Bugoy Cariño sa mga basher nila ni Ej Laure: “Hindi niyo alam ang istorya namin”

Bugoy Cariño sa mga basher nila ni Ej Laure: “Hindi niyo alam ang istorya namin”

Nagsalita na ang dating “Goin’n Bulilit” child star at dating miyembro ng Hashtags na si Bugoy Cariño tungkol sa relasyong mayroon namamagitan sa kanila ng volleyball player na si Ej Laure.

Nagsalita na ang dating “Goin’n Bulilit” child star at dating miyembro ng Hashtags na si Bugoy Cariño tungkol sa relasyong mayroon namamagitan sa kanila ng volleyball player na si Ej Laure.

relasyong-bugoy-cariño-at-ej-laure

Bugoy Cariño sa mga basher nila ni Ej Laure: “Hindi niyo alam ang istorya namin” Image from www.instagram.com/iambugoycarino03

Matapos nilang aaminin ang relasyon nila sa social media noong mga nakaraang araw pinutakte sila ng samu’t saring reaksyon.

Maraming mga netizen ang binatikos ang kanilang relasyon. Pinaratangan nila si Ej Laure na isang ephebophilia o isang adult na nagkakagusto sa mga nasa adolescent period. Mula 15-19 years old.

relasyong-bugoy-cariño-at-ej-laure

Bugoy Cariño sa mga basher nila ni Ej Laure: “Hindi niyo alam ang istorya namin” Image from www.instagram.com/ejlaure_/

Sa isang tweet sinabi ni Bugoy na, “Opo alam namin na may mali sa ginawa namin, pero para i-judge kami basta-basta? Ibang usapan na po ‘yun…”

Dagdag pa niya kahit na bata siya ay pinanindigan niya ang kanyang anak sa volleyball player na si Ej Laure.

 

Relasyong Bugoy Cariño at Ej Laure

relasyong-bugoy-cariño-at-ej-laure

Bugoy Cariño sa mga basher nila ni Ej Laure: “Hindi niyo alam ang istorya namin” Image from www.instagram.com/ejlaure_/

Taong 2017 nang mapabalitang hindi makakasama si Ej Laure sa UAAP Season 80 dahil sa kanyang shoulder injury umano. Pero napabalita noon na siya’y buntis.

Noong 2018 naman nang kinamusta siya ng mga press patungkol sa kanyang shoulder injury at kung kailan siya muling makakapaglaro sa UAAP. Sinabi niyang hindi niya pa alam kung kailan. Depende raw sa sasabihin ng kanyang doktor.

Tinanggi niya pa rin ang mga balitang siya nga’y nabuntis noong 2017.

“Ewan ko kasi parang hindi naman totoo ‘yung sinasabi nila and nasa kanila na lang ‘yun, kung ano gusto nilang sabihin. Kasi siyempre tao din naman sila, may sarili silang opinyon.”

Hindi pa rin tumigil ang mga usap-usapan patungkol sa relasyon nila ni Bugoy Cariño sa social media. Nang mga panahon na iyon 19-anyos na si Ej Laure at 15-anyos pa lamang si Bugoy Carino.

Sinagot din niya ang rumor na ito, “Ps: December buntis daw ako tapos January buntis din ako tas March buntis na naman? Jusko 3months na ‘kong naging buntis so triplets pala ‘to?

Mariin pa ring tinatanggi ng volleyball player na si Ej Laure ang mga kumakalat na balita na siya’y buntis. Pero matapos lamang ng pahayagg ni Ej,  sinabi ni Jameson Blake na bahagi rin ng Hashtags na si Bugoy Cariño ay nasa indefinite suspension.

Pero walang kumpirmasyon mula sa ABS-CBN noontime show na It’s Showtime. Hindi na rin naging visible masyado si Bugoy sa showbiz nang mawala siya sa Hashtags sa Showtime. Nag-speculate ang marami na baka nga totoong buntis si Ej at si Bugoy ang ama dahil halos sabay silang nawala sa kanilang mga career.

 

Ang pag-amin ni Bugoy at Ej sa kanilang relasyon

Ngayong September 2020 ay ginulat ng dalawa ang social media sa isang surprise post ng volleyball player na si Ej Laure.

Saktong-sakto sa 18th birthday ni Bugoy Cariño. Sa post ni Ej, inilantad na nito ang kanilang baby na si Scarlet.

Kaya naman maraming netizen ang nakapansin na bakit tila tinaon ng dalawa ang pagkain sa relasyon sa pagiging legal age ni Bugoy?

Isa si Angel Dei sa mga nagbigay ng saloobin patungkol sa relasyon nina Bugoy Carino at Ej Laure. Sa isang tweet sinabi ni Angel Dei na,

“This is so wrong!!!! I can’t believe some people are defending this!!! ☹”

relasyong-bugoy-cariño-at-ej-laure

Bugoy Cariño sa mga basher nila ni Ej Laure: “Hindi niyo alam ang istorya namin” Image from twitter.com/iambugoy_carino

Kaya naman sinagot din ito ni Bugoy sa kanyang tweet. Ang mahalaga umano ay hindi niya tinakasan ang kanyang responsibilidad bilang isang ama sa kanilang anak ni Ej.

Comment pa ng ibang netizens,

“The fact na todo deny at tago sila dati ng relationship nila before Bugoy turned 18 shows everything that’s messed up with their relationship.” – @iskolarspeaks

“Tinake advantage ni Ej si Bugoy !!! hindi lang kayo comfortable with the fact na women are capable of sexual manipulation too. maybe it is about time we have that conversation!!!” – @czaccei

Hindi umano tama ang ginawa ni Ej Laure kay Bugoy Cariño dahil bata pa lamang daw ito at tinake advantage niya ang pagiging minor ni Bugoy.

Sa kabilang banda marami rin naman ang sumuporta sa kanilang relasyon. Huwag na umanong pakielaman ang relasyon nina Bugoy at Ej dahil buhay niya iyon. Respetuhin na lang ang kanilang relasyon.

 

SOURCE:

Bugoy Cariño Twitter Account

spin.ph

 

BASAHIN: 

Jennylyn Mercado pinagtanggol ang mga single mom: “Having a kid early doesn’t make you less of a woman”

Andi Eigenmann answers bashers of daughter’s haircut

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Sinulat ni

Marhiel Garrote

Article Stories
app info
get app banner