20 na mga regalo na puwedeng ibigay sa iyong minamahal—na hindi materyal na bagay

Higit sa ano pa mang materyal na bagay ang pinakamagandang regalo sa pasko na iyong maibibigay ay ang iyong oras at pagmamahal.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pasko na naman, panahon na naman ng pagbibigayan ng regalo. May nakahanda ka na bang Christmas gift sa mga mahal mo? Pero maliban sa pagbibigay ng mga materyal na bagay tulad ng damit, laruan o relo, may ibang bagay na pwedeng gawing regalo sa pasko na siguradong maappreciate ng pagbibigyan mo.

Kaya naman ito ang ilang tips para sa perfect na regalo sa pasko na hindi mo kailangang ibalot at bilhin na siguradong ikakatuwa ng makakatanggap nito.

Christmas gift ideas: Regalo sa pasko para sa asawa

1. Regalo sa Pasko: Isang exclusive date o date na kayong dalawa lang.

Dahil parehong busy sa pag-ganap ng kaniya-kaniyang role sa pamilya, ang pagkakaroon ng time sa isa’t-isa ay ang pinakamagandang regalo sa pasko na maibibigay mo sa iyong asawa. Maaring ito ay isang date sa pinakapaborito ninyong restaurant noong kayo ay nagsisimula pa lamang o isang dream date na pinapangarap ng isa sa inyo na pwede ng bigyan ng katuparan.

2. Day off mula sa gawaing bahay para sa mga babae, isang whole body massage para sa lalakeng pagod sa trabaho.

Para sa mga babaeng asawa pwepwede rin ang pagbibigay ng isang araw na pahinga o day-off mula sa gawaing bahay. Hayaan mo siyang magpahinga buong araw at ikaw naman ang magsilbi sa kaniya. Para naman sa mga lalake maari mo siyang bigyan ng whole body massage bilang kapalit sa araw-araw na pagtratrabaho para maitaguyod ang inyong pamilya.

3. Regalo sa Pasko: Lutuin ang paborito o gusto niyang pagkain.

Maari mo ring lutuin ang paboritong pagkain ng iyong asawa o isang pagkain na gusto niyang kainin na pwede pang pasarapin ng iyong personal touch. Maari mo rin itong gawin pang mas intimate sa pamamagitan ng dinner date sa inyong bahay handa ang iyong niluto na kayo lang dalawa.

Subukan ang Carbonara recipe na ito ni Chef JP.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

4. Isang masinsinang pag-uusap o kamustahan ninyong mag-asawa.

Minsan may mga bagay na bumabagabag sa atin na hindi natin masabi sa ating mga asawa dahil narin sa pagka-busy sa kaniya-kaniyang gawain. Kaya naman ang paglalaan ng oras para makausap ang iyong asawa at malaman ang mga bagay na bumabagabag sa kaniya ay isang magandang regalo para mabawasan ang kung ano mang bigat ang nararamdaman niya.

5. Isang gabi ng mainit na pagtatalik o sexy time bilang regalo sa pasko

Wala ng mas gaganda pang regalo sa pasko sa sexy quality time kasama ang asawa mo. Isang paraan rin ito para mas lalo pang mapainit at mapatibay ang inyong pagsasama na hindi kayang tumbasan ng kahit anong materyal na bagay na ibibigay mo sa kaniya.

Christmas gift ideas: Regalo sa pasko para sa anak

6. Regalo sa Pasko: Isang araw na paglalaro sa isang themed park.

Bettina Carlos and daughter Gummy doing the Nido City Challenge at the Kidzania Manila

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mababaw ang kaligayahan ng mga bata. Imbis na bilihan sila ng laruan maari mo rin silang dalhin sa isang themed park para makapaglaro at makapaenjoy sa iba’t ibang rides. Mas hindi makakalimutan ang magandang karanasan kesa sa laruan na masisira lamang kinalaunan.

Sa Kidzania Manila, mayroong Nido City Challenge kung saan may mga activities na puwedeng gawin na nag-e-encourage sa mga bata na maging independent. Ang mga makakatapos ng challenge na ito (by December 2018) ay maaaring manalo ng Nido products.

7. Pamamasyal o picnic sa labas.

Dahil sa pagkabusy sa trabaho, maari ka ring mag-make time sa iyong mga anak. Gawin ito sa pamamagitan ng pamamasyal sa mall o pagpipicnic sa isang park. Sa ganitong paraan mas nagkakaroon kayo ng time kasama ang isa’t-isa, mas nakakabawi ka sa mga panahong wala ka sa tabi nila.

8. Lutuin ang paborito o gusto niyang pagkain.

Isang paraan rin para mapasaya ang iyong anak ay ang lutuin ang pagkaing gustong-gusto o paborito niya. Dito pwede siyang kumain ng unlimited kesa sa restaurant na kokonti lang ang serving mas mahal pa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

9. I-e-enroll siya sa mga workshops o special class ng mga activities na kinahihiligan niya.

Ang mga bata ay may kaniya-kaniyang skills at talent. Kung hilig ng anak mong sumayaw ienroll sya sa dance class para mas lalong niyang madevelop ang talent niya o kaya naman sa mga cooking workshops o taekwondo class. Mas ma-appreciate niya ito lalo na kung alam mo ang hilig niya at mararamdaman niya ang pagbibigay mo ng halaga at suporta.

10. Regalo sa Pasko: Manood ng theater show o pelikula.

Isang magandang regalo rin sa mga maganda ang panonood ng theater show o di kaya naman ay movie ng paboritong niyang cartoon character. Maliban sa ma-e-entertain siya ay may mapupulot din siyang aral dito na mai-aapply niya sa tunay na buhay.

Christmas gift ideas: Regalo sa pasko para sa magulang

11. Handmade Christmas card

Kailan mo huling sinabi sa mga magulang mo  na mahal mo sila? O kaya naman ay nagpapasalamat ka sa pag-aalaga nila? Higit sa ano pa mang bagay, ikasasaya ng isang magulang ang malaman na naappreciate ng isang anak ang lahat ng ginagawa nila. Hindi mo lang sila mapapasaya, magandang paraan rin ito para lalo kayong maging close sa isa’t-isa.

12. Regalo sa Pasko: Ilabas sila sa isang date gaya ng movie date.

Dahil sa ating pagkabusy sa trabaho at buhay pamilya nawawalan na tayo ng oras sa mga magulang natin. Kaya naman magandang paraan para makipagbonding sa kanila. At bumawi sa mga oras na busy ka ay ang ilabas sila sa isang date gaya ng panonood ng sine na bihira ng gawin ngayon ng mga matatanda.

13. I-enroll sila sa Zumba class.

Patok na patok ngayon sa mga oldies ang pagzuzumba dahil isang magandang paraan ito ng pageexercise para manatili silang fit at healthy kahit matanda na. Maliban dito, isang magandang paraan rin ito para makakilala sila ng mga bagong kaibigan na maari nilang makausap at makasama kung sakaling ikaw ay wala sa tabi nila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

14. Manood ng live sa favorite niyang TV program.

Dahil madalas lang sa  bahay,ang panonood ng TV ang karaniwang katuwaan ng mga matatanda. Kaya naman paniguradong maappreciate niya kung madadala mo siya at mapapanood ng live ang favorite TV program niya. Gaya ng E.A.T, Eat Bulaga o Showtime at iba pang programa na maaring magpasaya sa kaniya. Mas ikakatuwa rin nila na makita sa personal ang paborito nilang artista.

15. Regalo sa Pasko: Staycation sa isang hotel.

Superior room at the Marco Polo Ortigas

Magandang paraan din para maipakita ang iyong pagmamahal sa iyong magulang ay sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng isang espesyal na araw. Na kung saan wala silang aalalahanin kung hindi ang magpahinga lamang. Kaya ang staycation sa pinakamalapit na hotel sa inyo ay isang magandang option. Dito magbubuhay reyna at hari ang iyong mga magulang kahit isang araw lang. Napakaliit na bagay bilang kapalit sa mga sakripisyo nila sayo mula noong ikaw ay bata pa.

Regalo sa pasko para sa kapatid

16. Gift certificates o discount cards.

Dahil may kaniya-kaniyang hilig at pinagkakaabalahan. Isang magandang paraan ng pagreregalo sa iyong mga kapatid ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng discount cards o gift certificates sa paborito nilang lugar o boutique ng personal nilang mga gamit. Bawas hassle pa ito sayo sa paghahanap ng regalo para sa kanila.

17. Regalo sa Pasko: Isang libreng treat sa salon, facial o spa.

Maliban sa pagbibigay ng regalo sa pasko, ito rin ay panahon ng pagpapaganda at pagpopogi para sa mga sunod-sunod na events at parties. Kaya naman isang nakapagandang regalo ang isang libreng treat sa kanila sa isang salon o spa na kung saan nakakapagrelax sila habang nagpapaganda

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

18. Regalo sa Pasko: Night out sa isang kilalang bar o club para magsaya.

Maliban sa magandang paraan ng pagbobonding, isang magandang regalo sa pasko rin para sa iyong kapatid ay ang paglabas kasama nila. Tulad ng isang gabi sa pinakamagandang bar o club na kung saan pwede kayong sumayaw at mag-enjoy ng walang sawa.

19. Membership sa gym o enrollment sa workshop o class ng gusto nilang activity.

Karamihan sa atin ay health at body conscious. Kaya naman ang isang free membership sa gym ay isang magandang regalo sa pasko para sa iyong kapatid. Sa ganitong paraan masisigurado mong healthy ang katawan nila at naipakita mo ang iyong pag-aala. Pwede rin ang libreng enrollment sa isang workshop ng mga gusto nilang gawin. Gaya ng baking o hindi kaya naman ay music lessons sa mga instrument na kinahihiligan nila.

20. Free hotel accommodation o plane ticket para sa isang bakasyon.

Ang pagtra-travel ay isang mabisang paraan para makapagrelax mula sa stress at toxic ng trabaho o kahit sa pag-aaral. Kaya naman ang libreng hotel accommodation o free plane ticket papunta sa isang lugar na makakapagrelax sila ay isang napakagandang regalo sa pasko na.

Ilan lamang ito sa mga regalo sa pasko na maari mong ibigay sa iyong minamahal. Maliban sa magandang karanasan na maibibigay nito sa kanila, isang magandang paraan rin ito para maiparamdam mo ang iyong pagmamahal na hindi kayang tapatan na kahit anong materyal na bagay.