STUDY: Mas masaya ang mga bata sa materyal na regalo kaysa karanasan

Isang pag-aaral ang nagsasabing mas maganda kung ang regalo para sa mga bata ay materyal na bagay kaysa pagbisita sa mga lugar.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kapag pinaguusapan ang ating mga anak, ang nais lang natin ay maibigay ang kanilang gusto. Kaya nga laging espesyal ang regalo para sa mga bata sa bawat dumarating na kaarawan o holiday. Maaaring ito’y laruan na matagal na nilang gusto o kaya naman pagbisita sa paboritong theme park.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Pag-aaral tungkol sa regalong materyal at karanasan sa mga bata
  • Bakit mas masaya ang mga bata sa materyal na regalo?
  • Dahilan kung bakit nagiging spoiled ang bata

Isang pag-aaral mula University of Illinois Chicago ang nagsasabing mas maganda kung regaluhan sila ng materyal na bagay kaysa pagbisita sa mga lugar.

Regalo para sa mga bata | Image from Unsplash

Regalo para sa mga bata

Kabilang sa pag-aaral ni Lan Nguyen Chaplin at kaniyang grupo ang mga batang nasa edad tatlo hanggang labindalawang taong gulang. Dito susukatin ang lebel ng kanilang kasiyahan kapag nakatanggap ng materyal na regalo at pansariling karanasan.

Lumabas sa pag-aaral na ang mga mas batang kalahok ay mas masaya nang mabigyan sila ng materyal na regalo. Habang ang mga matandang bata naman ay mas sumaya sa regalong karanasan.

Paglilinaw ng mga researcher, hindi ibig sabihin, ayaw na ng espesyal na karanasan ng mga batang ito. Sa edad kasi nila, agad nilang nakakalimutan ang mga masasayang karanasan ng nangyari sa espesyal na regalong ito. Kumpara sa materyal na bagay, ito ay may ibinibigay na pisikal na kasiyahan sa kanila. Kapag nakikita o nahahawakan nila ito, naaalala nila ang depinisyon ng kasiyahan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang kahalagahan

Nagbigay naman ng payo si Chaplin sa mga bata para maalala ang espesyal na bakasyon o family outing. Makakatulong ang pagkuha ng litrato o video sa bawat bakasyon na pupuntahan. Ito’y dahil maaari nilang mapanood ang mga pangyayari at maalala ang masasayang tagpo.

BASAHIN:

STUDY: Paglalaro ng manika, may positibong epekto sa mga bata!

STUDY: Ito ang mga katangian ng laruan na dapat nilalaro ng iyong anak

Subukan ang trick na ito sa iyong anak sa tuwing siya ay nagpapabili ng laruan

Dagdag pa niya na,

“Children are likely going to appreciate those experiences more if there is something to remind them of the event. Additionally, they’ll be able to learn the social value of shared experiences.”

Hindi man ma-appreciate ng mga bata ang espesyal na okasyon na iyong ibinigay, bakit hindi mo subukang kumuha ng litrato o video sa susunod at ipanood ito sa kaniya pagkatapos? Tiyak na maaalala niya ito at paunti-unti’y mararamdaman na niya ang sayang hatid ng espesyal na karanasan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paanong hindi mapalaki ang bata na spoiled?

Walang magulang na gustong lumaki ang kanilang mga anak spoiled o entitled child. Kaya naman mahalaga para sa isang magulang na alamin ang iba’t ibang uri ng behavior na hindi nila alam na nagiging dahilan pala ng pagiging spoiled brat ng isang bata. Paano nga ba hindi mapalaki ang bata na spoiled?

Narito ang pitong reminders para maiwasang maging spoiled si baby.

Regalo para sa mga bata | Image from Freepik

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

1. Madalas na pagbibigay ng reward

Ang pagbibigay ng reward o regalo sa iyong anak kapag nakakakuha sila ng mataas na grade o paggawa ng chores ay ayos lamang. Ngunit kapag ito’y nasanay, tila kailangan mong nang bigyan sila ng regalo bawat magandang aksyon na kanilang ginawa.

Ang pagbibigay ng reward ay kailangan subalit napapanahon lamang. Katulad na lamang kung nakakuha sila ng mataas na grade o nanalo sa isang competition.

2. Pagbibigay ng labis-labis na allowance

Ang main purpose ng allowance ng anak mo’y para pambili ng pagkain o pamasahe papunta sa school. Hindi mo sila kailangan bigyan ng sobra-sobrang pera na parang suweldo na ng isang nagtatrabaho.

Bigyan lang sila ng sapat na amount ng pera para sa pang araw-araw nilang gastusin. Ngunit bigyan rin sila ng extra para may matitira sa kanila para maipon. Turuan ang iyong anak na bigyang halaga ang bawat peso na mayroon sila. Siguradong magkakaroon ka ng anak na appreciative at less spoiled.

3. Inii-spoil sila sa mga bagay

Mahalagang tandaan ng magulang na sila ang nagiging example sa kanilang mga anak. Kaya naman disiplinahin sila sa iyong kakayahan. Subukang mag reassess ng iyong behavior at habits. Maaaring sarili rin natin ang dahilan kung bakit entitled o spoiled ang anak natin.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Minsan, magandang tignan at suriin rin ang sarili para maging isang mabuting magulang.

Regalo para sa mga bata | Image from Freepik

4. Hindi matalino sa paggastos

Sa paraan ng iyong paggastos unang natututo ang iyong anak. Kaya naman turuan sila na mag budget ng kanilang pera sa murang edad pa lamang. Magbigay ng exact amount na gagastusin niya para sa pagkain, pamasahe at iba pang bagay. Siyempre, ‘wag kakalimutan na magtabi at mag-save ng pera.

Ang iyong bad spending habits ay maaaring makuha ng iyong anak. Kaya naman hangga’t maaga pa lang ay baguhin na ang iyong behavior sa paggastos ng wala sa tama.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Turuan silang maging praktikal sa pagbili ng mga bagay. Ipaunawa sa kanila ang kaibahan ng ‘wants’ at ‘needs’.

5. Hindi pagtuturo ng pagtitipid

Habang bata pa ang iyong anak, turuan na sila kung paano humawak ng pera dahil sila’y nakadepende sa inyo. Pagtanda nila, sila na mismo ang bahalang gumastos ng pera nila at lahat ng natutunan nila mula sa’yo ay maiaapply nila rito.

Kaya naman mahalagang turuan ang iyong anak na magtipid habang bata pa lamang sila. Para magkaroon sila ng disiplina at hindi gumastos ng todo para sa mga bagay na hindi naman nila kailangan.

‘Wag rin sanayin humingi lang sa’yo ang mga anak mo kapag kailangan nila ng pera. Tulungan sila sa pangangailangan ngunit ipaintindi sa kanila ang nangyari kapag sila ay nag overspend.

Translated with permission from theAsianparent Singapore

Sinulat ni

Mach Marciano