Puwede mo na bang i-download at gamitin ang ReliefAgad App para matulungan kang makakuha ng ayuda? Alamin ang mga kwalipikasyon at kung paano ito gamitin.
ReliefAgad app
Inanunsyo ng Department of Social Welfare and Development o DSWD ang pilot testing ng ReliefAgad app sa National Capital Region. Ang app na ito ay gagamitin para mas mabilis na makapag-rehistro para sa Social Amelioration Program o SAP. Pero nilinaw ng ahensya na ito ay pilot run pa lamang ito kaya naman sa NCR pa lang ito magagamit.
Photo from DSWD’s Facebook
Ipinaliwanag ni DSWD Spokesperson Irene Dumlao na ang mga beneficiaries na mayroon nang hawak na SAP form ang puwedeng gumamit ng mobile app. Maaari itong ma-access sa www.reliefagad.ph upang ma-scan ang barcode sa ilalim ng SAP form.
Photo from DSWD’s Facebook
Sa pamamagitan ng aplikasyong ito, mas magiging mabilis umano ang gagawing validation at proseso ng DSWD para sa mga tatanggap ng ayuda.
Paano magrehistro sa ReliefAgad app
- Gamit ang inyong smartphone, pumunta sa www.reliefagad.ph website
- I-scan ang barcode na makikita sa ibaba ng inyong SAC form
- Kung hindi ma scan ang barcode, mano-manong ipasok ang numero ng barcode sa app
- I-enter and inyong personal na impormasyon
- I-enter ang mga miyembro ng inyong pamilya
- Piliin kung paano ninyo gustong matangap ang cash assistance. (Tip: Kung pipiliin ang PayMaya, Gcash o bank account, direktang matatanggap ninyo ang cash assistance sa inyong account.)
- I-enter ang One Time Pin na matatangap ninyo sa text message
- I-click ang submit
Ano ang mga kailangan para makapag-rehistro:
- Valid ID (Driver’s license, TODA ID, Employment ID, Kasambahay ID, patunay ng negosyo, sulat mula sa Department of Agriculture, sulat mula sa barangay, sulat mula sa National Council on Indigenous People)
- Cellphone na mayroong camera upang ma-scan ang QR code
- GCash, PayMaya o bank account
Ano ang Social Amelioration Program?
Dahil sa ipinatutupad na enhanced community quarantine, ay pansamantalang tigil trabaho ang karamihan ng mga Pilipino. Kaya naman upang sila ay mabigyan ng tulong at suporta ay binuo ang Social Amelioration Program. Ito ay ang programang binuo ng gobyerno na naglalayong magbigay ng financial assistance sa mga Pilipinong labis na naapektuhan ng isinasagawang enhanced community quarantine laban sa COVID-19 pandemic. Pinagtibay ito ng Bayanihan to Heal as One Act o Republic Act No. 11469. Ang batas na nagbibigay ng dagdag awtoridad o special powers sa Pangulo ng Pilipinas sa gitna health crisis sa bansa.
Image from Yahoo! News
Base sa batas ay nararapat na magbigay ang pamahalaan ng emergency subsidy para sa 18 million low income families sa buong bansa. Ang ibibigay na subsidy ay nagkakahalaga ng P5,000-P8,000 kada buwan sa loob ng dalawang buwan. Naka-depende ang komputasyon ng ibibigay na subsidy sa miminum wage rate ng kada rehiyon.
Source:
DSWD Website
Basahin:
Tatay na dala ang patay na anak naglakad mula Pasig hanggang Makati
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!