X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Retired soldier na mentally challenged, binaril dahil lumabag sa ECQ guidelines

4 min read
Retired soldier na mentally challenged, binaril dahil lumabag sa ECQ guidelines

Isang retired soldier na mentally challenged, binaril sa QC dahil lumabag sa quarantine. Alaming ang buong istorya rito.

Isang retired soldier binaril sa QC. Ano nga ba ang buong pangyayari at bakit kinailangang barilin ang kinilalang biktima na si Winston Ragos?

Retired soldier binaril sa QC

Si Winston Ragos ay isang retired soldier na nagserbisyo ng mahigit sampung taon. Siya pa nga ay kabilang sa mga lumaban noong giyera sa Marawi ngunit na-dismiss pagkatapos dahil sa war shock.

Marami ang mga naka-deploy na pulis at militar sa mga checkpoints ngayon sa iba’t ibang lugar dahil mas pinaiigting ang pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine. Ito ay dahil sa patuloy pa ring pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Kaya naman sa video na kung saan nakita si Ragos na tumatawid, agad siyang sinundan ng mga pulis at tinutukan ng baril. Ayon sa police report, nanghamon umano si Ragos at tangkang bubunot sa kanyang bag ng baril. Naitala rin sa report na mayroong nakitang hand gun sa sling bag niya.

Giit naman ng mga saksi, walang baril na dala si Ragos. Ilang beses pa nga raw nilang sinabihan ang mga pulis na mayroon lang itong sakit sa pag-iisip kaya tila nanghahamon.

Criminal probe para sa pulis

Retired soldier na mentally challenged, binaril dahil lumabag sa ECQ guidelines

Image from Freepik

Under probation naman ngayon si Police Master Sergeant Daniel Florendo Jr. dahil sa pagbaril nito sa quarantine violator. Depensa naman ng kanyang hepe, judgment call ni Florendo ang nangyari. Ilang beses din daw kasi nila itong sinabihang dumapa, ngunit hindi siya sumunod at nagtangka pa ngang manlaban.

Dinala pa sa Commonwealth Hospital si Winston matapos mabaril, ngunit namatay din ito. Hindi naman makapaniwala ang ina ni Winston Ragos sa nangyari. Aniya, sana man lang ay binaril na lamang sa parte ng katawan na hindi niya ikamamatay kung talagang hindi siya matinag.

Patuloy naman ang imbestigasyon sa nangyari, pero pansamantalang inilipat muna si Florendo sa ibang lugar.

New quarantine protocol

Retired soldier na mentally challenged, binaril dahil lumabag sa ECQ guidelines

Image from Freepik

Samantala, kinumpirma naman ng AFP ang memo na nagsasabing magkakaroon ng martial law-type quarantine sa Luzon. Ang ibig sabihin nito ay tutulungan ng mga militar ang mga pulis na magpatupad ng lockdown protocol. Bagama’t na-leak lamang ang military memo na ito, inamin naman ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na maaring mangyari ito.

Isa sa mga puwedeng mangyari sakaling matuloy ito ay mang-aaresto na ng mga lalabag sa quarantine ang kapulisan. Hindi na rin umano mag-i-issue ng warning para sa mga lalabag.

“Siguro dapat magpakita ang publiko na magbehave sila para hindi ito matuloy. Kung ito matutuloy it will be the full implementation of the law. Wala na tayong warning, diretso na tayo sa aresto,” pahayag ni PNP chief Gen. Archie Gamboa.

Kasabay ng mga ito, naghahanda pa ang gobyerno ng ilang intervention measures para patuloy na mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Kasama na rin nga diyan ay ang pagdedesisyon kung kailangan bang i-extend ang ECQ sa buong Luzon.

Ano ang ibig sabihin ng ECQ o Enhanced Community Quarantine?

Ang Enhanced Community Quarantine ay nararanasan ng buong Luzon simula noon pang March. Under ECQ, bawal umabas ang mga sumusunod:

  1. Below 21 years old
  2. 60 years old and above
  3. Mga buntis
  4. Mga taong may malubang sakit o iba pang health issue katulad ng liver disease, asthma, heart disease, high blood

Maaari lang lumabas ang iba kapag bibili ng grocery o gamot kasama na ang paggawa ng iba pang essential sevices.

Nananatili namang nakabukas ang mga grocery, pharmacy, bangko, at ospital. Available rin para sa delivery ang mga pagkain, gamot, essential goods, veterinary supplies, school supplies, clothes, accessories, housewares at hardware.

modified-ecq-meaning

Image from Freepik

Ano naman ang GCQ o General Community Quarantine?

Anong ibig sabihin ng General Community Quarantine?

Para naman sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine, narito ang mga dapat at mahalagang tandaan:

Under GCQ, bawal umabas ang mga sumusunod:

  1. Below 21 years old
  2. 60 years old and above
  3. Mga buntis
  4. Mga taong may malubang sakit o iba pang health issue katulad ng liver disease, asthma, heart disease, high blood

Maaari lang lumabas ang iba kapag bibili ng grocery o gamot kasama na ang paggawa ng iba pang essential sevices. Magpapatuloy na rin ang full operation ng mga government offices sa ilalim ng General Community Quarantine.

Magbubukas na rin ang mga mall at shopping center ngunit mananatiling nakasarado ang mga leisure establishments. Ang mga papasok na tao sa mall ay limited capacity lamang. Hindi rin mawawala ang pagtingin ng temperature sa kanila at proper sanitizing.

Partner Stories
Tis’ the season to be jolly and build a playful holiday  with The LEGO® Group
Tis’ the season to be jolly and build a playful holiday with The LEGO® Group
IBPAP Partners with My Dream in a Shoebox to Build Educational Hubs in Adopted School Communities
IBPAP Partners with My Dream in a Shoebox to Build Educational Hubs in Adopted School Communities
How to practice mindful snacking at home: Tips from Mondelez Philippines
How to practice mindful snacking at home: Tips from Mondelez Philippines
Self care tips for quarantined moms
Self care tips for quarantined moms

 

Source:

GMA News, Rappler, CNN

Basahin:

ECQ hanggang August, makakatulong sa hindi pagkalat ng COVID-19

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

mayie

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pandemya ng COVID-19
  • /
  • Retired soldier na mentally challenged, binaril dahil lumabag sa ECQ guidelines
Share:
  • ECQ hanggang August, makakatulong sa hindi pagkalat ng COVID-19

    ECQ hanggang August, makakatulong sa hindi pagkalat ng COVID-19

  • Ano nga ba ang pinagkaiba ng General Community Quarantine sa ECQ?

    Ano nga ba ang pinagkaiba ng General Community Quarantine sa ECQ?

  • 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

    10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

  • My baby rarely made eye contact—it turned out that he had autism

    My baby rarely made eye contact—it turned out that he had autism

  • ECQ hanggang August, makakatulong sa hindi pagkalat ng COVID-19

    ECQ hanggang August, makakatulong sa hindi pagkalat ng COVID-19

  • Ano nga ba ang pinagkaiba ng General Community Quarantine sa ECQ?

    Ano nga ba ang pinagkaiba ng General Community Quarantine sa ECQ?

  • 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

    10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

  • My baby rarely made eye contact—it turned out that he had autism

    My baby rarely made eye contact—it turned out that he had autism

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.