi akong minumura at pinapamukha sakin lahat ng bagay na ginagawa nya. Nagsisira ng gamit, at sa tuwing nagagalit nag aalsabalutan.
Dapat nuon ko pa naisip humiwalay sa kanya pero di ko nagawa dahil sa sobrang pagmamahal ko sa kanya. Ngayon, kung kelan ako buntis tsaka nabuo sa isip ko na iwanan siya. Pero paano naman ang baby ko? Ayoko namng lumaki siya na walang ama, kaya kahit ganun ang ugali niya nagtitiis ako. Gusto ko gawin ang tama dahil kasalanan Kay Lord ang pag patay ng sanggol kaya nagtitiis ako sa piling nya. Pero nahihirapan na ko makisama, sumusuko na ko.
Ayoko naman dalhin ito ng mag-isa dahil sobra akong takot sa sasabihin sakin ng pamilya ko. Ngayon pa nga lang na nahahalata na nilang buntis ako kung ano anong masasakit na salita na ang naririnig ko. Ayokong magdala ng kahihiyan sa pamilya ko. At gusto ko narin lumaya mula sa lalaking mapang abuso. Kaya naiisip ko tuloy ipalaglag ang baby ko.
Isa pa, ako ang bread winner ng pamilya ko. Kaya sa tingin ko hindi ko kakayanin ang magsustento sa responsibilidad ko sa pamilya ko at sa magiging anak ko. Di ko rin kaya mag-alaga lalo na’t wala akong pamilyang aasahan na magiging katuwang lalo na kung magwo-work ako.
Sobrang gulo ng isip ko.
Please, help me naman to enlighten yung pag iisip ko. Sobrang nasa darkest period of my life ako ngayon. Please help.”
-Anonymous

Mga sagot

Tumanggap nang nasa halos 800 komento ang ibinigay na tanong. Ganunpaman, hindi nalalayo ang sagot ng mga mommies na tumugon sa paghingi ng advise.

REAL STORIES: Undecided if Im going to continue my pregnancy

 

REAL STORIES: Undecided if Im going to continue my pregnancy

 

REAL STORIES: Undecided if Im going to continue my pregnancy

 

REAL STORIES: Undecided if Im going to continue my pregnancy

 

REAL STORIES: Undecided if Im going to continue my pregnancy REAL STORIES: Undecided if Im going to continue my pregnancy REAL STORIES: Undecided if Im going to continue my pregnancy

 

Halos lahat ng sumagot ay nag-advise na huwag i-abort ang baby. Kanilang tinuturo na walang kasalanan ang baby at hindi dapat ito ang managot sa kasalanan ng kanyang ama. Sila rin ay nagpapa-abot ng kanilang moral support pagdating sa pamilya ng nagtatanong. Ibinahagi nila ang kanilang karanasan kung saan nung una ay hindi rin tanggap ng kanilang pamilya ang kanilang pagbubuntis. Subalit ngayon, ang mga lolo at lola ay tuwang tuwa sa kanilang mga apo.

Pro-choice ka man o pro-life, kailangang tanggapin na illegal ang abortion sa Pilipinas. Kung naghahanap ng makaka-usap at kailangan ng counseling, maaaring tumawag sa Pro-Life Philippines Foundation, Inc. Sila ay nagbibigay ng tulong at counseling para sa mga hindi sigurado sa pagtutuloy ng kanilang pagbubuntis. Maaari silang tawagan sa landline na (02) 8571 6550.

 

Basahin din: 5 side effects ng abortion sa kalusugan ng babae

Source: theAsianparent Community, Pro-Life Philippines Foundation, Inc.

Partner Stories
Postpartum Hair Loss: 5 Most Effective Tips To Restore Your Luscious Locks
Postpartum Hair Loss: 5 Most Effective Tips To Restore Your Luscious Locks
Nakakabahalang stretch mark habang nagbubuntis: Ano ang mabisang pantanggal ng stretch mark?
Nakakabahalang stretch mark habang nagbubuntis: Ano ang mabisang pantanggal ng stretch mark?
Drinking Milk During Pregnancy: Is It Really Necessary?
Drinking Milk During Pregnancy: Is It Really Necessary?
Meals and Snacks Perfect for the Third Trimester
Meals and Snacks Perfect for the Third Trimester

Got a parenting concern? Read articles or ask away and get instant answers on our app. Download theAsianparent Community on iOS or Android now!

ddc-calendar
Get ready for the baby’s arrival by adding your due date.
OR
Calculate your due date
img
Written by

Camille Alipio-Luzande

Become a Contributor

  • Home
  • /
  • Pregnancy
  • /
  • REAL STORIES: "Undecided if I'm going to continue my pregnancy"
Share:
  • REAL STORIES: "Tinatago pa rin ng asawa ko ang mga gamit ng ex niya"

    REAL STORIES: "Tinatago pa rin ng asawa ko ang mga gamit ng ex niya"

  • REAL STORIES: "Pinipintasan na maitim ang baby ko dahil hindi mana sa kulay naming mag-asawa"

    REAL STORIES: "Pinipintasan na maitim ang baby ko dahil hindi mana sa kulay naming mag-asawa"

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

  • REAL STORIES: "Tinatago pa rin ng asawa ko ang mga gamit ng ex niya"

    REAL STORIES: "Tinatago pa rin ng asawa ko ang mga gamit ng ex niya"

  • REAL STORIES: "Pinipintasan na maitim ang baby ko dahil hindi mana sa kulay naming mag-asawa"

    REAL STORIES: "Pinipintasan na maitim ang baby ko dahil hindi mana sa kulay naming mag-asawa"

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

Get advice on your pregnancy and growing baby. Sign up for our newsletter
  • Pregnancy
    • Baby
    • Breastfeeding & Formula
    • Baby Names
    • Delivery
  • Parenting
    • Parent's Guide
    • Advice for Parenting Kids
    • Relationship & Sex
  • Lifestyle Section
    • Local celebs
    • Celebrities
    • Money
    • News
  • FAMILY & HOME
    • Couples
    • Weekend & Holiday Guide
    • Health
  • Building a BakuNation
    • More
      • TAP Community
      • Advertise With Us
      • Contact Us
      • Become a Contributor


    • Singapore flag Singapore
    • Thailand flag Thailand
    • Indonesia flag Indonesia
    • Philippines flag Philippines
    • Malaysia flag Malaysia
    • Sri-Lanka flag Sri Lanka
    • India flag India
    • Vietnam flag Vietnam
    • Australia flag Australia
    • Japan flag Japan
    • Nigeria flag Nigeria
    • Kenya flag Kenya
    © Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
    About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
    • Tools
    • Articles
    • Feed
    • Poll

    We use cookies to ensure you get the best experience. Learn MoreOk, Got it

    We use cookies to ensure you get the best experience. Learn MoreOk, Got it

    theAsianparent heart icon
    Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at update sa pagbubuntis.