Rica Peralejo ibinahagi ang naranasan noong muli siyang nakunan sa ikatlong beses.
Mababasa dito ang mga sumusunod:
- Kuwento ni Rica Peralejo sa kaniyang pangatlong beses na nakunan.
- Plano ni Rica Peralejo at kaniyang mister matapos makunan sa pangatlong pagkakataon.
Rica Peralejo ikinuwento ang third miscarriage na naranasan
“I was positive.” Ito ang titulo ng pinakabagong vlog entry ng celebrity mom na si Rica Peralejo. Sa vlog na ito ay may ini-reveal si Rica. Ito ay ang nabuntis siya at nakunan sa pangatlong pagkakataon.
“I was positive. Positive not for COVID thankfully. I was positive for pregnancy. So yehey happy good news! But the bad news there is, I was positive that means I’m no longer am.”
Ito ang paunang pahayag ni Rica.
Kuwento ng aktres, bago mag-Father’s day nitong taon ng malaman niyang buntis siya. Nag-miss man ang period niya ay hindi agad inisip ni Rica na siya ay buntis. Inisip niya noong una na baka premenopausal symptoms na ang nararanasan niya. Lalo pa’t 41 years old na siya at noong unang beses na nag-PT siya ay negative ang naging resulta.
Pero giit ni Rica, parang may something sa sarili niya na gustong i-check pa ulit kung ano bang nangyayari sa katawan niya. Nag-take siya ng another pregnancy test after a week at positive na ang lumabas na resulta.
“I was in disbelief. Ito siguro ‘yong first time na hindi kami nagta-try pero mayroong nakalusot,” sabi pa niya.
Si Rica nagpunta agad sa OB niya nang malamang buntis siya. Agad na advise sa kaniya magpahinga at kumain ng masustansya. Si Rica bagamat masaya ay aminado noong naguguluhan at hindi maintindihan ang mga nangyayari sa kaniya.
Nag-decide din daw si Rica na hindi muna sabihin sa mister niyang si Joseph Bonifacio ang magandang balita. Hinintay niya ang Father’s day para ito ang gawing gift sa asawa. Tulad nga ng inaasahan niya at tulad niya, bagamat natuwa ang mister ay hindi muna ito masyadong umasa.
“Both of us already know the drill na kapag nabubuntis ako hindi kami puwedeng agad i-embrace ‘yong pregnancy as though it was going to happen. Because we know there is a possibility of losing that,” sabi pa ni Rica.
Pero si Rica hindi nag-give up hanggang sa sinabi na ng doktor base sa ultrasound niya na walang lumalaking fetus sa loob ng embryonic sac. Sinundan ito ng unti-unti umanong pagkawala ng mga pregnancy symptoms na naramdaman ni Rica.
“Na-feel ko nagdo-drop na ‘yong pregnancy symptoms nawawala na siya paisa-isa. I feel less pregnant. Nawala yung sciatica ko then I started bleeding. I knew the pregnancy ended.”
Ayon kay Rica, masakit man ang makunan sa pangatlong pagkakataon ay handa naman na siya kahit papaano. Kakaiba nga lang daw ang experience niya sa ngayon. Dahil kumpara noon sa nauna niyang dalawang miscarriages, ngayon ay kusa siyang nag-bleed.
Mga miscarriages na naranasan ni Rica
Kuwento ni Rica Peralejo sa parehong vlog, ang unang beses siyang nakunan ma naranasan niya ay isang kaso ng missed abortion. Ito ay ang pagbubuntis na kung saan walang nakitang heartbeat ang sanggol. Ito ay patay na sa loob palang ng kaniyang sinapupunan.
Sa pangalawa niyang miscarriage, ay natukoy naman na hindi nagde-develop ang baby sa loob ng tiyan niya. Pero ‘yong placenta at embryonic tissues ay intact pa sa loob ng uterus.
Ang magkasunod na miscarriage na naranasan ni Rica ay nangyari matapos niyang maipanganak ang panganay niyang si Philip.
“My firstborn has no problems whatsoever. It was a problem-free pregnancy and even the delivery was okay. I was so happy with my first born that all I could think about was to have another baby.”
Matapos noong nalaman ni Rica na siya ay nagtataglay ng kondisyong tinatawag na APAS. Ito ay ang Antiphospholipid syndrome ay isang immune disorder na kung saan ang katawan ng isang babae ay nagpo-produce ng abnormal antibodies na maiuugnay sa pagkakaroon ng abnormal blood clots sa kaniyang ugat. Ito ay delikado sa nagbubuntis na babae.
Plano ni Rica Peralejo at kaniyang mister matapos makunan sa pangatlong pagkakataon
Kuwento pa ni Rica, bago pa ang hindi inaasahang pagbubuntis ay pinag-uusapan na nila ng kaniyang mister ang mga puwedeng gawing options para hindi na siya mabuntis. Dahil nga una sa hindi na sila bumabata pa at tanggap na nila na baka hanggang dalawang anak lang ang ipinagkaloob ng Diyos para sa kanila.
“We are very happy already na ‘Lord thank you nakadalawa pa kami. So medyo surprise talaga yun”, kuwento pa ni Rica.
“We are very happy with the two boys. We are already contemplating, are we gonna do vasectomy or contraception moving forward. Because I’m on the stage that I could still make babies but it can also be very risky na because of my age.”
Ito ang sabi pa ni Rica.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!