Reinanay Julianne as a SAHM: "Ako lang ng ako—hanggang nalosyang na ako.”

"Gagawan mo ng twist, para gagawin mong happy ka every moment ng buhay mo as a stay-at-home."

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ibinahagi ng grand winner ng Reina ng Tahanan na si Julianne Torres ang kaniyang karanasan bilang stay-at-home mom

Mababasa sa artikulong ito:

  • Reinanay Julianne stay-at-home mom story
  • Mga advice ni Reinanay Julianne sa mga stay-at-home moms

Reinanay Julianne Torres stay-at-home mom story

Kinoronahan bilang Reina ng Tahanan grand winner si Julianne Torres mula sa Muntinlupa City sa segment ng noontime show na “It’s Showtime”, Sabado, November 20, 2021.

Sa ekslusibong interview niya sa theAsianparent Philippines, ibinahagi niya ang kaniyang stay-at-home mom story. Si Reinanay Julianne ay stay-at-home mom for 5 years at ang pagka-panalo niya sa Reina ng Tahanan ay hindi niya inaaasahan.

“Sinong mag aakala na sanay kang team bahay prior to COVID pandemic pa pero ngayon na minsan ka lang lumabas, mag-uuwi ka pa ng ganitong karangalan.”

Siya ay isang sales personnel noong hindi pa nagkakaroon ng pandemic kaya naman isang malaking pagbabago sa kaniyang buhay ang maging stay-at-home mom.

“Ang role mo ay to take care of the whole family. Sa umpisa talaga hahanapin mo ‘yong energy noong dalaga ka pero parang sa dulo unti-unti mong nare-realize na ito ‘yong season mo. E-embrace mo siya para maging masaya ka doon sa moment na ‘yon.”

Dumating sa puntong napabayaan ni Reinanay Julianne ang kaniyang sarili noong ipinanganak ang kaniyang first born.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Prior na magkaroon ako ng second child, ‘yong first born ko pa lang sobrang binuhos ko na ‘yong sarili ko. As in nagha-hairfall na ‘ko. Hindi ako nag a-ask ng help sa husband ko. Ako lang ng ako hanggang naubos ako kasi nalosyang ako.”

Larawan mula sa Instagram account ni Reinanay Julianne Torres

Noong nagkaroon naman siya ng second child ay naging mas hands-on ang kaniyang asawa at dito na niya natutuhan na alagaan ang sarili at binalik ang dating ayos.

“Sakto naman nakabuo kami ng second child. Iyak ako ng iyak noon sabi ko ‘grabe isang anak nga lang nauubos na ‘ko then nandito na naman, another newborn.

Pero ‘pag nandoon ka na sa exact moment, matututo ka. So noong lumabas ang second child, ‘yong asawa ko mas naging hands on siya.

Nakita ko na kaya naman pala hindi naman pala pwede na ako lang ng ako lang na losyang na. Para kaming nag-work together kaya hindi ako nalosyang. Natuto ako na mag-ayos sa sarili ko. Binalik ko ‘yong dating ako.”

Dagdag pa niya, ang pandemya ay nagkaroon ng mabuting epekto sa kaniyang pamilya. Bukod sa naging stay-at-home mom siya ay napaigting din nilang mag-asawa ang co-parenting.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Ako actually ang ganda ng nangyari noong pandemic. Noong nag work-from-home ‘yong asawa ko mas napaigting namin ‘yong co-parenting.

Mas nagkaroon siya ng time to play with the kids. Ako naman nagkaroon ng more about self-development. Kailangan ng mga mommies ‘yong time din sa sarili.”

Larawan mula sa Instagram account ni Reinanay Julianne Torres

Para kay Reinanay Julianne, dapat ay nagagawa mo pa ring gawin ang mga bagay na gusto mo kahit na nanay ka na para maging masaya sa bawat moment ng buhay bilang isang ina.

“Katulad ko na sanay ako mag-exercise, maging fit, parang mahilig magsayaw-sayaw kaya ‘yon ‘yong talent ko nung sumali sa Reina ng Tahanan.

Gusto kong sumasayaw so paano ko mai-inject doon ‘yong pag-aalaga ko ng anak. ‘Di ba nagkaka-remix ‘yong kanta ng mga pambata so ‘yon ‘yong sayaw ko habang nagzu-zumba ako pero sila nage-enjoy sa sayaw ng pang-kids ‘yong kanta. Gagawan mo ng twist, para gagawin mong happy ka every moment ng buhay mo as a stay-at-home.”

BASAHIN:

Mom Confession: “My anxiety came back when I became a stay-at-home mom.”

Stay-at-home mom depression: Ano ang senyales nito?

6 reasons kung bakit hindi biro ang maging stay-at-home mom

Mga advice ni Reinanay Julianne sa mga stay-at-home moms

Hindi kaila na ang pagiging isang ina ay nakakapagod na role. Kaya para kay Reinanay Juilianne, kahit paulit-ulit ang ginagawa ng isang nanay kung ito’y ginagawa ng may pagmamahal ay mae-enjoy ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Syempre ‘yong challenges na parang routine lahat diba – papakain, papaligo, maghahanda ka ng mga bagay. Pero kahit routinary lahat, lahat paulit-ulit, ‘yon nga ‘yong sinasabi diba na ‘pag nandoon ‘yong pagmamahal, ‘pag nandoon ‘yong gusto mo ‘yong ginagawa mo, nae-enjoy mo siya.”

Ika niya, importante na alagaan ng mga nanay ang kanilang sarili.

“Itong korona na ‘to parang ni-remind siya sakin ni God na ‘actually anak may korona ka na diyan. Even before winning the ‘Reina ng Tahanan’. ‘Yong korona na ‘yon, let it shine.

How can you make it shine kung pagod ka, kung inis ka sa life mo ‘di ba. Mapapa-shine mo siya when you take care of your self.”

Larawan mula sa Instagram account ni Reinanay Julianne Torres

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bukod sa self-love at self-care, importante ring i-maintain ang inner peace lalo na ngayong pandemic.

“If you need to rest, kasi nasobrahan ka na eh, lahat tayo napupuno, nauubos, go. Take a shower. Eat your favorite meal. Go, ipasa ninyo ‘yong anak nyo. ‘Pwede kayo muna? Kailangan ko lang mag-me time’. Alalahanin niyo ‘yong self-care, ‘yong self-love very important siya. Lalo ngayong pandemic, kailangan natin i-maintain ‘yong inner peace.”

Dumaan rin sa anxiety at depression si Reinanay Julianne at hindi niya ito ikinahhihiyang ibahagi sa iba. Payo niya, harapin ito at huwag tatakbuhan.

“Sa mga mommies na nakakaramdam ng ganoon, feel it. Ramdamin ‘yan. Huwag tatakbuhan. Huwag tatambayan.

Dadamahin mo lang at haharapin. Tapos kusang may energy na magmo-move forward ka parang built-in sa mga mommy ‘yon eh ‘yong diskarte mode, laban kung laban.”

Dagdag pa niya, ang bawat nanay ay may kani-kaniyang korona kaya huwag mamaliitin ang sarili kung stay-at-home mom ka.

“Sa mga stay-at-home moms natin dyan, mga team bahay moms natin. Actually itong korona na shiny na ‘to bago ko ‘to nakuha, mayropn na siya diyan, nandiyan na siya.

So kayo mga mommies, celebrate that wins kasi ‘yon ‘yong nalilimutan natin, na ‘ay team bahay na lang, ay stay-at-home mom lang ako’ so ‘wag ninyo ilalagay ‘yong ‘lang’.”

Kaakibat ng pag-aalaga natin sa ating mga anak ang pag-aalaga sa sarili. Mommies, huwag kalimutang magpahinga kung kailangan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Again, congratulations Reinanay Julianne Torres!

Sinulat ni

Kyla Zarate