Isa si Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid sa mga inang sinusubukang maka-adapt sa home schooling setup ngayong may pandemic.
Ayon sa singer-actress, hindi naging madali ang adjustment niya at ng eight-year-old niyang anak na si Nate Alcasid para sa “new normal” sa pag-aaral.
“At the beginning of this online schooling, Nate has been having a hard time. He couldn’t really concentrate because it’s a different set up, e.
“He’s at home, he’s not with his friends, he’s with his classmates, so I always make him kulit,” kuwento ni Regine Velasquez-Alcasid sa ginanap na video conference para sa Gabay Guro Grand Gathering kamakailan.
Patuloy niya, “I don’t have to teach him about what he’s studying kasi, thank God, the teacher is taking care of that. Sa totoo lang, hindi ko na alam ang pinag-aaralan nila.”
“Pero noong umpisa, medyo hirap talaga siya. So, I was texting yung parang pinaka principal nila and I was telling her that Nate is having a hard time with school.”
“For some reason he cannot concentrate, and she was telling me na all of them are like Nate, apparently. It’s because nga of this different set up and they’re trying to get used to it.” Kuwento pa ni Regine.
“But after two weeks, thank God, he’s able to adapt and he’s able to concentrate na in his schooling.” Naiintindihan din umano ni Regine ang hirap na pinagdaraanan ngayon ng mga guro.
Aniya, “Now I understand. It’s actually hard for teachers nowadays to teach online. The students are also having a hard time online, I have to say, but it’s harder for the teachers now.”
“Can you imagine, like, when you’re in a classroom with students like 50, personal na ‘yun, but it’s hard to get their attention. Can you imagine if you’re not seeing them face to face. It must be harder, so ‘yung puso ko parang nasa mga teacher.”
Dahil nasa bahay lang ang mga batang estudyante, aminado si Regine na hindi maiiwasan na ma-distract sila habang nag-aaral.
Nabanggit pa niya, “You know, I can see that teachers are having a hard time kasi talagang iba yung setup. Kasi siyempre, ‘pag nasa bahay, ‘yung iba sa kanila nakakatulog, nakakatawa, or mag-music, mag-iPad.”
Kaugnay nito, may ilang rules pa rin umano ang hindi nababago pagdating sa paggamit ng mga gadget kahit naka-home school si Nate.
“So, ‘yung rules namin sa bahay, bawal pa rin, bawal pa din siya mag-iPad. Basta kung gusto niya [dapat] after school, so kung gusto niya to talk to his classmates dapat after school.”
“Although, ‘yun ‘yung natutuwa ako kasi since online lahat, siyempre, wala siyang interaction with the same age, kawawa din. But dahil maganda rin yung connection namin, he’s able to communicate with his classmates and yung cousins niya sa Bulacan,” pagtatapos ni Regine.
Mahirap talaga ang online schooling, ibang-iba ito sa usual na pamamaraan ng pag-aaral. Hindi lamang mga mag-aaral ang nahihirapan pati na rin ang mga teacher. Kaya naman salamat sa ating mga guro na very dedicated pa rin sa kanilang profession. Upang makapagbigay ng edukasyon sa mga bata.
Source:
Instagram
BASAHIN:
Online classes maaaring ma-extend ng 7 hanggang 8 oras, ayon sa DepEd
Teachers to parents: ‘Wag po niyong sagutan ang modules para sa anak ninyo
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!